CHAPTER 10

2.1K 89 15
                                    

QUIN'S POV

"Ma! Si Bah oh nang-iirap na naman!" Galit na ani ng bunsong kapatid kong si Grey.

Paano ba naman kasi nag-aaway na naman sila ni Jey, ang suplado kong kapatid.

So ganyan pala noh? Pag-suplado nang-iirap talaga?

Anyway, Bah nga pala yong tawag niya kay Jey dahil callsign niya na talaga para kay Jey yan mula pag-kabata pa nila.

Ang sweet noh? Habang ang tawag naman namin sa kanya ay baby dahil bunso siya namin kahit pa 13 years old at grade 7 na siya, habang si Jey naman ay grade 9 na at 15 years old kaya pareho na silang junior high school.

Habang ako naman ay 17 years old at si ate naman ay 21 years old na at third-year college na sana this year, ngunit napilitang matigil sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay namin.

"Mag-suot nga kayo ng mga shades para di kayo mag-ka irapan at mag-away!" Saad naman ni mama.

Tsk, yes guys umagang-umaga ganito kami.

May nag-iirapan na kaagad.

"Paano ba naman kasi ma, ang tamad-tamad niyang anak mo. Di man lang mautusan ang dami pang reklamo daig pa yong bakla." Katwiran naman ni Jey.

"E nang-iirap ka agad eh!" Sagot din ni Grey.

"Malamang napaka-tamad mo!" Jey.

So pag-tamad ba dapat iniirapan kaagad?

Di ba pwedeng tamad lang talaga?

"Pwede ba Baby? Ano naman kong inirapan ka ni Bah? Nahimatay ka ba diyan?" Tanong ni mama sa bunso namin.

Oh diba, nanenermon daw si mama pero Baby at Bah parin yong tawag niya sa mga kapatid ko.

"E nakakainis po yong mukha niya eh!" Nakasimangot na saad ni Grey.

"Oh ito mga shades isuot niyo na saka kayo mag-irapan." Wika ni mama saka binigyan sila ng shades isa-isa dahilan para mag-tawanan nalang kami.

Ganyan talaga yan, di talaga palaging nag-tatagal yong mga away at tampohan namin at di din naman matataas yong pride namin sa isat-isa, ganyan kami pinalaki ng mga magulang namin. Walang tampohan dapat at bawal ang galitan, kong may problema kayo sa isat-isa pag-usapan niyo.

Learn to give and take, then know how to adjust for everyone.

And yes, maybe others say that we shouldn't adjust for anyone or they are not born to adjust for anyone, but just make sure too that before you do that, look at the situation first.

Because for me, everything depends on the situation.

Nag-aadjust nga yong mundo para sayo tapos ikaw hindi? Attitude ka na masyado.

"Ma, mag-papahatid ako kay Jey mamaya ha, kailangan ko kasing maging maaga ngayon sa klase dahil may reporting kami sa first subject namin na Gen Biology." I said habang nag-hahanda ng mesa para sa umagahan namin.

"O sige bilisan mo na diyan dahil may klase pa din yang kapatid mo." Sagot naman ni mama saka kumain na kami.

Pag-katapos non ay naligo kaagad ako, at bago nag 7:30 ay nag-pahatid na ako sa kapatid ko gamit ang motor namin.

Actually, marunong naman akong mag-motor ngunit mas trip ko lang talagang mag-pahatid.

Wala lang, mas maganda kaya yun at alam ko din namang gustong-gusto din yon ng kapatid kong si Jey para naman maka-pag-pakitang gilas pa siya sa mga makakakita sa kanya, lalo na sa mga babae.

CHASING DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon