Natapos ang isang part ng programme na wala akong naintindihan dahil sa harutan ni Dos at ng kasama nyang babae. The woman whispered to Dos and he smiled as if what they were talking about was funny. Why don't they just share with us what they are talking about so that we can relate too.Hindi ko rin alam kung ilang beses ako umirap sa hangin dahil sa inis. Ngayon lang ata ako nainis ng ganito katindi.
Nang matapos ang dasal para sa pagkain ay tumayo na ako, baka gutom lang tung naramdaman kong irita.
Sumabay ako kay Mina sa pagkuha ng pagkuha ng pagkain. Habang namimili ako ng pagkain sa mesa may ilang nakipag-usap sa'kin na mga dati kong kaklase pero sa ibang table sila naka-upo.
Maraming pagkain kaya medyo nahirapan akong maghanap ng pweding ilagay sa plato ko. Hangang sa nakatabi ko si Dos. I almost recoiled in panic. But my eyes widened even more when I saw his plate full of different dishes. Is he really hungry? O baka para kay Lorraine na rin.
Hindi na rin na napansin na nasa likod nya lang ako.
"Tol, palagay nga ako ng letchon sa isang plato." utos nya sa lalaking naglalagay ng letchon sa bawat plato.
Binigyan sya ng isang plato ng letchon. Ngayon dalawang plato na puno ng pagkain ang bitbit nya. Sinundan ko ng tingin ang pagbalik nya sa mesa namin.
"Gusto nyo po ba ng letchon?" rinig kong tanong ng lalaki sa'kin kaya bumaling ang tingin ko sa kanya.
Tumango ako. "Konti lang." sabi ko.
Sinunod naman niya at nilagyan nya ako ng ilang slice ng letchon. Kumuha lang ako ng isang baso ng softdrink at bumalik na sa table namin. Ako na lang pala ang kulang. Nagsimula na kasi sila sa pagkain.
Nang maupo ako napansin kong sinasalinan ni Dos ang plato ng babae ng pagkain. Para nga kay Lorraine. Agad akong napatingin sa babaeng naka ngiti.
"Okay na yan, masyadong marami." she said.
"Kumain ka ng marami kailangan mo yan." sagot ni Dos.
Nahirapan akong malunok maski ang laway ko dahil sa narinig. Agad kong iniwas ang tingin at nagsimula nang abalahin ang sarili sa pagkain.
"Kamusta ka na Lorraine?" biglang tanong ni Emma.
"So far so good. How about you and Roel, kayo na ba?" tanong 'nung Lorraine.
"Asa naman."
They're close ah.
Wala akong naalala na may kaklase kaming Lorraine dati.
Anyway, ang tabang naman nitong afritada. Sino kaya nagluto?
"Nga pala... si Alora, dati naming kaklase 'nung Grade 11. Alora si Lorraine transferee rin sya nung Grade 12." pakilala ni Mina.
Pinunasan ko muna ng tissue ang bibig ko bago humarap kay Lorraine. Ngumiti ako sa kanya ganun din sya.
Nakita ko pang pasimple syang tumingin kay Dos at para bang nag-uusap sila sa pamamagitan ng kanilang tinginan.
Agad ko nang iniwas ang tingin ko sa kanila at nag pokus muli sa pagkain.
"Eh, kayo, anong status nyong dalawa ni Dos? Kayo ba?" tanong ni Emma pero sigurado ako na hindi sa'kin yun.
Itong letchon malasa ah. In fairness, masarap kahit walang sauce. Mapapadami ata kain ko nito.
"Hmm, actually that's the reason why we attend the reunion."
Mukhang kulang ang rice na nakuha ko para sa ulam na letchon ah.
"Bakit ano meron?"
Hmm, ang lutong ng balat kahit hindi na mainit ah. Ano kaya sekreto nila sa pagluluto nito.
BINABASA MO ANG
Aroma of Love (1st Game)COMPLETED
General FictionUnder Editing & Revision... Falling in love with someone is unpredictable. Hindi mo alam kung kailan, saan at kanino ka ma-iinlove. Love is a beautiful feelings that make a thousand stories. And that happens to Alora, she never imagines herself fa...