Chapter 15

41 7 1
                                    

Pagpasok ko sa bahay dumiretso agad ako sa kusina para uminom ng tubig. Pagdating ko sa kusina naabutan kong nag ka-kape si Tito habang nag babasa ng dyaryo. Nang makita nya ako napatigil sya sa pag babasa at tiningnan ako.

"Ang aga mo nagising Alora."

"Nag simbang gabi po ako Tito. Niyaya kasi ako kahapon nila Mina." sagot ko habang nag sasalin ng tubig sa baso.

"Ilang linggo ko nang napapansin ang pag-ha-hatid sundo sayo ni Dos. Nililigawan ka ba?"

Natigilan ako sa tanong nya kaya binitawan ko muna ang baso at tiningnan sya. Mas lalo akong kinabahan nang makitang seryoso ang kanyang mukha.

Natatakot ako na sabihin na nililigawan ako ni Dos, what if i-sumbong nya ako kay Mama, baka mas lalo lang sya ma-stress.

"H-hindi po." na-uutal kong sagot ko. Pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko dahil sa pagtanggi ko, sana hindi nya mahalata na nag sisinungaling ako.

Hindi ko man gustong itanggi but I have no choice. I need to be wise when answering that kind of question. Baka bukas makalawa wala na ako dito, I want to spend more time in this Province. Pakiramdam ko kasi kalahati na ng buhay ko dito na ako. It's just funny how I hate this place, but now I really wish I will never leave.

"Mabuti naman kung ganun. Alalahanin mo Alora, hindi ka magtatagal sa probinsyang ito. May natitira ka lang na ilang buwan at lilisanin mo na ng tuluyan ang Poblacion. Huwag mo masyadong ilapit ang sarili mo sa mga tao dito para sa pag-alis mo, hindi ka masasaktan."

Kinilabutan ako sa sinabi ni Tito, pakiramdam ko sa oras na lisanin ko ang Poblacion hinding hindi na ako makakabalik.

Isang tango ang sinagot ko at uminom ng tubig. Iniwan ko si tito para umakyat na ng kwarto.

Pagpasok ko umupo sa kama at tiningnan ang flower vase na nakapatong sa ibabaw ng side table. Puno ng yellow roses ang flower vase, sa araw-araw na binibigyan ako ni Dos ng bulaklak naka ipon ako ng halos thirty roses. Yung iba nalanta na pero hindi ko pa rin tinapon instead inipit ko sa sketchpad ko.

I want everything happened here to be remembered.

Bilang na lang ang mga buwan na mananatili ako dito, I think I should make more memories.

"Are you okay?"

Bumalik ako sa wisyo dahil sa tanong ni Dos. Nandito kami sa tambayan at kakatapos lang ng lunch namin.

"Why?"

"Kanina pa kita kinaka-usap pero wala kang kibo. Ayos ka lang ba?" tanong nya sabay lapat ng kamay nya sa noo ko.

"Hindi ka naman mainit."

Agad kong hinawi ang kamay nya at tumingin sa malayo. The cold breeze hug me. Ang init ng sikat ng araw pero dahil sa malamig na hangin naibsan nito ang matinding init ng araw.

"Mabuti siguro kung huwag mo muna ako sunduin at ihatid sa bahay Dos. Nagdududa na kasi si Tito." napag-isip ko na mas maayos siguro kung itigil nya muna ang hatid sundo nya sa akin.

"Edi pormal akong mag papa-alam kay Kap. na nanliligaw ako."

"Hindi pwedi"

"Bakit?"

"Dahil nasabi ko na hindi ka nanliligaw sa'kin."

He parted his lips as he shock.

"I-ibig sabihin, pinapatigil mo na ako sa panliligaw ko sayo?" he nervously uttered question.

"Hindi ko alam" wala sa sariling sagot ko.

Bahagya syang natawa kaya mas lalo akong kinabahan. He looked dismayed and can't believe. Seeing that kind of the face of him feels weakening my body.

Aroma of Love (1st Game)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon