CHAPTER 13

1.8K 73 10
                                    

QUIN'S POV

"Ma! Si ate may boyfriend na!" Biglang sumbong kay mama ng kapatid kong si Grey ng makita niya akong ngumingiti habang nag-ce-cellphone.

Tang*na boyfriend kaagad, di ba pwedeng may binabasa lang na nakakatawa?

Lint*k talaga ang kapatid kong to.

"Sige, papuntahin niya lang dito sa atin." Birong sagot naman ni mama.

Tsk, walang pupunta kahit isa dito noh! Di ako mag-dadala ng lalaki sa bahay kaylan man dahil wala naman akong balak mag-jowa at mag-asawa.

Mag-hahanap lang talaga ako ng ka one night stand sa future o di kaya FUBU.

Pero mas maganda talaga yong one-night lang para di niyo kilala ang isat-isa.

"Papuntahin niya dito para naman ma-interview natin." Sabat pa ng kapatid kong si Jey.

Tsk, di ko nalang sila pinansin at nag-patuloy nalang sa ginagawa ko, ang totoo niyan ay natatawa talaga ako sa binabasa kong mga memes sa Facebook.

Maria G. Gonzaga ( 💜💜💜 )

Megs, math tournament na bukas, manuod tayo ah.

Biglang chat ni Maria sa akin, alam ko namang mag-yaya talaga ang babaeng to lalo na't related sa math.

Humihingi pa nga to ng mga modules at topic sa mga math teachers namin mula high school hanggang senior high dahil pag-hahandaan niya daw talaga ang pagiging math teacher niya sa future.

Quin Avis C. Garcia ( 💙💙💙 )

Sige, kita nalang tayo sa school bukas.

Reply ko naman.

Ang totoo niyan ay wala talaga akong balak pumasok bukas dahil program lang naman, tsaka di ako takot sa attendance noh. Kahit ilang points pa ang idag-dag nila, wala akong paki.

Pero ayaw ko rin namang hayaan don si Maria na pumunta ng mag-isa, dahil I'm sure mag-tatampo na naman ang babaeng yun, may dramatic disorder pa naman ang isang yun.

Kaya naman kinabukasan kahit alam kong late na ako sa oras dahil 9 na ng umaga ay pumunta parin ako, ang totoo niyan ay nag-laba kasi muna ako ng iba naming damit para bukas na sabado ay kunti nalang yong mga labahin ko.

"Gaga ka talagang babae ka! Napaka-filipino time mo talaga!" Bungad kaagad sakin ni Maria na tinawanan ko lang.

"Halika na nga, san ba ginaganap ang math tournament ngayon?" Tanong ko nalang sa kanya sabay hawak ng kamay niya, wala lang ang totoo ay ganito talaga ako ka clingy sa mga taong close na close ko na.

"Andon sa Houdon High, at 15 minutes na tayong late." She said.

"For real?!" Gulat na tanong ko.

"Yong 15 minutes na tayong late? Oo, yong sa Houdon High naman, Oo din." She answered saka hinila na ako papuntang kabilang kalsada, mabuti nalang walang masyadong mga sasakyan kaya mabilis kaming nakatawid papuntang kabilang line.

"Bat dito ginanap ngayon ang math tournament? Balita ko last year ay sa school natin yun ah." Tanong ko habang papasok kami sa malaking Senior High ng Houdon.

"Iwan ko din, sabi nila pinag-bigyan lang daw yong school natin last year." She pouted.

Anong pinag-bigyan?! Ang hambog talaga ng school nato!

Tsk, wala pa naman sana talaga akong balak umapak dito kaya lang no choice.

Hays, mag-pasalamat nalang sila dahil nakapasok sa school nila ang isang Quin Avis Cañete Garcia na tulad ko, ang swerte na kaya nila noh.

"Quin akala ko ba puro mga magaganda ang nag-aaral dito?" Biglang mahinang siko sa akin ni Maria dahilan para mapabaling ako sa kanya.

"Ha?" Naguguluhang tanong ko.

"Eh bakit ang papangit ng mga yun?" Saad niya sabay nguso sa grupo ng mga babaeng may makakapal na make-up, at tama nga si Maria, parang dinaig pa ata nila yong kapangitan ng mga pangit sa school namin.

"Gaga ka, nandito tayo para sa math tournament, di para mag-chismis ul*l!" Natatawang wika ko naman sabay hila sa kanya papunta sa ibang direction, baka kasi kong ano-ano pa ang makita ng gaga at mag-kakaroon pa kami ng kasalanan nito ng wala sa oras.

Nag-palinga-linga na lang ako sa paligid, sinusubukang hanapin ang pinag-dadausan ng math tournament ngayon.

Ang laki kasi talaga nitong Houdon High, di nga naka one fourth yong school namin.

Tsk, parang di ko tuloy mahanap yong event!

Asan na ba kasi yang math tournament na yan?!

Wala din naman akong mapag-tanungan dahil kadalasan mga taga Houdon High yong nakikita ko, ang iba naman ay galing din ibang school.

May mga nakikita nga akong taga school din namin pero mukha mga ma-attitude at mukhang mga grade 12 na din sila.

Anyway, just like what I said before, we are forbidden to enter this school, except now or if we have some important matters that need to come here.

Ngayon kasi ay may ginaganap na program kaya naman pwedeng pumasok ang ibang school, yun nga lang limited at pili lang.

Mabuti nalang close ni Maria yong adviser namin kaya binigyan niya kami ng permit na makapuntang tournament ngayon.

"Excuse me!" Tawag ni Maria sa dumaang taga Houdon High sa gilid namin.

"Pwedeng mag-tanong kuya? Nasaan po ginaganap ang math tournament ngayon?" Tanong pa ni Maria sa lalaki.

"Di ko alam." Suplado naman nitong sagot at nilampasan lang kami!

Shota!

Napaka-red flag!

Kilala ko yun eh dahil crush ko yun noon, tapos ganon pala ka suplado yun?!

Mabuti nalang di ko na siya crush ngayon, na-realize ko lang naman kasing gwapo lang siya sa malayo at pag-naka-mask!

Red flag talaga!

Argh! Ganyan ba talaga silang mga taga Houdon High?! Mga suplado?!

Mga p*ste talaga!

"P*ste yun Quin ha, wag mo nang e-crush ulit yun! Napaka-red flag nang gago!" Pag-mamaktol naman ni Maria sa tabi ko at parang gigil na gigil pa talaga.

Tsk, di ko na talaga e-cra-crush ulit yun! Ayaw ko kaya sa mga supladong feeling gwapo, tsk.

"Anjie!!!" Biglang tuwang-tuwa tawag namin kay Anjie ng makita ito naming nag-lalakad.

Thank God, may tutulong na sa amin.

"Sa math tournament ba kayo pupunta?" Tanong ni Anjie ng makalapit siya sa pwesto namin.

"Oo eh, samahan mo naman kami don oh." Paki-usap ni Maria.

Kaya naman sinamahan nga kami ni Anjie, at p*tangina talaga nasa bandang kanan lang pala namin!

P*ste talaga! Puro kasi malalaki yong building eh, so paano namin malalaman kong nasaan ang math hall don?! Ha?! L*ntik talaga, nag-mukha pa tuloy kaming mga tanga don kanina sa gitna, tsk.

!!!!!!!!!!!!!!

@CRISPR7

💙🦂💙

CHASING DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon