CHAPTER 24

1.3K 53 10
                                    

QUIN'S POV

"Megs, alam ko namang maganda ka, pero ano toh?" Mapang-asar na bulong ni Luc sa akin, nakangiti pa ang loko na para bang tuwang-tuwa sa nangyayari.

Anyway, kumakain na kami ngayon ng lunch, nasa may kaliwa ko si Luc kaya madali lang para sa kanya na balingan at asarin ako.

Habang ang p*steng lalaki naman ay nasa kanan ko, kumakain din tulad namin.

Naka-circle form kasi kaming mag-kakaibigan satwing lunchtime, ngunit di tulad ng kadalasang nangyayari parang napakatahimik namin ngayon.

Puro simpleng asaran lang sa tingin ang ginagawa ng mga kaibigan ko sa akin, not until Maria spoke.

Alam niyo naman ang babaeng yan, para hobby niya ata talaga ang pagiging chismosa.

"Kayo ba?" She teasingly asked, sabay palit-palit pa ng tingin sa aming dalawa ng lalaki.

"Not yet."

"Hindi!"

Mag-kasabay na sagot namin, mabilis naman akong napabaling sa kanya ng mag-kadikit pa ang kilay ng dahil sa sagot niya.

Not yet? So may plano talaga siyang pag-tripan ako ha? Ganon, well gusto niya bang ma-backfire ha? Wag niya talaga akong hamunin, magaling pa naman ako sa nga ganyang bagay.

"Not yet? Hmm...so may chance?" Chismosang tanong naman ni Luc na di pinapansin ang sagot ko.

Hindi nga diba?! Di ba sila nakakaintindi ng salitang yun?!

Hindi!

Hindi kami! Walang kami! At kaylan man ay hindi magiging kami!

The guy just smiled before glancing at me dahilan para mairapan ko siya sa sobrang inis.

Tsk, nagawa niya pa talagang ngumiti habang naiinis ako.

Siguro kong nakakamatay lang ang irap ay matagal ng bumulagta ang lalaking to.

"Ano bang trip mo? Pinag-lalaruan mo ba ako?" Deretsahang tanong ko ng muli na namang mag-pakita ang lalaki sa harap ko ng dumating ang uwian. "Dahil kong Oo ay hindi na ako natutuwa." Galit na dag-dag kong wika sa kanya.

Ngunit imbis na pansinin ang mga sinabi ko ay ngumiti lang ang gago, sabay tanong, "Pauwi kana? Ihahatid na kita." He gently said as he brushed the back of his hair na para bang nahihiya pa.

"Ginagago mo ba ako?" Galit kong tanong, ang pinakaayaw ko sa lahat ay yong pinag-lalaruan ako.

Bumuntong hininga muna ang lalaki bago nag-iwas ng tingin, tumingin pa siya sa gate ng school namin, nandito lang kasi kami sa gilid.

Actually kakalabas lang talaga namin ng mga kaibigan ko, 5:15 na dahil gumawa pa kami ng research.

At ng makita ng mga kaibigan ko ang lalaki ay nauna kaagad sila, kaya naman ngayon ay kaming dalawa nalang.

At para sa akin ito na din yong time para pag-usapan namin ang pinagagawa niya, ayaw ko nito. Kaya kailangan niya nang tumigil baka at the end ako pa yong mabaliw.

Ilang segundo pa ay muling binalik sa akin ng lalaki ang tingin ng mga asul niyang mata.

"I like you." He directly said as he stared at me intently.

Tulad niya ay nakatingin lang din ako ng deretso sa kanyang mga mata, walang kahit ano mang emosyon akong ipinakita, bago unti-unting tumawa ng sarkastiko.

Lint*k para akong baliw dito, napaka seryuso niya habang ako ay tumatawa na para bang kakalabas lang ng mental.

I tapped my foot on the ground, nag-iisip ng isasagot.

"I like you? Gusto mo ako?" Natatawa ko paring tanong na para bang isang napakalaking joke ng sinabi niya.

"Gagi tol, yun lang pala." Napailing-iling ko pang saad sabay tapik ng balikat niya na para bang wala lang sa akin ang mga salitang binitawan niya, "Mawawala din yan." Dag-dag ko pa bago tumalikod.

