Seeing myself in the mirror, wearing a glamorous wedding gown that made by designer. I can't believe I will wear this at the young age.
Sobrang ganda ng ayos ko ngayon pero wala ako nararamdaman na kahit anong saya sa puso ko.
Paano ba ako umabot sa ganitong posisyon?
All I want is simple life, finished my education and pursue the things that I love. But how can I do that if I will be married at the age of twenty.
Ang mga ka-edad ko, nag e-enjoy sa buhay nila. They are free to do what they want. Pero ako...ito, nakatakdang magpakasal para ipambayad sa utang.
Napapahid ako ng luha nang marinig ko ang boses ng mga kaibigan ko na papasok sa kwarto.
"Oh my gosh! I'm so proud of you, Alora." si Roan.
"Imagine, ilang taon ka ring niligawan ni Ice and then destiny make a move. And now you'll be married, so proud of you." Lala added.
"Best wishes to the both of you," si Haizel na naiiyak.
They have no idea what I had been through to say yes to this marriage. Pinilit kong ngumiti dahil napakaganda ng suot nila. Bridesmaid ko silang tatlo and they are wearing an infinity rose gold gown. Wala si Karmen dahil nasa America sya. She just sent me her gift and message me through VM.
Nagpapicture lang kami at maya maya pa ay may pumasok. Hindi na ako nagulat nang pumasok si Roi. Hindi nakapunta si Tito dahil abala sya sa parating na eleksyon, si Katya naman nag-aaral.
Lahat ng mata ng mga kaibigan ko ay na'kay Roi na. Siniko siko pa ako ni Roan ng makalapit na si Roi.
"Sis, ang gwapo. Cousin mo ba sya, pakilala mo naman ako," ani ni Roan na hindi maalis ang titig kay Roi.
"Roi, mga kaibigan ko pala. Si—"
"I'm Roan," sabay abot ng kamay ni Roi.
"I'm Ariela, but you can call me Lala."
"Haizel, by the way."
Nawala ang lungkot ko ng bahagya dahil sa paghaharot ng mga kaibigan ko kay Roi. Paano ba naman napaka gwapo nya sa ayos, hindi halatang probinsyano. Suot ang two piece suit at black leather shoes na mas lalong nag palitaw ng ka-gwapuhan nya.
Maya maya ay lumabas na rin ang mga kaibigan ko. Napansin ata nila na may pag-uusapan kami ni Roi.
"Kamusta ka na?" bigla nyang tanong.
"Ayos lang,"
"Sigurado ka na ba dito sa desisyon mo?"
Bahagya akong natigilan sa tanong nya.
"O-oo naman,"
"Alora, hindi ito kanin na kapag mainit ay pwedi mong iluwa."
"Alam ko."
"Hindi ka nag paalam sa kanya bago ka umalis."
Bigla akong tinubuan ng kaba sa sinabi nya. Hindi nya man derektang sinabi ang pangalan alam ko kung sino ang tinutukoy nya.
"Mahigit isang taon syang nag-aabang sa labas ng bahay tuwing umaga. Umaasang isang araw lalabas ka ng gate. Everytime na may lumalabas ng bahay tuwing umaga lagi syang natatarantang tumingin, nagbabakasaling ikaw ang lalabas."
Tila may gumuhit na punyal sa dibdib ko habang naririnig si Roi. Nakikita ko rin ang mukha ni Dos na umaasa na makita ako. Unti unti kong naramdaman ang sunod sunod na pagtulo.
Kahit dalawang taon na ang nakalipas ganun pa rin pala ang epekto sa'kin—hindi pa rin nagbago.
"Alora—"
"Tama na, Roi. Please respect my wedding. Ayoko nang makarinig ng kahit anong balita mula sa kanya. Kung iniisip mo na mag ba-back-out ako sa kasal na'to dahil sa mga sinasabi mo. Buo na ang desisyon kong pakasalan si Ice."
Mabilis kong pinahidan ang luha sa pisngi ko at tumingin sa vanity mirror.
"Alora, pasensya ka na kung nasira ko ang araw mo. Gusto ko lang naman malaman mo dahil naging kayo—"
"Hindi naging kami, Roi, at walang kami. Kaya tama na."
Biglang natigilan si Roi at hindi na makapag-salita. Agad kong hinanap ang isang purse na may lamang kwintas sa drawer ng vanity table. Ito ang dahilan kaya gusto kong maka-usap si Roi.
Hinarap ko sya at kinuha ang kamay pagkatapos ay nilapag sa palad nya ang purse.
"Pakibigay sa kanya. Gusto kong sabihin mo na huwag nya na akong hintayin dahil hinding hindi na ako babalik sa Poblacion." mariin kong sabi.
Napatitig si Roi sa palad nya at tila may namumuong tanong sa isip nya.
"Alora..."
"Lumabas ka na Roi." utos ko.
Tumalikod ako sa kanya at maya maya naramdaman kong bumukas ang pinto, tanda na umalis na sya.
BINABASA MO ANG
Aroma of Love (1st Game)COMPLETED
Fiksi UmumUnder Editing & Revision... Falling in love with someone is unpredictable. Hindi mo alam kung kailan, saan at kanino ka ma-iinlove. Love is a beautiful feelings that make a thousand stories. And that happens to Alora, she never imagines herself fa...