Epilogue

86 5 0
                                    

Dos POV

"Paps, si Alora ba yun?"

Nagising ang diwa ko ng makita si Laura na nasa tabi ko at sinusundan ng tingin ang paglalakad palayo ni Alora. Hindi ako sumagot at sumulyap ako ng isang beses sa papalayong bulto ni Alora at tumalikod na. Hindi ko na inabala si Laura sa kakatingin niya.

Hindi ako makapaniwala na makalipas ang maraming taon muling nag cross ang landas namin. Hindi ko rin mapangalanan ang nararamdaman ko ngayon.

"Paps, wait hintayin mo'ko!" tawag ni Laura.

"Manahimik ka nga ang ingay mo para kang nasa bundok." saway ko nang nasa tabi ko na siya ulit.

Napapitlag ako ng bigla niya tinusok ang tagiliran ko. Napa-iling ako ng makasalubong ko ang mapang-asar niyang tingin at ngisi.

"Problema mo?" nakakunot noo kong tanong.

"Oi si Paps!" sabay tusok ng gilid ko ulit. "Tumigil ka na Inday Laura." saway ko ulit. Narinig ko ang pagtawa niya ng malakas kaya ang ilang mga taong nakasalubong namin ay nagtataka.

"Paps imagine after many years, nag cross ulit ang landas niyo ng first love mo. Hindi kaya this is called destiny. Kung hindi kayo nagkatuluyan noon, malay mo ngayon... Ngayon ang tamang pagkakataon para sa inyo. Tsaka Paps mukhang okay maging Momshi si Madam Alora, napakaganda at napaka-elegante. Kaya ano pa hinihintay mo Paps, ituloy mo na ngayon ang naputol nyong pagmamahalan."

Agad ko siyang binatukan. "Aray Paps." sabay hawak ng ulo nya.

"Dami mong alam Inday Laura. Bilisan mo kayang maglakad daming customer oh." sabay turo sa mga pumipila mula sa labas.

Akmang magsasalita siya ng tinaas ko muli ang kamay ko. "Ito na Paps, chill." tapos nauna na siya pumasok sa Dream Coffee shop. Pero hindi pa man siya tuluyang nakasasok lumingon ulit siya sa'kin. "Pero kinilig ka no?" hirit niya pa. Babatukan ko sana ng mabilis siyang tumakbo papasok habang tumatawa.

Napa-iling ako. Mana talaga sa'kin.

Nang makapasok ako, nginitian ko ang mga costumer at winelcome. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng Cafe, lahat ng detalye na makikita dito ay may kaugnayan sa kanya. Hindi niya alam na malaking parte niya sa pagtupad ng lahat ng pangarap ko. Siya ang inspirasyon ko simula sa pagtayo ng Dream Coffee shop.

Malaki ang impak na dinulot niya simula ng dumating siya sa buhay ko.

***

"Kailan ka ba magtitino Dos?!" galit na sigaw ni Papa ng pumasok ako sa sala.

Isang buntong hininga lang ang ginawad ko, pagkatapos ay umupo ako at kinuha ang cellphone ko. Nabasa kong may yayaan na naman ng inuman.

"Ang mahal mahal ng eskwelahan mo tapos hindi ka nag-aaral ng maayos!" singhal niya pa.

Yun oh! timing nga naman. Napangisi ako ng mabasa ang chat nila na birthday daw ng girlfriend ni Jose.

Binoy:
Asan na kayo?

Homer: Papunta na! Atat na atat naman

Jose:
Hoy Dos! Pupunta ka ba?

Dos:
Sandali lang nag se-sermon pa si Erpat. Tapusin ko lang to.

"Dos!"

Agad kong tinago ang cellphone ko dahil sa sigaw ni Papa. Tumayo na rin ako.

"Nakikinig ka ba?"

Halos magbubuga na siya ng apoy sa sobrang galit. Lagi naman ako nakikinig sa kanya e. Kabisado ko na nga lahat ng linya nya.

Aroma of Love (1st Game)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon