QUIN'S POV
"Hi, Lian. Yong utang mo?" Naka-ngiting wika ko sa aking kaklase na si Lian ng dumaan siya sa gilid ko.
Anyway, except kasi sa pag-tulong minsan kay mama sa negosyo niya tuwing sabado ay nag-titinda din talaga ako ng mga mani sa classroom namin.
Pero kay mama parin naman to, piso-pisong porsyento lang talaga dito yong akin tapos inuutang pa ng mga makakapal kong kaklase, tsk.
"May utang pala ako?" Parang gulat na tanong niya pa, lint*k talaga sarap sipain eh.
"Oo, 20 pesos, ito oh." Sagot ko sabay pakita sa kanya ng maliit kong notebook kong saan naka-lista ang mga may utang sakin.
"Ah, mamaya nalang." Ngiting sagot niya pa sabay kamot ng ulo.
Tsk, wala naman akong nagawa kundi umirap nalang sa hangin.
"Oy Mak, mag-bayad kana mahiya ka naman." Birong saad ko naman sa isa ko pang kaklase, "Halos mag-iisang buwan na tong 25 mong utang oh." Dag-dag ko pa sabay irap sa kanya.
"Sa susunod na linggo nalang." Tawang sagot niya lang sakin, tsk nakakainis talaga! "Pautang nalang ulit oh." Hirit niya pa.
"Pakyu ka! Bawal kang umutang hanggat di ka pa nakakabayad ng utang mo!" Sagot ko sabay irap ulit sa kanya, p*ste talaga umagang-umaga na ha-high blood na ako.
Lint*k talaga ang mga kaklase kong toh, kung mangungutang ang bilis tapos kong mag-babayad na parang mga naka-limot na ata ng mga utang nila!
Mga p*ste talaga, ako pa yong nag-mumukhang kawawa satwing sinisingil sila! Argh! Ayaw ko na talaga! Kung di ko lang talaga kailangan ng extrang pera ay di ko gagawin to!
Nag-patuloy nalang ako sa paniningil ng iba ko pang kaklase.
"Oy, Iya! May utang kapa sakin ha?" Saad ko pa sa isa kong kaklase na babae.
"May utang pala ako?" Parang gulat na tanong niya din, tsk, oh diba? Sila pa ang nagugulat.
Imbis na ako dahil kong iiponin ko lahat ng utang nila ay lampas 500 na.
"Oo, at ikaw din Angel, yong utang mong 60 pesos." Saad ko sabay baling kay Angel na-palakad-lakad pa sa classroom namin.
"Hala? May utang pala ako?" Gulat na tanong niya din sabay takip pa talaga ng bibig niya na para bang di siya makapaniwala.
"Oo." Sagot ko.
"Mamaya nalang yong sa akin, Quin." Wika ni Iya.
"Bukas nalang yong akin, hihingi muna ako ng pambayad kay mama." Saad naman ni Angel.
Hays, napa-buntong hininga nalang ako saka sumandal sa upuan ko, ang hirap talaga ng may negosyo.
Yong akala nating madali lang dahil nga sabi nila business daw. Plus, minus, times at divide, kong kaya mo daw yon ay napaka-dali nalang daw talaga. Pero heto, ang liit pa lang nga ng negosyo at kita ko ay parang gusto ko ng manipa ng tao.
Kung pwede lang talagang pumatay ng tao at buhayin lang ulit pag-katapos ay matagal ko ng ginawa, sarap ipang-tapon sa fourth floor eh.
BINABASA MO ANG
CHASING DESIRES
Teen FictionMeet Quin Avis Garcia, the girl with a straight mindset. She prioritizes all the things that are more important than the things that she likes. Her goals and desires are more important to her than anything else, and she's more willing to be single f...