It's Saturday, naisip ko sana na lumabas, ilang araw na akong nandito lang sa bahay nila Tito. Hindi na kasi ako sumama sa kanila papuntang farm, ayoko ko kasi makita 'yong antipatikong lalaki.
Wala din si Katya dito sa bahay hindi ko alam kung saan nag gagala yun, si Roi naman may pinuntahan at si Tito pumunta ng barangay may inasikaso lang.
Lumabas ako ng kwarto bitbit ang wallet at cellphone ko, balak ko sana pumunta ng grocery store para bumili ng kailangan ko sa banyo. Sa grocery store na lang ako bibili wala kasi yatang mall dito.
Pagbaba ko walang tao, kaya pumunta ako ng kusina at nakita ko si Ate Susan at ang anak niyang babae na si Sweet, nasa grade 12 na din sya at iisang school sila ni Roi. Abala sila sa paggawa ng meryenda kaya lumapit ako sa kanila at tumigil sila sa pag uusap na mag ina.
"Uh, Sweet, pwede mo ba ako samahan sa grocery store?" nakangiting tanong ko sa kanya.
Nakapag-usap din naman kami ni Sweet kahit papaano, pero never pa kami ng ka-kwentuhan kasi abala sila sa ginagawa nila.
"Oo naman, ano ba bibilhin mo?" tanong nya.
"Gamit ko lang sa banyo, wala na kasi akong shampoo, conditioner at sabon." sabi sa kanya, tiningnan naman ako ni Ate Susan at nginitian.
"Sige, pero tapusin ko lang 'to." sabi nya habang nag babalat ng saging, konti na lang din naman yung babalatan nya kaya hintayin ko na lang sya.
"Ako na dito Sweet, samahan mo na si Alora." sabi ni Ate Susan
"Okay lang ate, kaya ko naman po maghintay." ilang minuto lang naman matatapos na si Sweet sa pagbabalat.
"Hindi na kaya ko na yan, sige umalis na kayo ni Sweet." giit nya pa.
Walang nagawa si Sweet sa nanay nya, kaya tumayo na sya at nag hugas ng kamay.
"Pasensya ka na, ha." hingi ko ng paumanhin ng nakalabas na kami ng bahay.
"Ayos lang, tsaka konti na lang din naman yun,"
"Ano ba gagawin nyo sa saging?" Tanong ko sa kanya, ang tahimik nya kasi
"Gagawing banana que, sasakay ba tayo ng tricycle o mag lalakad?"
"Ano ba mas madali?" Ayos lang naman sakin kung mag tricycle kami pero gusto ko din kasi mag lakad para maging familiar sa na rin sa daan.
"Pag nag-tricycle tayo mga five minutes lang doon na tayo, pero pag nag lakad mga ten minutes lang," paliwanag nya.
Malapit lang pala.
"Lakad na lang tayo, gusto ko din maging familiar sa daan,"
Tumango lang sya at naglakad na kami, ang tahimik nga lakad namin.
Nagmasid masid ako habang nag lalakad kami, may mga bata pa na naghahabulan, tapos yung iba nag titigilan pa at tumitingin pa sa akin, siguro dahil bago lang ako dito.
Pansin ko ang mga bahay dito iisang floor lang, maayos at maganda naman, halos lahat ng bahay ay concrete, at wala kang makita na gawa sa kahoy. Isa pa sa napansin ko ang lawak ng mga bakuran nila dito unlike sa Manila na walang bakuran ang mga bahay except to those leaving in the village or expensive subdivision like us.
Napansin ko malapit na kami sa sentro, padami ng padami na kasi ang mga tricycle at sasakyan. Nang maka-abot na kami sa sentro ng Poblacion, tumawid kami sa kabilang kalsada ni Sweet. Napapansin ko may mga ilang tao na tinitingnan ako.
"Maraming mga tindahan na pwedeng pag bilhan dito, Alora" nagulat ako nang magsalita ni Sweet.
Tama nga siya. Halos kabi-kabila ang mga tindahan at bilihan ng kung ano-ano.
BINABASA MO ANG
Aroma of Love (1st Game)COMPLETED
General FictionUnder Editing & Revision... Falling in love with someone is unpredictable. Hindi mo alam kung kailan, saan at kanino ka ma-iinlove. Love is a beautiful feelings that make a thousand stories. And that happens to Alora, she never imagines herself fa...