CHAPTER 14

1.7K 72 21
                                    

QUIN'S POV

"And the first runner-up on our math tournament for the year 2022-2023! Is Bansari National Senior High School!!!" Bungad kaagad ng MC sa amin pag-kapasok palang namin sa hall na pinag-dausan ng event.

Di lang pala kami late, di na talaga kami naka-abot.

"Tapos na pala yong math tournament." Nakasimangot na saad ni Maria sa tabi ko dahilan para matawa kami ni Anjie.

"And the winner school for our math tournament for the year 2022-2023! Is Houdon Senior High School!!!" Patuloy na pag-announced ng MC kasabay ng pag-palak-pakan ng lahat.

Edi wow, sila na ang mga matatalino.

Nakita ko pang nag-picture taking yong mga nanalo sa entablado, at nandon nga si Nox.

Palinga-linga pa siya sa paligid na para bang may hinahanap, hanggang sa tumapat yong paningin niya sa isang matandang babae na may malaki ding ngiti sa labi tulad niya, inferness di siya mukhang suplado ngayon.

Napaka-gaan ng awra niya habang katabi ang matandang babae, siguro Lola niya yan? I don't know, medyo may hawig sila eh.

Nag-patuloy pa ako sa pag-mamasid sa paligid, habang si Maria naman ay nag-mamaktol parin sa tabi ko dahil di daw siya naka-abot sa math tournament.

Kaya naman tumingin nalang ulit ako sa stage at doon ko naman nakita ang mga pambato ng school namin at ang iba pang mga taga school na nanalo din sa tournament.

Ang naiiba lang ay pinagigitnaan talaga yong dalawang taga Houdon High, kasi nga diba sila ang champion.

Tsk, I'm sure madadagdagan na naman ang kahambugan niyang si Nox.

Wala tuloy sa sariling napa-irap nalang ako sa hangin dahil sa iniisip kong yun, at ng ibalik ko naman ang aking paningin sa stage ay bigla nalang tumama ang mga mata ko sa mga mata niyang asul na nakatingin na pala sakin.

Nataasan ko pa tuloy siya ng kilay dahil sa gulat, tsk. Kasalanan niya yan noh kung bakit ako mataray sa kanya, masyado kasi siyang hambog, tang*na siya.

Ngunit imbis na tulad ng palagi niyang ginagawa na pang-iirap sa akin ay iba ang ginawa niya ngayon, and for the first time, nginitian niya ako!

Argh! Hambog talaga!

Porket nanalo na siya, pangiti-ngiti na siya ng ganyan sa akin ha?!

Pwes tang*na! Pakyu siya!

Anong gusto niyang iparating?! Na matalino siya?! Oh edi siya na!

Lunukin niya na lahat ng numbers sa mundo! Lahat ng code at fractions! Isama niya pa yong algebraic at calculus! Wala akong paki!

"Ang gwapo talaga ng mga pambato namin noh?" Biglang saad ni Anjie sa tabi ko dahilan upang mas lalong mag-init ang ulo ko, tang*na. Di ko tuloy mapigilan yong sarili ko na mapa-irap ulit.

"Tsk, gwapo nga mga hambog naman." Mataray na saad ko.

"Hindi ah, ang babait kaya ng mga yan." Pag-tatanggol naman ni Anjie sa mga ka schoolmates niya kaya naman di nalang ako sumagot, baka mag-kasabunutan pa kami nito.

Di ko nalang muling ibinalik ang aking paningin sa stage para iwas kasalanan, baka mahampas ko pa don ang lalaking hambog na ngumiti sa akin kanina.

Tsk, pangiti-ngiti porket nanalo, di wow, siya na talaga.

"Congrats Dre." Nakangiting bati ko nalang sa kaklase namin na ngayon ay nag-lalakad papalapit samin, habang si Anne naman ay nandon pa sa papa niya nag-pi-picture.

Kumamot naman sa batok niya ang lalaki na para bang nahihiya bago sumagot sa akin "Salamat, Quin." Kiming ngiting wika niya pa.

Di wow, siya na ang cute pag-nahihiya.

"Mauuna na ako guys may kailangan pa kasi akong e pass na mga papers." Paalam ni Anjie sa amin, ngunit bago yun ay binati niya din muna ang dating kaklase saka mabilis na tumakbo palabas ng hall.

"Kumusta yong tournament Dre? Masaya ba? Di kami naka-abot eh." Tanong naman ni Maria na nasa tabi ko.

"Okay lang, nakaka-pressure at nakaka-kaba pero enjoy naman." Nakangiting sagot niya parin.

Pag-katapos non ay di na din kami nag-tagal pa sa Houdon High, umalis na din kami kaagad sa school saka nag-kanya-kanyang uwi sa bahay.

Ngunit bago yun ay nilibre ko muna ng ice cream si Maria dahil parang na-gi-guilty ata ako, late na kasi akong dumating kanina kaya di namin naabutan yong math tournament.

Mabuti nalang di na nag-drama yong gaga.

"Ma, matutulog na po kami." Sabay na saad naming mag-kakapatid saka nag-kanya-kanyang pasok sa kwarto ng gabi na, ganon din ang ginawa ni mama.

Ngunit bago matulog tulad ng sabi namin ay nag-open muna ako ng cellphone saka nag-facebook.

At sa di malamang kadahilan ay napunta nalang ako sa mute section sabay unmute ng isang tao don.

Congrats.

Message ko pa sa kanya bago naka-ngiting natulog.

Iwan ko ba, feeling ko ata ang gaan ng pakiramdam ko pag-katapos kong gawin yun.

Parang proud girlfriend——I mean parang proud friend lang ang dating ko p*ta!

Ang labas tuloy kahit magaan akong natulog kagabi ay parang zombie naman akong gumising kinaumagahan.

"Avis! Alas utso na nang-umaga bumangon kana diyan! Di ka anak ng mayor!" Sermon ni mama sa labas, at kahit mulat na ang aking mga mata ay di parin ako bumangon, wala lang feel ko kasi parang wala ata akong lakas para bumangon, feel ko na drained ata yong utak ko sa kaka-overthink buong mag-damag.

Lint*k, gusto ko na ba siya?

Yes, medyo crush ko siya ng slight noon dahil sa gwapo niyang mukha, pero gusto? Never ko pang naramdaman ang salitang yan, not until now.

Parang.....parang nag-bago ata.

Dati kasi ay hanggang crush lang talaga ako, pero ngayon parang gusto ko nang mag-ka-jowa!

Lint*k na utak to! Panira ng buhay!

Anong jowa-jowa ha?! Tumigil ka nga sa kakalandi Quin Avis! Di kita pinalaking ganyan! Tang*na mo!

Pero....parang gusto ko na talaga siya eh.

Parang napaka-cute na ng bawat galaw niya sa paningin ko, parang ngayon ko lang ata na-realize na napaka-charming niya pala talaga.

Wah, pwede bang mahimatay muna?!

Antok na antok pa yong katawan ko pero ang ingay-ingay na talaga ni mama sa labas.

Pero bago bumangon ay nag-bukas muna ulit ako ng facebook para tingnan kong ni-replayan ba ako kagabi ng lalaki sa message ko.

Ngunit ang loko seneen lang ako!!!

Aba't gago to ah!

Seen?! For real?! Ako seneen?!

Pakyu siya! Ako yong nang-se-seen at walang someen sa akin kaylan man dahil auto blocked kaagad!

Pero siya?! Ako?! Seneen?! Tang*na mo!!!

Dahil tuloy sa pagiging high blood ko ay di ko man lang namalayang nasa loob na pala ng kwarto ko si mama na may dalang tabo?!!!

Pag-tingin ko palang sa kanyang mga galit na mata ay alam ko na kaagad yong gagawin niya, at di nga ako nag-kamali dahil bigla niya nalang itong sinaboy sa akin na may lamang malamig na tubig!

Wah!!! Ang lamig!!!

At di pa nakuntento ay binatu pa sa akin ni mama ang tabo na hawak niya na mabilis din namang tumama sa aking paa.

Sh*t, mabuti nalang makapal ang balat ko, di masyadong masakit.

Tang*na, promise gigising na talaga ako ng maaga bukas.

Lint*k talaga ang lalaking yun, dahil sa kanya matagal akong nagising!

Kasalanan niya ang lahat ng to!!!

!!!!!!!!!!!!!!

@CRISPR7

💙🦂💙

CHASING DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon