Chapter 16

47 5 0
                                    


"Merry Christmas madlang people!" napatingin at natigilan kaming lahat sa aming ginagawa nang biglang sumigaw si Rolan mula sa pinto.

Today is our Christmas party. Habang hindi pa nagsisimula ang party nag-aayos kami sa loob ng classroom para pagdating ng adviser namin maayos na lahat. Bohemian theme ang napili ng lahat para sa maging set-up ng classroom.

Hindi mapag ka-kailang sobrang galing ng mga kaklase ko pagdating sa pag-aayos. Ang dating ayos na masikip at plain na classroom ay naging malawak at maayos tingnan. Pina-gilid lahat ng mga upuan at pinunu ng bohemian design ang loob. Sa gitna naka lagay ang isang mahabang lamesa na may lamang pagkain. Samantala isang 'Merry Christmas' na words ang nakadikit sa blackboard. Sa kanang bahagi naman naka tayo ang isang Christmas Tree na napalibutan ng mga regalo. May inilaan din na space wall na may background na bohemian design para ito sa lahat ng gustong mag pa-picture.

May iilan pa kaming kaklase ang hindi dumating, sabi ni Mina hinahakot pa nila ang mga nilutong pagkain mula sa kanilang bahay. My classmates are so resourceful, kunti lang ang ambagan namin pero napakarami naming handa. Sabi ni Mina ganun daw talaga dito pag may okasyon. Ang iba naman hindi na nakapag bigay ng ambag dahil walang pera kaya nagdala sila ng nilutong pagkain galing kanilang bahay.

Natatakam na rin akong tikman ang nga nakalatag na pagkain sa mesa. Mukha kasing masasarap at ang bango pa. Sa Manila every Christmas party halos lahat ng pagkain namin binili lang sa labas, pero dito ang effort ng mga estudyante.

"Alora, samahan mo ako." si Mina. She's wearing floral smock off shoulder with slit casual bohemian dress. She looked sexy on her dress. Dagdag pa na naka lugay ang kanyang mahabang buhok na mas nagpa ganda sa kanya.

Ako naman nakasuot ng Chic off shoulder Printed bohemian Maxi dress, at nakasout din ako ng brown knee Gladiator slipper.

Ang ilan sa mga kaklase namin ay hindi naka sunod sa theme, at naintidihan naman dahil hindi naman lahat may pera pang bili ng bagong damit.

"Saan?"

"Bibili ng Manila paper para sa parlor games mamaya."

"Sige." umayos ako ng tayo at sinabit ang sling bag ko.

Wala na akong ginagawa dahil patapos na.

"Alam mo may chika ako." sabi ni Mina ng makalayo na kami sa classroom.

"Ano yun?"

Itong si Mina talaga hindi nauubusan ng chismis. Hindi nag papahuli sa balita.

"Alam mo ba kanina ko pa napapansin ang pag papalipad ng tingin sayo ni Lukas."

Speaking of Lukas, hindi na kami nag-uusap simula ng niligawan ako ni Dos. He distance himself towards me. Hindi ko naman sinabi na layuan nya ako pero kusa syang lumayo ng makaramdam syang walang pag-asa sakin. Anyway, hindi naman big deal sakin.

"Feeling ko di pa naka move-on sayo yun. Kulang na lang idikit na ang mata nya sayo. Alam mo ba minsan nilapitan ako noon tapos tinanong sakin kung kayo na daw ni Dos-"

"Ano sinabi mo."

"Sorry Alora... Nasabi ko na"

"Na?"

"Na-"

"Dito na tayo." putol ko sa sasabihin nya.

Baka mamaya may makarinig pa sa
sasabihin nya.

Bumili si Mina ng limang Manila paper at agad din kaming bumalik ng classroom. Tahimik naming tinahak ang daan patungong classroom.

"Galit ka ba?" biglang tanong ni Mina.

Aroma of Love (1st Game)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon