Chapter 29

31 5 0
                                    

"Myla, kunin mo na si Rave. Mag start na ang party." utos ko kay Myla.

Rave is running again, hindi mapermi dahil sobrang likot. Hindi ko nga alam kung kanino sya nagmana. I saw Myla napagod kakahabol kay Rave. Masyadong syang natuwa dahil marami syang batang nakasama.

Today's Rave Ivan third birthday. Napili namin dito na lang sa likod ng bahay mag celebrate rather than sa hotel or restaurant. Mas may freedom kasi dito kumapara doon.

Halos lahat ng bisita ni Rave ay mga business partners ni Isaac. Si Haizel lang din ang kaibigan kong pupunta dahil ang iba ay piniling sa ibang bansa manirahan.

I saw my husband busy talking with his visitors together with our parents. Ako lang ata ang wala sa lamesa nila.

I roam my sight. Karamihan sa mga bisita ay mga kamag-anak din ni Isaac at ilang kamag-anak ni Papa.

"Ma'am, i-ito na p-po." hingal na saad nya Myla habang karga si Rave.

Nabihisan na rin ng bagong damit. Hindi ko kinuha si Rave sa kanya.

"Mommy!" he said.

He open his arms, tila gusto magpakarga.

"Just stay at Yaya Myla. Hindi kita kayang buhatin." sabi ko.

Biglang nawala ang tuwa sa mukha. Bigla syang naiiyak dahil sa sinabi ko.

"Rave you're big already. Hindi ka na dapat nag papabuhat kay Myla." I said trying to make him understand.

"Tawagin mo si Isaac." sabi ko sa dumaan na kasambahay.

Habang buhat ni Myla si Rave hindi ko sya tinapunan ng tingin. Maya maya dumating na si Isaac at kinuha si Rave kay Myla.

Rave hug him at tila may pinag-uusapan silang dalawa lang nakaka-intindi.

Later, all visitors sing happy birthday to Rave. After that, we took pictures and start eating. Bumalik kami sa mesa kung saan nandoon ang mga magulang namin. Nasa lap ni Isaac naka-upo si Rave dahil sya ang nagpapakain. Habang si Myla naman ang nagpupunas ng bibig ni Rave kapag may kalat. Actually mas mukha pang ina si Myla kaysa sa'kin.

"Bakit hinahayaan mong si Myla ang magpapaka-ina kay Rave at hindi ikaw?" biglang tanong ni Mama ng mapansin na mas pukos ako sa pagkain kaysa daluhan si Isaac at agawin ang trabaho ni Myla.

"Myla knows her limits, Ma." I answered and continue eating.

"But, still. Baka bukas wala ka ng asawa." sabi nya na tila binabalaan ako.

"Much better." malamig na tugon ko.

"Are you crazy, Alora?"

"Can I eat silently, Ma? Hindi ko kailangan ng opinion mo." sabi ko at tinapos ang pagkain.

She looks pester for what I say. Simula ng pinakasal nya ako kay Isaac at nagbubulag-bulagan, nag bingi-bingihan sa mga nangyari sa'kin sa kamay ni Isaac ay nawalan na sya ng karapatan sa'kin.

She can't dictate what should I do or not. Pansin ko ang mga titig ng mag-asawang Sarmiento ay sa apo lang nila. Hindi rin big deal sa kanila ang ginagawa ni Myla. OA lang naman ang mga magulang ko.

After the party tulog si Rave. Binihisan lang sya ni Myla habang natutulog. After nyang bihisan ay lumabas na rin sya. Lumapit ako sa kama ng anak ko.

Rave is photocopy of his father. Halos walang nakuha sa'kin maliban sa labi. Everytime I look at him naalala ko kung paano sya nabuo. It was not made of love.

Looking at him made my heart melt. Gusto ko syang yakapin at sabihing mahal ko sya. Pero hindi ko magawa. Dahil tuwing lalapitan ko sya pakiramdam ko bangungut ang dala nya.

Aroma of Love (1st Game)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon