"Woah! napaka sexy naman,Alora." manghang sabi ni Mina ng maka labas ako ng kwarto dito sa kubo."Bigyan mo naman ako ng tips kung paano ma achieve ang ganyang katawan."
Natatawa ako habang iniiling ang ulo ko, lakas din mang-asar nitong si Mina. Kinulit nya ako habang palabas na kami ng kubo. Hindi naman ganoon ka sexy ang suot ko, naka black spaghetti strap na hapit sa katawan ko at naka insert ito sa maiksi kong short. Kung e kompara sa iba na naka two piece habang naliligo masasabi kong mas mas conservative ang suot ko.
Nang makalabas kami sa kubo hindi ko na binigyan ng pansin ang mga naka tingin sa akin mapa babae o lalaki.
Pagkarating namin sa falls nabingi ako ingay ng malakas na lagaslas ng tubig mula sa taas. Dahan dahan kong nilubog ang sarili ko sa tubig. Unti unting binalot ng malamig na tubig ang katawan ko. Pero kahit malamig bearable naman.
"Alora! punta tayo sa pwesto nila Emma!" sigaw sakin ni Mina at tinuro ang pwesto nila Emma na nag kukulitan sa mabatong parte ng falls.
Tumango ako at dahan dahan kaming pumunta sa pwesto nila Emma. Madulas kasi ang mga bato kaya kailangan maingat ka sa pag lalakad.
"Sali naman kami dyan sa usapan nyo." rinig kong sabi ni Mina ng makarating kami sa pwesto nila Emma.
"Oy, Mina buti kasama mo si Alora."
Nginitian ko sila at umupo ako sa isang bato, mas kalma ang tubig dito at may lilim ng puno na naka tulong para hindi masyadong mainit. 3pm na kaya medyo masakit pa ang sikat ng araw pero dahil sa lilim ng puno na medyo na lessen ang init.
"Ano pinag-usapan nyo at tuwang tuwa ata kayo?" tanong ni Mina.
"Ito kasing si Rain mukhang mag kaka love life na." pang aasar ni Kate.
Bigla naman namula ang pisngi ni Rain sa narinig. "Oy, ano ba hindi pa naman sya nag tapat eh." sabi nya na animoy isang uud na binudburan ng asin. Tss
"Sino ba yan at kilig na kilig ka?" curious na tanong ni Mina.
May biglang tiningnan si Rain at dahan dahang ngumiti, sinundan ko kung saan sya naka tingin at nakita ko sina Dos na nasa pampang nag iihaw kasama ang iba pang lalaki, alam kong si Dos ang tinititigan nya. Binalik ko ang tingin ko sa kanya nang mag simula na syang mag kwento.
"Nitong buwan naging malapit sa'kin si Dos, 'nung una ina asar nya ako kay Arman pero ang hindi nya alam sa kanya ako may gusto... matagal na. Alam ko na pangit ang reputasyon nya pero sa nakasama ko sya sa konting panahon nakita ko kung gaano sya kabait. Tingin ko magbago na sya ng tuluyan kasi nung nagkasama kami, lagi na sya nag tatake ng notes at active sa class.--"
"Baka inspired sayo, ayeee" panunuya naman ni Gail.
Sinigundahan naman ng iba pa naming kaklase, si Mina naman napatingin sa'kin na parang may gusto iparating.
"Baka sadyang mabait lang talaga sya sayo Rain, pero ang totoo wala naman syang gusto sayo." napatingin silang lahat sa sinabi ni Mina.
"Ang bitter mo Mina ha, parang ayaw mo atang magka love life itong future Mutya natin. Tingnan mo naman kung gaano ka ganda si Rain, hindi naman malabo na hindi mag kagusto sa kanya si Dos." sabat ni Gail. "Hmm... Baka may gusto ka rin kay Dos?" nang-aasar na ngumisi ito kay Mina.
"Suntok sa buwan na mag kagusto ako sa kanya, sa pagkaka-alam ko inlove yun sa kaklase natin pero huwag ka umasa Rain, dahil sigurado ako na hindi ikaw yun." mataray na sumagot si Mina.
Bigla naman pumagitna si Kate kay Gail at Mina "Teka! awat nga muna, bakit ba nagka away-away kayo sa Dos na yan, akala ko ba ayaw nyo sa kanya dahil sa pangit na reputasyon nya tapos ngayon pinag aawayan nyo pa."
BINABASA MO ANG
Aroma of Love (1st Game)COMPLETED
Ficción GeneralUnder Editing & Revision... Falling in love with someone is unpredictable. Hindi mo alam kung kailan, saan at kanino ka ma-iinlove. Love is a beautiful feelings that make a thousand stories. And that happens to Alora, she never imagines herself fa...