Now Playing: Muli by Ace Banzuelo
***
A long silence fell between the two of us as we watched the dew lift. The sunrise begin to dominate the ground.
Mga isang metro ang layo na sa'kin, halos ayaw nya nga masagi kahit anong parte ng katawan nya sa'kin. Para bang may sakit ako na anytime na lumapit sya sa'kin ay mahawa sya.
The distance he give speaks that he don't want me anymore. Kanina pa kami dito pero ni minsan hindi sya nag-abalang magtapon ng tingin sa'kin habang ako ay pasulyap sulyap sa kanya. Naririnig ko rin ang mga buntong hininga nya.
Huminga ako ng malalim at matapang na nagsalita.
"Di pa rin nagbabago ang lamig dito sa Poblacion no?"
I look at him and he's just silent.
"Naalala ko pa dati, 'nung unang beses mo ako dinala dito, I never thought na may ganito pala ka-gandang lugar dito na pwedi mong makita ang kabuuan ng Poblacion." I laugh awkwardly.
He remain silent.
Tiningnan ko sya ulit, still, walang reaksyon nasa harap pa rin ang tingin. Huminga ako ulit at nagsalita. "Simula noon isa na ito sa paborito kong lugar dito. Tapos, tuwing umaga lagi mo akong sinusundo sa bahay nila Tito para sabay tayong mag jogging papunta dito at sabay nating abangan ang pag angat ng araw." Para akong tanga dito na nagsasalita kasama ang hangin.
"Ang ganda pa rin ng Poblacion no? Kahit ilang taon na ang lumipas." dagdag ko pa.
Kita ko sa peripheral vision ko ang pag lingon nya kaya agad kong sinalubong mga titig nya. Akala ko ibabalik nya agad ang tingin sa harap pero hindi. Nakakalunod ang mga titig nya, nakakatakot sa sobrang seryoso. Naalala ko dati ni minsan hindi nya ako tinitingnan sa ganyang paraan. Laging malambot ang mga titig nya, laging naka ngiti ang mga mata nya.
"Lumipas man ang taon hindi magbabago ang ganda ng Poblacion." sabi nya at agad ibinalik ang tingin sa harap.
Nagulat ako sa sinabi nya, akala ko wala syang balak na magsalita. Napatango ako at muling ibinalik ang tingin sa harap at ngumiti...Ngiting malungkot.
"Sana katulad ng Poblacion, hindi pa rin nagbago ang lalaking mahal ko." mahinang sambit ko pero alam kong narinig nya.
I heard him sigh but he never react.
Mahabang katahimikan ulit. Habang tumatagal kami sa ganitong katahimikan mas lalo akong nasasaktan. Ang bigat bigat sa dibdib na nasa iisang lugar kami ngunit wala man lang syang balak na magsalita.
"Mahal mo pa ba ako Dos?" biglang tanong ko ng humarap ako sa kanya.
Tila natigilan sya dahil huminto ang pagbaba taas ng kanyang balikat. Kinakabahan ako sa puntong ito, pinipigilan kong manginig sa pamamagitan ng paghawak sa railings. Nakakabingi ang tindi ng pagtibok ng puso ko pero kailangan kong maging matapang.
His side view still perfect. Ang matangos na ilong, mahabang pilik mata at ang kanyang mga mata na napakaganda. I wonder if his lips taste the same...
Agad kong sinuway ang sarili sa naiisip.
Hindi pa rin sya tumitingin. Nag-uulap na ang mga mata ko kaya agad kong pinunasan bago pa man tumulo, pagkatapos ay nagsalita ako muli.
"Do you still remember your promises to me Dos?... Na hihintayin mo ako kahit anong mangyari... na kahit walang pag-asa, mahihintay ka hangang sa araw na sasagutin kita." nanginginig ang labi ko habang binabanggit ang mga salitang iyon.
Remembering his promises made me heartache. Ang bigat sa pakiramdam na maalala ang bawat pangako na hindi kailanman matutupad dahil may kanya kanya na kaming buhay.
BINABASA MO ANG
Aroma of Love (1st Game)COMPLETED
General FictionUnder Editing & Revision... Falling in love with someone is unpredictable. Hindi mo alam kung kailan, saan at kanino ka ma-iinlove. Love is a beautiful feelings that make a thousand stories. And that happens to Alora, she never imagines herself fa...