CHAPTER 45

888 28 1
                                    

QUIN'S POV

Di ko alam kong tadhana lang ba talaga ang lahat ng ito, at kahit man pigilan ko ang aking sarili na isipin na pakana ng isang tao lahat ng ito ay di ko naman iyon maiwasan.

Lalo na't nasa harapan ko na ngayon ang babae.

"Anong kailangan mo?" Walang gana na tanong ko sa kanya, pagod ako ngayon at ayaw kong dag-dagan pa ang problema ko.

Lunes na lunes at mukha niya kaagad ang nakikita ko, masyadong negative para sa unang day of the week.

"Hindi pa ba sapat lahat ng ginawa ko para hiwalayan mo ang anak ko?" Nakangisi niyang ani.

Napatawa naman ako ng sarkastiko dahil dun, napailing pa ako na para bang di makapaniwala sa sinabi niya.

At umamin din ang gaga, so siya pala talaga ang may pakana ng mga problema naming to?

How could she be this so cruel? Mas sakim pa ata siya sa lahat ng mga kontrabidang kilala ko.

And maybe in all of them, she's the worst, ever.

"At nagawa mo pa talagang tawaging anak si Nox matapos lahat ng ginawa mo?" Sarkastikong tanong ko, "What kind of mother are you?" Di makapaniwalang tanong ko.

Ina? Yan ba ang utak ng isang ina?

Tang*na, mas mabuti pa sigurong mag-pakamatay nalang siya.

Dahil pag-ako napuno kakalimutan ko talaga lahat ng dahilan kong bakit buhay pa siya ngayon.

"Well, I'm the kind of mother who'll do everything for her child." She smirked, "A kind of mother na di hahayaan ang anak ko na mapunta sa isang basura na tulad mo." Dag-dag niya pa.

Mas lalo pang nadag-dagan ang bigat ng dib-dib ko dahil don, di lang ego ko ang mas lalong bumaba, pati narin ang pag-katao ko.

"You are so cheap." Saad niya pa saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa, "Nox is so high for you to reach." She continued.

Di ko alam kong paano ko pa siya nagawang pakinggan pag-katapos niyang sabihin ang mga yun.

Basta ang alam ko lang ay pinipigilan ko ang sarili ko na masampal siya.

"Tingnan mo nga yang buhok mo oh, di mo man lang mapa-straight." She said, bobo talaga malamang gusto ko na kulot yan.

800 kaya ang binayad ni mama at papa mapakulot lang yan, dahil yun daw ang bagay sa akin.

"At hinding-hindi matatabunan niyang maganda mong mukha ang mahirap mong pag-katao." Wika niya pa, di ko alam kong matutuwa ba ako sa sinabi niya o ano, but at least alam niyang maganda ako.

Masyado lang talaga siyang bobo para e-judge ako, pag-ako talaga yumaman sa future papakyuhan ko talaga ang babaeng to.

Pag-katapos non ay nawalan na ako ng ganang pumasok sa klase, wala din kasi talaga akong gana na pumasok ngayon dahil sa nangyari last time.

Di parin ako maka-move-on sa ginawa nila sa akin, I felt so a shame, low, and humiliated that time, na para bang napakawalang kwenta kong tao.

Ayaw ko ding umuwi muna sa bahay ngayon, masyado pang mabigat ang atmosphere don.

Kaya naman ngayon ay natagpuan ko nalang ang aking sarili sa seawall, naka-upo sa pinakadulo tulad ng palagi kong ginagawa pag may iniisip akong problema.

Wala naman akong balak mag-pakamatay dahil di naman ganon ka hina ang mental health ko.

Future psychologist kaya to, at alam ko namang pag-subok lang lahat ng to sa utak ko.

Especially that in my observations, bago ka maging isang mahusay and successful na psychologist o psychiatrist ay kailangan mo munang dumanas ng maraming mga pag-subok at problema.

Atsaka alam ko namang malalampasan din namin lahat ng ito, alangan naman habang buhay kaming malungkot diba? Everything has an ending, kaya hintay-hintay lang, be patient, walang shortcut sa buhay.

Atsaka nothing is permanent kaya, because no matter how bad the situation is, it will change.

I knew it, and I believe in it.

"Why are you alone?" Biglang tanong ng isang tao sa gilid ko, "Nasaan ang boyfriend mo?" Tanong niya pa saka umupo sa tabi ko.

"Bakit ka ba nangingialam?" Halos walang lakas na tanong ko, masasabi ko nga talaga ngayon na pagod ako.

I'm mentally and physically exhausted, puro buntong hininga nalang ang nagagawa ko.

"Wag mo sabihing break na kayo?" Baling niya pa sa akin.

"Tsk." Tanging sagot ko at di na siya pinansin, di ko alam na chismoso din pala itong si Xer.

Siguro kong crush ko parin siya hanggang ngayon ay kikiligin talaga ako ng sobra, pero hindi na eh, wala man lang akong naramdaman kahit kunti.

Di man lang maibsan ng presensya niya ang bigat na nararamdaman ko.

"Naalala mo pa ba yong comment mo noon sa post ng kaklase natin noong grade 7 pa tayo?" He suddenly asked.

Napakunot naman ang noo ko dahil don, anong comment? Sa sobrang jejemon ko noon ay marami talaga akong nagawang comments sa ibat-ibang post.

"Yong post na tell me your crush by using emojis." He said ng makita niya ang pag-kalito sa mukha ko.

At lint*k tol, parang gusto kong tumalon ngayon sa dagat ng maalala ko ang ginawa kong yun!

Pwedeng lumubog muna?!

Ngunit imbis na ipakita ang hiya ay natawa nalang ako.

"Nakita mo yun?" Tanong ko nalang.

"Hmm.." He hummed, I could see him suppressing himself to smile, parang gago lang. "I could still remember how you spelled my name using those emojis." He said.

P*ste talaga, ano to bulgaran?

"Tsk, jejemon pa ako non." Irap na saad ko lang.

Naalala ko nga yun, and maybe sa buong buhay ko ay isa ang bagay na yun sa mga pinag-kasisihan ko.

Pinalusot ko pa non sa mga kaklase ko kinabukasan na ang ate ko ang mag-type non dahil sa asaran namin.

Pero di din naman nila ako masisi eh, sino ba naman kasi ang di-mag-ka-crush sa isang gwapong lalaki tapos mabait pa? Lalo na pag-katabi mo at araw-araw pa kayong nag-uusap, lint*k talaga.

But at least, napigilan ko ang katangahan kong yun.

"Bakit parang ang tahimik mo ata non? Tapos ngayon ang dal-dal mo na sa klase." Wika ng lalaki sa tabi, "Tapos akala ko ba crush mo ako noon? Pero parang di ko naman feel yun, pag-dumadaan nga ako sa harap mo ay parang isa lang akong hangin, di mo na nga pinapansin di mo pa tinatapunan ng tingin." Dag-dag niya pa.

Bobo talaga, malamang nakatingin lang ako sa kanya pag-nakabaling siya sa iba, alangan namang ipakita ko talaga na crush ko siya noon diba?

Like hello, di ako desperadang klase ng tao.

"Tsk, di ako mahilig mag-papansin na klase ng babae kaya di talaga ako ganon." Tanging sagot ko dahilan para mapangiti siya.

"You're right, iba ka nga." He said, alam kong nakatingin siya sa akin, ngunit tulad ng palagi kong ginagawa sa kanya ay di ko siya binalingan ng tingin.

Deretso lang akong nakatingin ngayon sa asul na dagat, at dahil doon ay naalala ko na naman ang lalaking may asul na mga mata.

How I wish siya ang kasama ko ngayon dito.

!!!!!!!!!!!!!!

@CRISPR7

💙🦂💙

CHASING DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon