The days went so fast, and we have four days before the year end. Sa sobrang bilis ng araw hindi ko man lang nasulit ang araw ng pasko.During Christmas Eve the house are full. Kaya sobrang busy nung araw na yun. We just attend midnight mass and while waiting for countdown, nagpalaro si Roi sa mga batang kasama ang mga tauhan sa farm nila.
Marami rin ang pumupunta-punta para mag-abot ng regalo galing sa kapwa politician ni Tito.
Ako naman I never had chance to talked long with my parents, it seems they're busy. Nag greet lang sila before the countdown dahil matutulog na daw sila.
Dos called me, sabi nya sabay daw kami mag countdown and after countdown we greet each other.
Until now pala-isipan pa rin sa'kin kung sino nag palit ng sim card ng phone ko. At least may concerned pa rin ang nag palit dahil nilagay nya ang contact number ng parents ko. Noong tumawag ako kay mama hindi nya man lang napansin na bago ang number ko.
I want to end this year na wala akong dala dalang problema, kaya as much as possible gusto ko ng malaman kung sino ba ang pumalit ng sim sa phone ko.
Ayaw ko magturo dahil wala akong nakita. For now, lahat ng tao dito sa bahay ay suspect. Ayokong sabihin kay Tito o kay Roi baka sabihin nila hindi naman ganun kalaki ang problema ko dahil hindi naman nawala ako phone ko.
Iniisip ko kung si Katya ba ang kumuha, pero impossible dahil bago ang pasko lagi syang wala dito sa bahay. Nagkita lang naman kami noong namigay ng pamaskong handog, tapos inaway pa ako.
Impossible rin kay Ate Susan, laging nasa kusina at ni minsan di ko sya nakitang nag cellphone. Minsan nya rin nabanggit na hindi sya marunong gumamit.
Kung si Roi at Tito parang impossible rin dahil hindi naman sila nakikialam ng gamit ko. Si Sweet tuwing umaga hangang hapon ay wala dahil umuuwi sya sa bundok, gabi na rin sya umuuwi dito para samahan si Ate Susan.
Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa kaka-isip. Hindi ko alam kung sino ba ang ituturo ko, eh wala naman akong ebidensya maliban sa pinalitan yung sim card ko.
Sinubukan ko ring tawagan pero cannot be reached. Pag ito hindi ko malalaman until new year baka bitbit ko to hangang sunod na taon at di na ako maka-move on.
Dahil sa dami ng iniisip ko, bumaba muna ako ng kusina para kumain ng meryenda.
Naabutan kong may niluluto si Ate Susan at ang bango.
"Ate anong niluluto mo?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya. Agad naman syang napatingin sa'kin.
"Alora, ikaw pala. Ginataang kamoteng kahoy. Gusto mo?" tanong nya sakin at agad ding binaling ang tingin sa niluluto.
Pinanuod ko sya habang halo ng ginataan. Ang galing. Kitchen is not my place. Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang pagluluto pakiramdam ko masusunog lahat ng lulutuin ko.
"Opo,"
"Sakto, malapit na'to matapos."
After a couple of minutes pinatay nya na ang stove at kumuha ng mangkok.
"Ayos na ba to?" tanong nya habang pinapakita ang mangkok na may lamang ginataan.
"Opo, salamat ate," sabi ko sa kanya.
Nilapag nya naman ang ginataan sa mesa. Kumuha ako ng kutsara at sinimulan ng kumain.
Hmm.. Taste good, hindi sobrang tamis at hindi rin matabang.
"Ang sarap ate," puri ko.
She smiled at nagsalin din sya sa mangkok para sa kanya.
"Nasa bukid po ba ulit si Sweet?"
BINABASA MO ANG
Aroma of Love (1st Game)COMPLETED
General FictionUnder Editing & Revision... Falling in love with someone is unpredictable. Hindi mo alam kung kailan, saan at kanino ka ma-iinlove. Love is a beautiful feelings that make a thousand stories. And that happens to Alora, she never imagines herself fa...