CHAPTER 23

1.3K 48 11
                                    

QUIN'S POV

Nasaan ka?

Bakit wala kana dito?

Ihahatid na kita?

Nag-lalakad ka ba?

Nakauwi kana ba?

Hey, reply to me.

Why are you not replying?

Are you mad?

Okay, I'm sorry.

Just reply to me, please.

Sunod-sunod na tunog ng messenger ko pag-ka online ko palang sa umaga.

Nag-check kasi muna ako ng phone bago gumising, kagabi kasi ay nakatulog kaagad ako dahil sa sermon ni mama.

Tsk, p*ste talaga ang lalaking to! Ginagawa niya akong assuming eh! Di naman ako ganito dati!

I have to get myself back!

Dapat hindi ako mahulog sa patibong nato! Dapat kadinahan ko tong puso ko para di na don umabot ang pag-kagusto ko sa kanya! Dapat di na to lumala!

Good night.

Basa ko pa sa huling chat niya kagabi bago muling nag-pop up ang messenger ko.

Good morning, he chatted.

Start your day with a smile, Avis.

Pop up ulit, dahilan para mas lalo akong mainis.

So ito yong technique niya para pag-tripan ako ha?!

Alam ko naman na mga magaganda talaga ang type ng mga lalaking tulad niya kaya don't me, wag ako tol, tang*na mo.

Sa sobrang inis ko tuloy ay nalagay ko ulit siya sa block list ko.

Bahala na siya diyan, tsk.

E-non-block ko ulit kasi siya pag-katapos ng ilang days noon dahil baka isipin niya pang ang bitter kong tao.

Pero ngayon, bahala na siyang mabulok diyan! Di ko na talaga siya tatanggalin ulit sa block list ko! Promise!

Bumangon tuloy ako ng araw nayon na sobrang inis at puro lang kairitahan ang laman ng utak, at kahit kinabukasan ay ganon parin, bad mood.

Hays, I really have to change and control this emotion of mine, di ito bagay para sa isang future psychologist na tulad ko.

Kaya kahit naiinis at naiirita parin ay pinilit kong baguhin ang mood ko ng umapak na ako sa gate ng school namin.

Nag-lakad ako sa gitna na para bang chill lang sa buhay tulad ng palagi kong pinapakita.

Straight back, and directly looking straightway with blank and emotionless eyes.

Gusto kong ipakita sa lahat na confident at intimidating akong tao, kahit ang totoo ay napaka dami kong flaws and insecurities sa buhay.

CHASING DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon