CHAPTER 40

1K 37 1
                                    

QUIN'S POV

Ilang araw matapos yun ay parang bumalik ata kami sa normal, masigla na ulit yong mga chattings namin.

Tumatawag pa nga siya minsan, pero ang akala kong mag-papatuloy na ulit ang saya naming yun ay bigla nalang naputol.

Kakatapos lang ng Brigada Eskwela namin ngayon at nag-lalakad na ako pauwi, di na ako nag-pahatid sa lalaki dahil may ginagawa din sila sa school ngayon.

Hays, paano ko ma-a-achieve ang goal ko nito na maging independent person kong nandiyan palagi ang lalaki sa tabi ko? Lalo na ngayong pasukan na ulit, I'm sure araw-araw na naman kaming mag-kikita at masasanay na naman ako sa presensya niya tulad ng dati, tapos di ko na talaga siya mabitawan.

Iwan ko nalang, bahala na ulit si Batman.

"Are you Avis?" Tanong ng isang sophisticadang babae sa akin sakay ng isang magarang kotse, halatang mayaman ito at may pinag-aralan.

"Opo." Magalang na sagot ko naman.

Pag-katapos non ay natagpuan ko nalang ang aking sarili sa loob ng isang sikat na restaurant kasama ang babae.

Ayaw ko pa sanang sumama ngunit ng banggitin niya ang pangalan ni Nox ay wala sa sariling sumunod nalang ako.

"Mag-kano ang kailangan mo?" Walang emosyon na tanong niya, halatang di niya ako gusto. Pero ayaw ko rin naman sa kanya kaya okay lang, halatang matapobre din ang gaga.

Nalito pa ako sa tanong niya noong una, ngunit napa-irap nalang ako sa hangin ng maintindihan ko ito.

"Kayo po, mag-kano ang kailangan niyo?" Balik na tanong ko sa kanya.

Tumawa naman siya ng sarkastiko dahil don, tsk. Mabilaukan ka sana ng laway mo.

"You will pay me?" Tawang-tawa na tanong niya ulit.

Uminom nalang tuloy ako ng tubig dahil don, may pa sikat-sikat pa na restaurant na nalalaman pero di man lang nag-order, tang*na mas kuripot pa ata sa akin to.

"I know you, girl. Hindi kayo mayaman." She said, "I already investigated your family background, nag-tra-trabaho ang papa mo sa isang barko habang isang plain housewife naman ang mama." Dag-dag niya pa, "So now tell me, paano mo naman ako babayaran?" Nang-uuyam niya pang tanong sa huli.

"Alam mo maraming mga bato sa amin, kaya kitang bigyan ng libo-libong sako non." Inosenting ngiti kong sagot bago tumayo, "At para ipaalam ko sayo wala akong oras para sa mga may disorders na tulad mo." Dag-dag ko pa bago tumalikod sa kanya at lumabas ng restaurant.

Sabihin niyo na wala akong respeto, pero nawawala talaga ang respeto ko sa mga ganoong klase ng tao.

Masyadong matataas ang tingin sa sarili, akala mo naman tumatae ng ginto.

Tsk.

"You b*tch! Come back here!" Tawag niya pa sa akin ngunit di ko na siya nilingon pa at nag-patuloy lang sa pag-lalakad, baka ano pa ang masabi kong masama pag-humarap ulit ako, kahit papaano ay may respeto parin naman akong natitira bilang step-mother siya ni Nox, but I think, she's the worst step-mother I'd ever meet.

Gagi, may disorder nga talaga ata yun, sinabi niya na nga kaninang ayaw niya sa akin dahil di daw ako bagay sa pamilya nila tapos ngayon ay babayaran niya pa ako? Aba't napaka baba naman ata ng tingin niya sa pag-katao ko, tapos nilait niya pa yong pamilya ko.

Tsk, p*ste talaga.

Eh paano kaya kong tanggapin ko nalang yong pera niya tapos ibayad ko din sa kanya?

Pero joked lang yun syempre, di kaya ako ganon ka bobo.

Kumusta? Chat ko sa lalaki kinagabihan.

Di ko alam pero naging balisa ata ako matapos ang usapan namin ng stepmother niya kanina.

I could feel a little bit of fear, alam ko naman na di ko dapat maramdaman to dahil alam kong di naman ako sasaktan ng lalaki.

He told me that he love me, and he made me feel how much he love me.

And I think that's enough para maging buo ang tiwala ko sa kanya.

How's your day? Chat ko ulit sa lalaki ng di ito nag-reply. Maybe busy, pero online naman siya, siguro may ginagawa? I don't know, busy siguro.

Mag-fi-first year college na siya ngayon at mukhang mas excited pa ata ako kaysa sa kanya.

Honestly, excited na din talaga akong mag-college. Gusto ko na rin kasing ma-feel at maranasan yong mga sinasabi nilang challenges. I want to know kong kaya ko din bang lampasan ang mga obstacles nayon tulad nila.

Nang lumipas ang ila pang minuto at hindi parin nag-reply ang lalaki ay naisipan ko nalang munang mag-basa ng libro about Psychiatry.

Tapos nagising nalang ako kinaumagahan ng mag-alarm na ang cellphone ko.

Una kong binuksan kaagad ang messenger ng may mag-pop-up ditong message, ngunit napasimangot nalang ako ng mabasa kong group chat lang pala ito naming mga STEM A students.

Kesyo daw excited na silang mag-pasukan na ulit, napa-irap nalang tuloy ako ng wala sa oras ng mabasa ko iyon.

Excited-Excited tapos kong pasukan na mag-rereklamo dahil puro na mga projects and quizzes.

Mga hypocrite talaga.

Nang nga sumunod na araw ay di ko alam kong busy lang ba talaga ang lalaki o ano.

Honestly, di ako mapag-overthink na tao.

I always settled my mind, but now parang di ko ata maiwasan yun.

Nag-cha-chats parin naman kami ng lalaki pero di na tulad ng dati.

Madalang nalang dahil di na siya masyadong nakakapag-online, maybe busy lang talaga?

Pero what if dahil sa step-mom niya?

What if sinabi nito sa kanya na ayaw niya sa akin?

What if wala na siyang gana?

Hays, ang dami kong what ifs na naiisip sa bawat pag-lipas ng oras at araw.

At kahit sa first day ng school namin ay yon parin ang laman ng isip ko, maybe ito na yong sinabi ni mama noon na mga conflict pag-pumasok ka sa isang relationship.

Hays.

Pero okay lang, dahil para sa akin worth it din namang ipag-laban ang lalaki kong sakali.

I promised myself kaya na mag-hahanap ako ng lalaking worth it, at ngayon nakahanap na ako.

A guy who knows my worth, at ipag-lalaban ko talaga siya kahit ayaw niya na.

Pero paano naman kong wala kaming label? Hays, bahala na si batman.

I'll just go with the flow, again.

!!!!!!!!!!!!!!

@CRISPR7

💙🦂💙

CHASING DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon