Nang makalabas ako ng arrival area dito sa Gensan, naramdaman ko ang init ng ihip ng hangin at nakita kong sinalubong ako ng pinsan ni Mama na si Tito Ben.
"Kamusta ka na Alora? Roi kunin mo mga bagahe ng pinsan mo " salubong nya sa akin.
Nginitian ko muna siya bago sumagot.
"Okay lang naman po, Tito."
"Ito lang ba dala mo Alora?" tanong sa akin ni Roi.
"Oo, dalawang maleta lang" sabi ko sa kanya at sinakay nya naman ito sa van.
"Halika na anak, malayo layo pa ang byahe natin, teka kumain ka na ba?" tanong ni tito sakin at pumasok na kami ng Van.
"Kanina po bago ako umalis ng Maynila,"
"Ganun ba, gusto mo ba kumain muna tayo? Masarap mga pagkain dito, preskong presko lalo na mga hipon at alimango nila," sabi sakin ni Tito at pina andar na ang Van.
"Sige po tito,"
Nilisan na namin ang airport at habang nasa byahe kami nag tanong si Roi sa akin.
"Anong grade ka na Alora?" nasa passenger seat siya naka upo kaya lumingon sya sakin para mag tanong.
"Mag grade 11 na ako,"
"Naku sakto ako kasi Grade 12 Humss. Sa National High School ako nag aaral, kung gusto mo doon ka na lang din mag aral para mababantayan kita, pero mayroon ding private dun, saan mo gusto mag-aral?"
"Kahit saan na lang, hindi naman ako maarte pagdating sa paaralan"
Wala na din naman akong pakialam kung saan ako mag-aaral. Ang importante makapag-aral ako at bumalik na ng Maynila.
Nakilala ko si Tito Ben at mga anak nya dahil minsan na silang pumunta ng Maynila para dumalaw sa amin, at minsan nila akong niyaya na sumama sa kanila pero ayaw pumayag ni mama—pero ngayon we have no choice kundi pumunta ng probinsya.
"Sige doon ka na lang mag aral, maayos naman ang pasilidad ng paaralan namin."
"Si Katya pala kamusta na?" tanong ko sa kanya ng maalala ko. Huling kita ko kay Katya kasi 4 years ago pa, at nasa elementary pa lang ata siya nun, hindi na rin siya pumunta ng Maynila.
"Naku, daig pa ako ni Katya, simula ng mag high school yun hindi mauubusan ng man liligaw. Ilang lalaki na pinag bantaan ko pero napaka galing mag tago, halos kada buwan may bagong kasintahan" sabi ni Roi na mukhang na stress na sa kapatid nya.
"At itong si tatay di man lang sinusuway" angal nya sa ama nya, kaya napatingin si Tito sa kanya.
"Napaka maldita ng kapatid mo Roi, ilang beses ko sinaway e, magpapakamatay daw alangan naman paluin ko nagdadalaga ang kapatid mo hindi naman pwedeng suwayin ko sya katulad ng dati." depensa naman ni Tito.
"Naku tay, wag ka magulat isang araw may apo ka na kay Katya, tsaka yang sinasabi mo mag papakamatay ilang beses nya ng sinabi yan takot nga sa dugo yun eh."
"Edi ipagpasalamat ko sa diyos kung mabuntis, baka tuluyan niyang gawin ang banta nya, mahirap na magsisi sa huli. Kaya ikaw wag mo akong biguin dahil si Katya parang walang pag-asa makapag tapos, panay nobyo ang ina-atupag" sabi ni Tito, napaka bait nya na ama, para sa kanya hindi isang biro ang pagsasabi na tatapusin ang buhay.
Hay sana naman makita to ni Katya.
Nakaka-awa na may mga kabataan na ginagawa nilang isang biro ang ganyang bagay.
Nakita kong natahimik si Roi, kaya natahimik na lang din ako.
After 30 mins huminto kami sa isang kainan dito sa Gensan.
BINABASA MO ANG
Aroma of Love (1st Game)COMPLETED
Narrativa generaleUnder Editing & Revision... Falling in love with someone is unpredictable. Hindi mo alam kung kailan, saan at kanino ka ma-iinlove. Love is a beautiful feelings that make a thousand stories. And that happens to Alora, she never imagines herself fa...