Chapter 30

35 5 0
                                    

Life is full of surprises. You'll never know what will happen the day after tomorrow. Therefore, we need to treasure everyday because we never know how it will be last.

Tanging pagtunog lang ng monitor mula sa oxygen at aircon ang naririnig sa buong kwarto. Holding his hands and watching his pale face. Made my heart scratch.

Nakaratay sya ngayon dito sa hospital. Hangang ngayon hindi pa sya nagigising. I silently pray to God na sana magising na sya.

"Alora, umuwi ka muna hija. Magpahinga ka muna." sabi ng ina ni Ice.

"How about Ice?" I asked.

Ayoko na iwan sya baka paggising nya wala ako sa tabi nya. Like I promised, gusto ko alagaan sya at hindi sukuan tulad ng ginawa nyang pag-alaga nung nasa hospital din ako.

"I am here, nandito rin ang mga nurse." sagot nya.

Hindi na ako nag matigas pa at sumunod na sa sinabi ng ginang. Nagpahatid ako sa bahay at naligo. Hindi na rin ako nag abalang mag pahinga. I just bid goodbye to Rave at nag pahatid pabalik ng hospital.

Pagdating ko nang hospital dumiretso agad ako ng kwarto. Pagbukas ko ng kwarto ni Ice, namayani ang hagulgul sa loob ng kwarto. Umiiyak ang Mama ni Ice habang inaalo ito ni Mr. Sarmiento.

Both parents of Ice are mourning while the doctor in front of them. Si Ice naman hindi pa rin nagigising. Hindi ko naintidihan bakit nag-iiyakan sila at naramdaman ko na lang na sunod sunod na tumulo ang luha ko.

Kinakabahan ako sa maririnig na balita. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa tindi ng kaba.

"This c-can't be,Doc...Why m-my son?" halos hindi makahingang tanong nya sa doktor.

Mula sa likod ng doktor kita ko ang paghinga nya ng malalim.

"I already told him about his condition Mrs. Sarmiento. When I told him he needed treatment, he constantly refused. Hangang sa lumala na ang sakit nya." doctor said.

Pakiramdam ko nawalan ako ng balanse sa narinig kaya napalingon silang lahat sa'kin.

"Alora," tawag ni Mrs. Sarmiento.

Nanghihina akong lumapit sa kanila.

"What's wrong with my husband Doc.?" pinilit kong ituwid ang salita ko kahit nilalamon na ako ng kaba.

"Your husband has stage three leukemia. His type of leukemia is Adult acute myeloid leukemia (AML) is the most frequent form. AML is a malignancy that starts in the early stages of the development of any blood cells (myeloid, which forms RBCs, WBCs, and platelets) in the bone marrow. I already discuss this to him, especially when he already experiencing common symptoms such as..."

Tila nabingi na ako sa mga sinasabi ng doctor. Napatitig ako kay Ice at napa-upo sa upuan sa gilid ng kama nya. Hindi ko na rin napigilan ang sunod sunod na pagbagsak ng luha ko. Hinaplos ko ang mukha nyang sobrang putla. Ang buhok nya na manipis na. Sunod ko tiningnan ang mga braso nyang maraming pasa na animo'y binugbog.

Bakit hindi ko napansin to?

Bakit ang galing nya mag lihim?

Muli kong binalik ang tingin sa mukha nya. Lalo akong nanghina ng binuksan nya ang mga mata nya. Naramdaman ko na lang na pinahid nya ang luha ko at ngumiti. I hold his hands while caressing my cheeks. He muttered.

"D-don't cry...babe." sabi nya na tila bulong na lang.

Mas lalo akong napahagulgul sa narinig. Sobrang hina ng boses nya. Halos hindi ko na naririnig ng maayos. Nanunuyo na ang lalamunan ko kaka-iyak. Pakiramdam ko pinupunit ang puso ko sa loob.

Aroma of Love (1st Game)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon