QUIN'S POV
"Naiinis na talaga ako minsan kay Iza." Biglang saad ni Mie nang-mag-lunch time na kami.
Anyway, nag-lalakad nga pala kami ngayon sa hallway para bumaba na ng second floor at bumili ng ulam.
"Bakit naman?" I asked.
Umangkla naman siya sa braso ko bago sumagot.
"Basta naiirita na ako sa kanya minsan, parang palagi niya nalang kasing inaalila si Luc, tapos ito namang lalaki di man lang marunong tumanggi." Nakasimangot niyang sabi.
"Ganyan talaga ang babaeng yan." Sabat naman ni Maria na kasabay din namin sa pag-lalakad.
"Tsk, wag niyo ng iparinig kay Luc yan. Ayaw ko mang sabihin pero halata namang palagi siyang nasa panig ni Iza." Saad ko.
"Maybe because they're both social climbers? I don't know, ganon lang talaga ang napapansin ko." Sabat naman ni Maki na nasa kabilang gilid ko.
Well, based on my observations too. Ganon nga si Luc at Iza, pag-may nakikita silang bagay na mas sikat sa mata ng iba ay doon kaagad sila.
Means kong nasaan yong mga magagaling kong kaklase kahit nag-mumukha pa silang alila ay don talaga sila to have attention too.
Ako kasi iba eh, ayaw ko sa spotlight.
And maybe ganyan lang talaga ang mga kaibigan kong yan, maybe diyan nila nakikita yong mga sarili nila.
So who am I to judge? It's their own life, let them be.
"Tsk, mas nainis lang talaga ako nong time na humiling ako sa kanya na pwede ba akong sumakay sa motor niya dahil pareho lang naman kami ng lugar na uuwian, pero di siya pumayag. Dahil gusto niya si Lian yong sumabay sa kanya, pinipilit niya pa ang lalaki na umuwi na sila kahit ayaw pa ng lalaki, tsk. Nakakainis talaga, alam niyo yun, ako na best friend niya di niya pinasakay tapos yong lalaki pinilit niya pa?! Nakakainis talaga." Inis na saad ni Mie.
"Kaya nawawalan na ako ng ganang kausapin siya minsan eh, she chooses her flirtations over her best friend." Naka-simangot na dag-dag niya pa.
"Hayaan mo na, baka diyan lang talaga siya masaya." Tanging na sabi ko nalang.
Hays ang gulo-gulo talaga ng buhay at mga isip ng mga tao, daig pa yong pubic hair.
"Ate ito po yong akin, crab meat." I said saka nag-bayad sa tindira.
Crab meat na ulit, nag-titipid na naman ako eh.
"Why aren't you replying my chats?" Biglang bungad sakin ng isang tao pag-baling ko palang sa aking likuran.
Lint*k parang kulto!
"Kulto ka ba ha?!" Inis na tanong ko sa kanya, nanggugulat eh.
"Tsk." Tanging saad niya sabay irap sakin!
P*ste talaga, naalala ko akala ko ba Man of God to? Eh bakit ganito ka suplado?!
"You're not replying to my chats." Ulit niya sa kanyang sinabi kanina.
"Eh ano naman?" Mataray na tanong ko.
Actually, inalis ko na siya sa block list ko dahil sa sobrang pamimilit niya. Pero ayon, chat ng mga kong ano-anong bagay na di ko naman binabasa kaya nilagay ko nalang siya sa Mute list ko.
Mahirap na kasi baka makita pa ni mama yong pangalan niya sa messenger ko, open account pa naman kaming lahat.
Tapos ang e-issue pa naman ng mga yun, baka isipin pa nila na may boyfriend na ako. Tapos makakatanggap na naman ako ng parang walang katapusang sermon mula kay mama, tapos malulungkot na naman si papa. Tapos tatawanan at aasarin ako ng mga kapatid kong lalaki, tapos pagagalitan ako ni ate tapos bibilhan na nila ako ng baka at patitigilin sa pag-aaral para mag-asawa nalang.
