Chapter 6

45 8 0
                                    


"Okay, 5 mins break!" sigaw ng president namin. Nandito kami sa gym para mag practice ng presentation para sa acquaintance party na gaganapin sa friday.

Kasama rin namin ang ibang Grade na nag pa-practice rin.

Nang maka-upo na ako sa bleacher kumuha agad ako ng towel para pampunas. Sayaw ang napili ng mga kaklase ko na pwedi naming gawin at ang napili nilang sayawin ay yung sinayaw nila last school year, since kakaunti lang kaming transferee tinuro na lang nila sa amin. I'm glad kasi kahit pa-paano marunong akong sumayaw at least hindi ako nahirapan na sumunod sa mga steps.

"Tubig?" abot sa'kin ni Dos at tumabi sa'kin. Tinitigan ko lang ang tubig at pinakita sa kanya ang baon kong tubig.

"Thanks but I have one." mahinang sagot ko.

After that night, I treat him as casual again. Bumalik sa dati ang trato ko, nagku-kunwari akong hindi nangyari ang gabing iyon. Alam ko na napapansin nya na umiiwas pa rin ako sa kanya.

"Akala ko hindi mo na ako iiwasan." biglang saad ni Dos.

Natigilan ako sa pag punas ng pawis ko, at humarap sa kanya.

"H-ha?" maang mangan na tanong ko, alam ko naman ang ibig nyang sabihin.

"Akala ko ba kaibigan na kita, Alora." Tinitigan nya ako na may mapaklang ngiti.

I divert my attention to other students who also practice their presentation.

Nahagip din ng mata ko ang mga kaklase kong nag uusap.

"Dos, you don't need to be friend with me." sagot ko.

"Alora-"

"Please, simula ngayon ayoko na lumapit ka sa'kin at makipag-usap as if we were closed. Gusto ko ng tahimik na buhay at matatahimik lang ako kung wala ka sa paningin ko." Prangkang sabi ko sa kanya.

Tumayo ako at aakmang tatayo din sana sya pero inunahan ko na.

"Wag na wag mo akong sundan." pigil ko. Wala syang nagawa kundi manatili sa inuupuan.

Kailangan kong pumunta ng CR, gusto ko muna mag hilamos para mahimasmasan.

Ayokong masanay sa presenya nya. Ayoko sa binibigay nyang attention sa'kin. Kaya nga ayoko maging malapit sa mga kaklase ko dahil ayokong magkaroon ng reason para manatili dito.

Pagkarating ko sa banyo pumasok agad ako sa cubicle para umihi, ng marinig ko ang ingay ng mga estudyanteng kakapasok ng CR.


"Totoo ba na may bagong laruan si Dos?"

"Naku kawawa naman yung bagong laruan, kukunin nya lang virginity nun tapos iiwan ng luhaan, tsk"

"Baka hindi pa sya inform, sino ba yung bagong laruan?"

"Sa nakalap kong balita, yung bagong transferee ata,yung maputi na galing Maynila"

Ako ba ang tinutukoy nila?

Ang kapal naman ng mukha ng nagpakalat nyan!
Sino ba nagpapakalat ng maling infomations na yan?

"Malay nyo sya na ang seseryosohin, napaka ganda pa naman nun."

"Nakita nyo ba ang Ex ni Dos, yung nag Mutya last year, mala dyosa nga yun, tinikman lang yun ni Dos."

Aroma of Love (1st Game)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon