Chapter 40

54 6 0
                                    


"What's the meaning of this Ivan Rave?" I asked him after I saw his luggage.

"What do you mean, Mom?"  maang maangan na tanong nya.

Agad akong pumunta sa closet nya at ng binuksan ko napanganga ako dahil wala na ni isang damit na nasa closet nya.

Seryoso ba ang batang 'to?

Binalikan ko sya sa kama nya habang inaayos ang isa nya pang maleta.

"Bakit wala ka ng damit sa closet?... We just stay in the Philippines for two weeks, pero yung dala mo pang life time na." sabi ko at pinagtuturo mga bagahe nya.

Tumayo sya at pumunta sa likod ko at minasahe ang balikat ko.

"Naku Ivan Rave huwag mo ko daan daanin dyan sa pa-ganyan ganyan mo."

"Mom, you're stressed again. Just calm down, okay." lambing nya pa.

Napansin kong may papel sa ibabaw ng kama nya, lumayo ako sa kanya at nilapitan ang papel. Nagulat ako ng mabasa kung ano ang nakasaad sa papel.

"Ano to Rave? Bakit may exit form ka?"

Agad syang lumapit sa'kin at kinuha ang papel at nilapag muli sa kama.

"Hindi mo na itutuloy ang pag d-doctor mo?" hindi sya nakasagot.

"Anak, if you have a problem with your studies either financial or emotional, just tell me. Hindi yung basta basta ka na lang aalis na hindi mo ako ini-inform. Bakasyon lang naman ang sinabi ko hindi ko naman sinabi na hihinto ka na sa pag d-doctor... Hindi mo na ba kaya? Okay you can continue that, gusto mo ba ng mahabang bakasyon? Sige...No one pressure you. Just tell me." sunod sunod kong sambit.

Bigla syang tumawa ng malakas.

Shit!

Nabaliw na ba itong anak ko?

Kung ganito ang epekto ng pag-aaral sa medisina kailangan nya na ngang huminto.

Hindi pa rin sya tumitigil sa pag tawa hangang sa inubo na sya at namumula habang ako ay puzzle pa rin ang mukha.

After he laughed he look at me again.

"Mom, I will not stop studying. You know how much I want to become a doctor—"

"Eh, bakit may exit form ka?"

"Yeah—"

"Oh, tapos sabihin mo na hindi ka hihinto—"

"Mom! Can I finish my sentences first?!"

Natigilan ako ng biglang tumaas ang boses nya. Sorry na, na p-praning lang ako.

"Okay, sorry, continue." pag suko ko.

"I will pass my exit form because I want to continue my studies in the Philippines."

"What?!"

"Mom, calm down."

"Okay."

"I know you wanted to stay in the Philippines for good, but you choose to be with me. And I think it's about time to go back there. Since, we moved here, there's no chance to take vacation there. So, I decided to stay there and I'll continue my studies. I know a lot of universities in the Philippines offer medicine." paliwanag nya.

Hindi ako makapaniwala na ako ang dahilan kaya nya gustong mag stay sa Pilipinas. I sighed.

"Anak, stop worrying about me. I'm good here. You're already studying at NYU, that's everyone's dream bakit ipagpalit mo pa sa Pilipinas. Tsaka kung ako ang inaalala mo. Masaya naman ako, tsaka nag c-church at may charity na sinalihan ako kaya hindi boring ang buhay ko dito. Ang importante ay kasama kita, tsaka kung ako lang naman ang dahilan mo para mag stay sa Pilipinas ay hindi naman ata fair sayo 'yun."

Aroma of Love (1st Game)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon