QUIN'S POV
"When was the first discovery of an element?" Tanong ng Questioner sa mga kalahok ng Science tournament.
Tulad ng last math tournament, every school ay may pambato at sa Houdon Senior High parin ito ginanap.
Kaya naman ngayon heto ako, nanunuod ng Science tournament nila.
Ang kaibahan nga lang ay ako lang mag-isa ngayon, di kasi ako masamahan ng mga kaibigan ko dahil except sa bilang lang ang pwedeng pumasok at kailangan mo pang kumuha ng permission letter ay may mga date din ang mga yun.
Si Luc ay nasa babae niya, si Maria ay nasa seawall ngayon kasama ang ex niyang si Meslo, may balak nga ata talagang mag-balikan ang dalawa.
Habang si Maki naman ay may duty kahit lunes pa dahil wala din naman kaming maayos na klase ngayon dahil nga may program na naman kaya si Mie ay umuwi nalang din ng maaga.
"The first scientific discovery of an element occurred in 1649 when Hennig Brand discovered phosphorous." Muli namang nabalik ang aking attention sa stage ng sumagot si Nox sa tanong na iyon, p*ta di man lang naabutan ng 5 seconds! At complete answer pa talaga.
Gusto ko sanang sumigaw para mag-cheer kaso wag nalang, baka mapag-kamalan pa akong baliw ng iba pang nanunuod. Parang ang seryuso pa naman nilang lahat.
Kahit si Nox ngayon na nasa entablado ay ang seryuso talagang tingnan, para ata siyang surgeon na nasa isang operation, ang hot niya tuloy!
Anyway, di niya nga pala alam na nandito ako. Gusto ko kasi siyang e-surprise, diba pag-nag-tatampo dapat e-surprise? Hays, iwan ko, di ko naman kasi alam kong paano manuyo.
Lint*k kasi talaga ang lalaking yan, may pa tampo-tampo pa ba namang nalalaman.
"A visitor?" A guy suddenly approached me, tumabi pa ito ng upo sa akin dahil wala namang naka-upo sa tabing upuan ko.
"Hmm." I just nodded as an answer. Di ko man lang binalingan ang lalaki sa tabi ko dahil hindi naman ako interesado, pero halatang gwapo ito. Nakikita ko kasi sa aking peripheral vision ang matangos niyang ilong at maputing balat.
Ngunit imbis na pansinin ang mga yun ay muli nalang akong nakinig sa entablado kong saan nakatayo ngayon ang lalaking pinunta ko dito.
"Who are the four famous scientists and what are their contributions to the development of Chemistry and Biology?" Tanong ulit ng Questioner.
Grabe talagang mga tanong yan, pwede bang isa-isa lang? Kung ako siguro ang tatanungin niyan ay sasabihin ko nalang kay ma'am na kong pwedeng e-PM nalang ba.
At alam ko naman na matalino talaga itong lalaki pero pwede naman sigurong pag-bigyan niya rin yong mga kalaban niya diba? Paano ba naman kasi nasa kanya na lahat ng scores, di man lang makapuntos yong iba.
"The four famous scientists are Francis Crick, Rosalind Franklin, James Watson and Maurice Wilkins. Who discovered the double helix structure of DNA, which formed the basis for modern biotechnology." Mahabang lintaya ng lalaki, di ko naman maiwasang mapangiti dahil don. Ang talino talaga!
Gwapo na nga magaling pa sa acads! Parang whole package na talaga.
"Do you like him?" The guy beside me suddenly asked.
"Ako bang kausap mo?" Paninigurado ko, baka iba pala mapag-kamalan pa akong assuming dito.
"May iba pa ba?" Sarkastikong tanong niya naman dahilan para mabalingan ko siya ng tingin at mapaningkitan ng mga mata, nag-dikit pa talaga ang aking mga makakapal na kilay para malaman niyang di ako natutuwa sa pag-mumukha niya.
BINABASA MO ANG
CHASING DESIRES
Ficção AdolescenteMeet Quin Avis Garcia, the girl with a straight mindset. She prioritizes all the things that are more important than the things that she likes. Her goals and desires are more important to her than anything else, and she's more willing to be single f...