Mabilis akong nag-lakad pag-katapos non, daig ko pa ata si Flash sa sobrang bilis, feel ko nga lumulutang na lang ako sa hangin.

Wala sa sariling napatawa nalang ulit ako ng maalala ko ang sinabi ng lalaki, p*ta para na talaga akong baliw nito.

"Avis!" Narinig ko pang tawag ni Nox sa akin.

Di ako lumingon, at wala talaga akong balak gawin yun.

Di ko alam kong ano ba dapat ang mararamdaman ko.

Maging masaya dahil gusto niya ako?

Pero mas nanaig ata yong pakiramdam ko nang pag-kainis.

Naiinis ako dahil baka pinag-tri-tripan niya lang ako.

Naiinis ako dahil gusto niya ako.

Ayaw ko nga sa mga tulad niya diba?

Oo, maybe crush ko siya noon pero gusto ko hanggang doon lang yun.

Gusto ko hanggang don lang kami.

Okay na sa akin yon eh, yong parang wala siyang pakialam sa akin at iniirapan niya lang ako.

Okay lang naman sa akin na ako lang yung tumitingin sa kanya ng may pag-hanga, because honestly, ayaw kong ma attach kahit kanino man, especially sa mga taong katulad ni Nox.

Para sa akin masyado silang mataas.

At ayaw ko sa mga ganoong tao, dahil alam ko at the end ako lang yong matatalo, ako lang yong masasaktan.

Kaya mas mabuti pa sigurong pigilan ko na to.

"Avis!" He pantly said ng mahabol niya ako, di ko siya pinansin at mabilis paring nag-lakad, habang siya naman ay parang napaka-dali lang na sabayan ako dahil mahahaba naman ang biyas ng paa niya.

"Pwede ba! Tumigil ka nga!" Inis kong wika ng di parin siya tumitigil kakasabay sa akin kahit paliko na ako sa sarili kong daan.

I know na hindi dito yong daanan niya, tapos iniwan niya pang naka-park sa labas ng school namin yong motor niya, ang totoo nag-iisip ba ang lalaking to?!

"I really like you!" He said, parang galit pa dahil ayaw kong maniwala sa kanya, "And I think I'm falling in love with you." Dag-dag niya pa habang nakatingin sa akin ng seryuso, puno ng emosyon ang kanyang mga asul na mata, mga emosyong kaylan man ay di ko pinangarap na makita.

"Edi wow." Tanging nasagot ko saka muli siyang tinalikuran.

Mabuti nalang dumaan yong Uncle ko, kaya ng sinabi niyang sasakay ba daw ako ay mabilis kaagad akong umangkas sa motor para makalayo sa lalaki.

Di ko na muli pang nilingon si Nox, iniwan ko lang siyang nakatayo sa gilid ng kalsada, nakatingin sa akin gamit ang malamlam niyang mga mata.

Kinagabihan ay parang wala tuloy ako sa sarili.

"Nakakainis talaga itong tulala sa mesa! Parang napaka-lalim talaga ng iniisip! Akala mo naman dala niya ang lahat ng problema sa mundo!" Ng dahil tuloy doon ay na sermonan na naman ako ni mama.

Hays, bwesit talaga ang lalaking yun.

"Ayan, naka 10 pesos ka ate noh?" Asar pa ng mga kapatid ko.

"Hati naman tayo teh oh." Patuloy pa nila dahilan para mairapan ko sila ng bonggang-bongga.

Tsk, kong pwede lang pambalian ng mga boto ang mga kapatid kong to ay matagal ko ng ginawa.

Hays, stress na nga ako dinadag-dagan pa.

Ngunit bago nakatulog ng gabing yun ay nakatanggap pa ako ng text galing sa isang unknown number.

Good night.

It texted, at sa di malamang kadahilanan ay napangiti nalang ako.

Ngunit dahil sa takot na baka makita pa ito ni mama at ng mga kapatid ko ay e-denelete ko muna ang message bago pinikit ang aking mga mata at natulog.

!!!!!!!!!!!!!!

@CRISPR7

💙🦂💙

CHASING DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon