CHAPTER 2

3.8K 171 27
                                    

QUIN'S POV

"Malas," I whispered as I crossed the road to the other line.

Paano ba naman kasi bigla nalang bumagsak yong ulan.

Ngayon pa talaga kung kaylan nag-mamadali ako.

Sabado na ngayon ngunit kahit ganon ay nandito ako sa lungsod, sinamahan ko kasing mag-deliver si mama sa mga omorder ng negosyo niya.

At ngayon, nandon siya sa kaibigan niya, nakikipag-usap pa.

At ako heto, inutusan niyang tumaya muna sa swertres habang di pa sila tapos mag-marites ng mga amega niya.

At dahil sa lakas ng ulan, wala na akong paki-alam sa mga naka-paligid sakin.

Ang tanging nasa isip ko nalang ay makasilong.

Mabuti nalang at may silungan yong PCSO kaya naman sumukob na kaagad ako don.

"Pataya po ate, 143," I said saka binigay yong bayad sa nag-babantay.

I was just humming while waiting on my receipt.

"Thanks," I said pag-katapos ko itong makuha saka inilagay kaagad sa bulsa ko, mahirap na baka mawala pa to tapos manalo si mama baka di na ako maka-uwi samin.

"Ikaw iho, tataya kaba?" Baling ni ate sa bandang may gilid ko dahilan para mapabaling din ako don.

At ng makita ko kong sino yong tinatanong ni ate ay wala sa sariling napa-ayos nalang ako ng tayo.

Sh*t, bat nandito to?

Don't tell me tumataya din siya sa swertres?

Ngunit mukhang di ata niya narinig si ate dahil tulad nang last time kong pag-kakakita sa kanya, may headphone na naman ang kanyang mga tenga.

"Iho." Tawag ulit ni ate.

At sa di malamang kadahilan ay kinulbit ko nalang siya para malaman niyang tinatawag siya, malay natin, baka bingi pala to nag-he-headphone-headphone lang para cool tingnan.

Bigla nalang naputol ang aking mga iniisip ng muling mag-tama ang blue at dark brown naming mga mata.

"Tinatawag ka ni ate, tataya ka daw ba," I said saka mabilis na bumaling sa ibang direksyon.

Bakit ganyan siya makatingin? Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya ah, kinulbit ko lang naman siya eh, masakit ba yun?

"143." He just simply answered.

Pareho kami ng number?

"Okay." I shrugged. "143 daw teh!" Baling ko pa sa nag-babantay.

"Straight o ramble?" She asked.

"Straight o ramble?" Baling ko naman sa lalaki, pero teka nga bakit nag-mumukha na ata akong liaison dito? Eh, parang tumaya lang naman ako kanina ah.

"Just like yours." He said.

"Okay, straight-ramble daw teh." Saad ko ulit sa nag-babantay.

CHASING DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon