Lunes ng umaga ay muntik na akong ma late sa flag ceremony, at dahil tapos na ang sembreak back to normal na ulit. Nang makapasok ako ng campus at biglang nag bell hudyat na oras na ng flag ceremony. Buti na lang naka abot ako, ayaw ko kasing ma-late dahil sa oras na mahuli ka isang period kang hindi papasok, at sa buong period na 'yun ay mag lilinis ka lang naman ng banyo, mag wawalis at kung ano ano pang naisip na ipagawa ng mga SSG officers. Since nasa public school ako at nasa bundok pa, hindi uso dito ang janitor at janitress kaya ang mga estudyanteng late ang nag lilinis."Muntikan ka ng ma-late sayang hindi kita makitang mag lilinis ng banyo at field." asar ni Mina ng makarating ako sa pila namin.
Hinabahol ko ang hininga ko at umayos ng tayo, may kalayuan ang gate sa field kung saan kami mag flag ceremony kaya tinakbo ko galing gate hangang dito. "Asa ka, hinding hindi mo'ko makikitang mag linis ng nakakadiring banyo ng Junior High, no, yuck." nandidiring sabi ko.
Last time kasi nung nag banyo kami ni Mina sa CR ng Junior High dahil walang bakanting cubicle sa banyo ng Senior high, pagpasok na pagpasok natin sinalubong kami ng naparaming vandalize at ang nakakadiri pa pag pasok ko sa isang cubicle may dugo
sa bowl ni hindi man lang binuhusan. Sa sobrang pandidiri, nasuka ako at ang pinipigilan kong ihi ay biglang naglaho. Kaya sinabi ko sa sarili ko na never akong mag papalate dahil kahit pinsan ko si Roi hinding hindi ako bibigyan ng considerasyon.Tawang tawa si Mina sa expression ko. "Ang dudugyot kasi ng mga Junior High gumamit ng banyo, kaya nga nung Junior High kami sa banyo kami ng Senior High pumupunta." ani nya.
Nagkwentuhan pa kami ni Mina ng kung ano-ano, mga ilang minuto ay nag simula na din ang flag ceremony.
Tumingin ako sa pila ng mga boys para hanapin si Dos, dati kasi bago pa man mag simula ang flag cem nasa pila na sya, pero ngayon ni anino nya di ko makitaPagkatapos ng ilang announcements ay pumasok na kami sa classroom. Pagdating sa classroom nagkwentuhan kami nila Mina at Emma ng kung ano-ano. Tawang tawa naman ako dahil inaasar ni Mina si Emma kay Roel, nung nag kasama kasi kami sa Sitio parang aso't pusa silang dalawa. Simula noon lagi na silang inaasar na dalawa.
"Puputi muna ang uwak bago ako mag kagusto sa payatot na Roel na yan." hindi maipintang mukha ni Emma.
Bigla naman humarap si Roel sa pwesto namin, narinig nya ata. "Kung makapang lait ka Emma kala mo ang ganda mo." pambabara naman ni Roel.
"Eh, ikaw nga ang payat payat mo na ang pangit mo pa!" gigil na gigil naman na sagot ni Emma.
"Bakit sinabi ko bang gwapo ako? ikaw nga di na nga kagandahan mapanglait pa. Kaya bagay tayong dalawa e."
Oh shit! smooth!
Tangina"Ayeeeee!!!!" napuno ng asaran ang buong klase. Ang mga lalaki inasar si Roel.
Tawang tawa kami ni Mina, sa sobrang tawa ko hindi ko namalayan kanina ko pa pala hinahampas si Mina. "Aray! Alora, tawa lang walang sakitan."
"Ay, Sorry" natatawang sabi ko.
"Yuck, hinding-hindi ako mag kakagusto sayo no!" inis na sabi ni Emma at bumusangot na umupo sa pwesto nya.
Natigil lang ang asaran ng dumating ang teacher namin, nabura ang ngiti ko ng nakitang naka sunod si Dos at may kasabay na isang maputing babae. Namumukhaan ko agad ang babae, sya yung nakita kong kalandian ni Dos 'nung sembreak.
"Good morning class!"
"Good Morning, Miss Suarez" sagot namin at umayos na ng upo. Nakita ko si Dos na nasa harap pa rin at hindi umaalis sa tabi ng babae.
Tss.
Kita kong bumulong ang babae kay Dos at agad sumilay ang ngiti sa mga labi nya. Required bang maglandian sa harap?
BINABASA MO ANG
Aroma of Love (1st Game)COMPLETED
Fiksi UmumUnder Editing & Revision... Falling in love with someone is unpredictable. Hindi mo alam kung kailan, saan at kanino ka ma-iinlove. Love is a beautiful feelings that make a thousand stories. And that happens to Alora, she never imagines herself fa...