Hays, kaya no way.
Hinding-hindi ko re-replayan at babasahin ang mga chats niya kahit patungkol saan pa yan.
Kong about sa nilusak at turon, kay mama siya mag-message para safe.
"Kung hindi mo pa ako re-replyan, I swear pupuntahan na talaga kita sa bahay niyo." He seriously said at lumapit pa ng bahagya sakin dahilan upang mas lalo akong mapatingala sa sobrang tangkad niya.
"Lumayo ka nga." Inis na saad ko sabay tulak sa kanya ng kunti, ang loko di man lang natinag.
Ngunit kahit ganon ay nag-panggap parin akong di affected sa presensya niya, kahit ang totoo ay ilang na ilang na ako! Lalo na't nong nag-iwas ako ng tingin at napa-tingin sa paligid! Don ko lang naalala na nasa canteen pala kami! Pinag-titinginan na tuloy kami ng iba, siguro dahil mukha na kaming mga timang dito sa gitna.
"Bakit? alam mo ba kong nasaan ang bahay namin ha?" Parang nanghahamon ko pang sabi sabay balik ng tingin sa mga asul niyang mata.
Sh*t, having that kind of breathtaking eyes and handsome face should be a crime!
Bat ako pang-local lang talaga yong mukha?!
Ang unfair talaga!
"Of course." He confidently answered as he suppressed a smirk on his lips.
Sige, subukan niya lang ngumisi sa harap ko ay mawawalan talaga siya ng mga mapuputi at pantay-pantay na ngipin bukas.
"Tsk, wala akong paki. Padaan na nga, nagugutom na ako." Saad ko nalang.
"You're not eating healthy food again." Imbis na tumabi sa daanan ko ay yun lang ang sinagot niya.
"Crab meat nga diba? Means healthy to dahil sea food." Pag-tatanggol ko sa ulam ko kahit ang totoo ay alam ko namang tama siya, eh anong magagawa ko? Nag-titipid nga ako diba, alangan namang bumili talaga ng iba kahit wala akong pera.
Tsaka kahit di healthy to eh marasap naman noh, masyadong lang talagang ma-arte tong lalaki sa harap ko.
"The process makes it unhealthy." He said.
"I know." Sagot ko sabay irap sa kanya.
Alam ko yun noh, di naman ako ganon ka b*bo, alam ko kaya yong mga healthy and unhealthy processes.
Tulad ng saturated and unsaturated.
Topic kaya namin yun sa General Biology during first semester.
"Tsk, you should eat this instead." He said saka binigay sakin ang isang asul na tupperware.
"Ano namang gagawin ko dito?" Naguguluhang tanong ko dahilan para mairapan niya ako.
"Do you want me to feed you?" Parang nawawalan ng pasensya niyang sabi.
"Joke lang, gaga. Salamat ha!" Tawa ko nalang baka masabihan niya pa akong slow.
Pag-katapos non ay bumalik na kaming classroom ng mga kaibigan ko, nakita ko pa din ang lalaki na lumabas na ng school namin pag-katapos niyang ibigay sa akin yong isang tupperware na kulay asul na nag-lalaman nga ng mga healthy foods pero nag-mumukha naman akong kambing habang kumakain.
Lint*k tol puro gulay!
Kumakain naman ako ng mga gulay pero di naman ganito kadama! May vegetable salad pa talagang kasama, masyadong halata na mayaman yong gumawa.
Tsk, edi siya na ang kumakain ng mga healthy foods, tang*na siya.
!!!!!!!!!!!!!!
@CRISPR7
💙🦂💙
BINABASA MO ANG
CHASING DESIRES
Teen FictionMeet Quin Avis Garcia, the girl with a straight mindset. She prioritizes all the things that are more important than the things that she likes. Her goals and desires are more important to her than anything else, and she's more willing to be single f...