Mabilis lumipas ang araw na hindi ko man lang namamalayan. Pagkatapos ng fiesta balik regular class na naman at ngayon nga ay huling araw ng midterm exam namin.Maliban sa exam sunod sunod ding nagsibigayan ng mga requirement ang mga teachers namin.
"Grabe akala ko madali lang yung exam, scam talaga mga teachers." reklamo ni Mina.
"Hindi naman mahirap ang exam ah," sabat naman ni Lukas.
"Malamang para sayo madali lang, matalino ka e. Huwag mo ngang i-kumpara yang utak na meron ka sa'kin,"
Ayan na naman sila, mag babangayan na naman.
"Hindi ako matalino; masipag lang."
"Wow, sana all masipag. Doon ka na nga!"
Sumabat pa si Lukas. Napa-iling na lang ako sa kanila. Wala kasing gustong magpatalo.
After long and tiring day natapos din ang exam namin. I want to go home and sleep. Isang linggo rin akong walang tulog na maayos.
Our teacher dismiss us after few announcements.
"Ayos ka lang?" tanong ni Dos ng makalabas kami ng classroom.
"Inaantok ako," walang gana kong sagot.
"Maaga pa naman, tara sa bahay." yaya nya.
3:00 p.m pa lang dahil last day of exam at tatlong subject na lang ang natira.
"Sige," sabi ko.
Parang ayoko na rin muna umuwi sa bahay. Simula nang gabing nag-wala si Katya, nag iba ang lahat. Although bumalik sa normal pero alam mong hindi na normal.
Basta magulo.
Hindi muna pinahinto sa pag-aaral si Katya dahil baka magduda at maghinala pa ang lahat na buntis sya.
Hindi pa man ganun ka-laki ang tyan nya kaya hindi pa halata. Si Tito naman, sya na nag hahatid at sumusundo kay Katya sa school. Si Roi naman mas lalong naging seryoso sa pag-aaral. At si Sweet... she's little bit different. Nakakatakot minsan yung aura nya. Kaya lumalayo na rin ako sa kanya.
In just a week, I never know that fast people can be changed. Hindi pala kailangan panahon ang lilipas para mag bago ang isang tao, kundi nag babago sya dahil sa isang pangyayari.
And in just a snap, you'll never know what will change and how it happened.
Pagdating namin sa bahay nila Dos, dumiretso kami sa kanilang garden. Naging paborito na naming lugar 'to. Pumasok muna sya sa bahay nila para magbihis.
Pagbalik naman nya may dala syang meryenda. We spend our time talking nonsense things. Parehas kaming naka-upo sa bermuda at nasa pagitan ako ng mga binti nya while he's playing my hair. Minsan tinitirintas nya tapos tatanggalin nya rin, tapos susuklayin nya ng daliri at bubuhulin na naman.
Talking with him is my rest. Pakiramdam ko lahat ng pagod ko sa katawan nawala.
"March 1, na bukas. Natapos na yung February na hindi man lang tayo nakapag celebrate ng Valentines,"
Kinabahan ako bigla ng marinig ko na March na bukas. Bigla kong naramdaman ang panlalamig ng hangin tila nakiramdam din sa'kin.
Shit!
Bakit hindi ko man lang nabantayan na hangang 28 lang pala ang date sa February.
Bakit ba nawala sa isip ko bigla na aalis na pala ako sa ikalawang linggo.
"Teka, saan ka?" nagulat si Dos ng bigla akong tumayo.
Hindi ako makatingin sa kanya. Dere-deretso akong pumunta sa upuan para kunin ang gamit ko.
BINABASA MO ANG
Aroma of Love (1st Game)COMPLETED
Ficção GeralUnder Editing & Revision... Falling in love with someone is unpredictable. Hindi mo alam kung kailan, saan at kanino ka ma-iinlove. Love is a beautiful feelings that make a thousand stories. And that happens to Alora, she never imagines herself fa...