QUIN'S POV
Nagising nalang ako ng maramdaman kong parang may malamig na bagay na nakadampi sa noo ko.
"Anong nangyari?" Inaantok pang tanong ko sabay bangon ng kaunti.
"Nakatulog ka." He said, sabay lagay ng nakakalat kong buhok sa likod ng aking tenga.
"May lagnat ka, dapat nag-papahinga ka." Dag-dag niya pa.
"Okay lang ako, di na rin naman masakit ang ulo ko." I answered saka aalis na sana sa kama niya kong saan ako nakahiga ng bigla niya akong pigilan.
"Kumain ka muna para mag-kalaman ang tiyan mo, at para makainom ka na rin ng gamot." He said, bakit parang naulit ata yong nangyari kanina? Ang mag-kaiba lang ay ako naman ngayon.
Tsk, pero di tulad niya kanina ay kaya ko namang kumain ng mag-isa, lalo na nang makita ko ang sopas na mukhang masarap talaga.
"Kaya kong kumain." Wika ko ng susubuan niya rin sana ako tulad ng ginawa ko kanina sa kanya.
"Let me." He insisted, dahilan para masamaan ko siya ng tingin, ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yong pinipilit ako sa isang bagay na ayaw ko.
"Kaya ko." I said saka kinuha sa kanya ang mangkok, wala namang nagawa ang lalaki kundi ibigay ito.
"Hmm..." Di ko mapigilang sabi ng matikman ko ang sopas, ang sarap.
Bakit kanina sa kanya lugaw lang? Tapos sa akin ngayon sopas na, tapos masarap pa. Wag niyong sabihing may favoritism ang gumawa nito.
"Masarap?" He excitedly asked na para bang tuwang-tuwa.
"Hmm.." I nodded sabay subo ulit, "Masarap siya." Dag-dag ko pa, "Si Lola Rita ba ang nag-luto nito?" Di ko mapigilang tanong.
"I cooked that for you." Sagot niya naman dahilan upang mapabaling ko sa kanya ang buo kong attention.
"Weh?" Di naniniwalang tanong ko, "Totoo?" Paninigurado ko pa na para bang walang tiwala sa skills niya, mukha kasi siyang rich kid na walang alam sa mga gawaing bahay eh.
He just nodded as an answer, ngumiti pa siya na para bang proud na proud sa ginawa niya, edi siya na ang magaling mag-luto.
Ako kasi kong di maalat ay matabang naman, kaya magaling lang talaga akong kumain.
"Anong oras na?" Tanong ko ulit sa lalaki sabay tayo pag-katapos kong maubos ang sopas na niluto niya.
"10:37." He said, saka niligpit ang pinag-kainan ko.
"Magaling kana ba? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko ulit at tinulungan siya sa kanyang ginagawa.
"Okay na ako, salamat sa pag-aalala." Sagot niya naman dahilan para mapa-irap ako, anong pag-aalala? Napilitan lang kaya akong pumunta dito noh.
"Ikaw? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" He asked.
"Hmm.." I just nodded saka nilagay ang dalawang kamay ko sa bulsa ng aking pantalon saka maayos na tumayo sa harap niya.
"So paano ba yan, mauuna na ako." Paalam ko na saka kinuha ang bag ko sa gilid, "Okay ka na rin naman." Baling ko ulit sa kanya sabay ngiti ng kaunti.
Di naman sumagot ang lalaki, parang nag-iisip pa siya ng isasagot sa sinabi ko.
"Ihahatid na lang kita sa labas." Wika niya kalaunan, saka sinabayan ako sa pag-labas ng pinto.
Napa-tingin naman ako sa kabuuhan ng bahay nila habang nag-lalakad kami sa hallway, puro mga mamahaling gamit ang nasa loob, may mga picture frame ding mga nakasabit sa gilid.
But what caught my attention the most is their clan picture.
Mula sa Lolo at Lola niya hanggang sa kanilang mga apo.
At nang nilapitan ko ito ay nakita ko din sa larawan si Nirea, tumigil pa talaga ako sa harap ng malaking frame para siguraduhin kong tama ba ang nakikita ko.
Si Nirea? So it means relatives nila ang babae.
"Nirea is my cousin." Biglang wika ng lalaki mula sa likod ko, di ko man lang namalayang nakatayo na pala siya don. "On my mother's side." Dag-dag niya pa.
Wala na rin ang hawak niyang tray kanina, maybe nasa kusina na ang mga yun.
Tumango naman ako sa sinabi niya bilang sagot, eh ano naman kong mag-cousin sila?
Edi sila na ang may lahing magaganda at gwapo, kaya din pala close sila.
Sana all ka close ang cousins, kami kasi iwan ko nalang.
"Uuwi kana?" Paniguradong tanong ulit ng lalaki sa akin na para bang di pa ako sure sa disisyon ko kanina.
"Hindi pa." Sagot ko naman dahilan para lumiwanag ang mukha niya, "Mag-huhugas muna ako ng plato bago umuwi, nakakahiya naman kasi kay Lola Rita." Dag-dag ko dahilan para bumagsak ulit ang balikat niya.
"Tulungan na kita." Again, he insisted.
Napabuntong hininga nalang tuloy ako. Kahapon, pag-katapos ng usapan namin ay nag-plano na talaga akong iwasan siya, pero ngayon ano to? Ito ba yong iwas na gusto ko? Eh nababaliw na ata ako.
Hays, parang sumakit ata ulit yong ulo ko.
"Wag na, baka mabinat kapa." Wika ko naman saka nag-lakad papuntang kusina, kaming dalawa nalang ngayon sa bahay ayon sa lalaki. Lumabas daw kasi si Lola Rita para bumili ng gamot, dahil wala ng stock.
"Ikaw din naman." He said, at ng tingnan ko siya ay nakasimangot pa ang gago na para bang isang bata na di pinayagang mag-laro.
Huminga muna ako ng malalim bago tumango nalang sa kanya, baka kasi mag-maktol pa siya sa harap ko, ayaw ko pa naman ng drama.
Kaya tulad ng napag-usapan ay nag-hugas nga kami ng mga plato at utensils, tahimik lang kaming dalawa. Para bang pinapakiramdaman lang namin ang isat-isa.
"About yesterday." Basag niya ng katahimikan, at tumigil ng kaunti.
Habang ako naman ay patuloy lang sa aking ginagawa na para bang di affected sa sinabi niya.
"I want to court you, Avis." Deretsahang wika niya sabay kuha ng mga kamay ko para mapaharap kami sa isat-isa.
Parang di naman ako makakilos ng ginawa niya yun, at parang nag-loading ata ang utak ko dahil sa sinabi niya.
"No, ayaw ko." Sagot ko ng makabawi, honestly, marami ng nanligaw sa akin. At tulad ngayon ay yan din ang sagot ko sa kanila.
Nangako ako sa pamilya ko na tatapusin ko muna ang pag-aaral ko, nangako ako na di ako papasok sa isang relasyon hanggat hindi pa kami nakakaahon sa kahirapan.
Alam ko kasi kong gaano kahirap ang buhay, naranasan na namin yun, at para sa akin pamilya muna ang goal ko ngayon, pangarap muna ang priority ko.
Sabi nila pwede naman daw'ng pag-sabayin, pero ayaw ko. Gusto kong mag-focus, lalo na't gusto kong maging mabuting ihimplo sa mga kapatid ko sa ganitong bagay.
Ang pag-ibig? Makakapag-hintay naman yan, naniniwala kasi ako sa the right time with the right man.
Kaya ayaw ko muna ngayon, hard pass ulit. Study first eh, pero di naman nag-aaral. Hays, lint*k na buhay talaga.
!!!!!!!!!!!!!!
@CRISPR7
💙🦂💙
BINABASA MO ANG
CHASING DESIRES
Novela JuvenilMeet Quin Avis Garcia, the girl with a straight mindset. She prioritizes all the things that are more important than the things that she likes. Her goals and desires are more important to her than anything else, and she's more willing to be single f...