CHAPTER 25

1.3K 45 6
                                    

QUIN'S POV

"How are you, class?" Mrs.Monti asked, our UCSP teacher, kakapasok pa lang namin sa classroom niya at nagdasal din muna bago siya nag-simula sa klase.

Actually gusto ko talaga ang subject nato dahil about sa human and self-understanding.

Pero kahit anong focus ko ata ngayon ay parang walang pumapasok sa utak ko.

Paano ba naman kasi nasa kabilang school ata ito, nag-iisip sa isang lalaki.

Hays, napabuntong hininga nalang tuloy ulit ako, di ko alam kong ilang beses ko ng ginawa iyon ngayong araw.

Second subject palang namin ngayon sa umaga pero feeling ko ay drained na ang utak ko, parang gusto ko nang umuwi at matulog, kaya ngayon tuloy ay napahikad na ako.

"Okay, group 4 number 3, please stand." Bigla nalang nagising ang utak ng lahat at umayos ng upo ng mag-simula ng mag-oral si ma'am.

Lint*k talaga! Lahat tuloy ay kanya-kanyang kuha ng notes.

Siguro sa lahat ng subject ay dito lang ako nag no-notes satwing klase, paano ba naman kasi palaging may oral recitation tong si ma'am at pag-wala kang notes ay talo ka talaga.

Nganga, baka mapahiya kapa.

Ang antok ko tuloy'ng naramdaman kanina ay bigla nalang nawala, natatawa pa ako habang kinakal-kal ang mga notes kong akala mo naman ay sinulat ng isang kinder.

Dios mio tol, naiiyak talaga ako satwing nakikita ko ang napaka-pangit kong handwriting, kaya nawawalan ako ng ganang mag-notes eh, napaka-pangit kasi talaga ng sulat kamay ko.

"Group 4 number 3, please stand." Tawag ulit ni ma'am ng di kaagad tumayo ang kaklase ko dahil sa taranta, humihingi pa kasi ito ng tulong sa mga ka-groupmates niya.

Anyway, every subject kasi namin ay may ibat-iba talaga kaming groupings.

At dito sa subject na UCSP ay may 20 groups ang section namin, and every group consists of 4 members.

Si ma'am din mismo ang pumili ng mga group members para walang biases.

And every member has their number.

The leader is the number one.

The secretary is the number two.

The researcher is the number three.

And last the provider is the number four.

Kaya pag-tinawag ni ma'am ang group 4 number 3, it means ang researcher nila yun, at iyon ang kailangang tumayo para sagutin ang tanong ni ma'am.

"What was our topic last meeting?" Mrs.Monti asked, minsan talaga parang nakakatakot si ma'am, paano ba naman kasi ay parang napaka-taray ng mukha niya, idag-dag niyo pa yong medyo nakataas niyang kilay, tapos kada salita niya pa ay with physical expressions talaga.

Pero alam ko namang mabait yang si ma'am, minsan ko na kasi siyang naka-halobilo ng personal, at masasabi kong medyo strict lang talaga siya ng kaunti pero mabait naman, siya pa nga ang nag-pro-provide sa amin ng mga materials satwing nag-papagawa siya ng mga projects eh, kaya mabait talaga, less hassle kasi.

"Ahm..our last topic was all about Ethnocentrism." My classmate answered.

"So what is Ethnocentrism?" Tanong ulit ni ma'am sa kanya, dahilan upang mataranta ang iba kong kaklase. Pag-di kasi nakasagot ang tinatanong ni ma'am ay tatawag siya ng iba, at malay mo baka ikaw na yun kaya mag-handa kana.

Mas lalo tuloy'ng nag-panic ang section namin ng bumaling si ma'am sa buong klase, para bang nag-hahanap ng ibang mapag-tri-tripan.

"Group 6 number 1." She said.

"Quin, ikaw yun." Bulong ng ka-groupmate kong si Cris na nasa tabi ko.

"Alam ko, gagi." Dahil tuloy sa gulat ay namura ko pa siya.

Dios mio naman, minsan talaga napag-tri-tripan din ako ni ma'am, parang feel ko nga minsan sinasadya niya talaga eh, lalo na pag-nag-ka-eye to eye contact kami, kaya madalas tuloy akong nag-pa-panggap na para bang may binabasa satwing nasa ganitong sitwasyon, pero parang ngayon ay wa effect ata yun.

Kaya naman wala na akong nagawa kundi tumayo nalang at harapin si ma'am, honestly di naman ako natatakot na sumagot. Minsan nga ay nag-dadasal pa ako na sana ako yong matawag, pero di naman sana ngayon, lutang pa ako eh, baka pag-tinanong ako ni ma'am ay Nox pa yong masagot ko.

Pero dahil sa support ng mga ka groupmates kong mga siraulo na akala mo naman ay mga inmates sa city jail ay natawa nalang ako.

Ng tanungin tuloy ako ni ma'am ay naka-smile na ako na para bang alam ko na lahat ng sagot sa itatanong niya.

"What is Ethnocentrism?" She asked me.

Tumayo muna ako ng tuwid bago tumingin ng deretso sa kanyang mga mata at nag-salita.

"Ethnocentrism is called of the person who practices of comparing other culture practices with those of one's own and automatically finding those other cultural practices to be inferior." I answered, "In short Ethnocentrism is the people who are racist, prejudiced, biased, who have favoritism, who believes in difference and inequality." I continued.

Napatango naman si ma'am sa sagot ko, hudyat na kontento na siya sa narinig niyang explanation. Ngunit ang akala kong tapos na ay di pa pala ng muli siyang nag-tanong.

"When do you think people become Ethnocentrism?" Again, she asked.

Pwede bang iba na ulit ang tanungin niyo ma'am? Gusto ko sanang sabihin yun ngunit wag nalang, madali lang din naman kasi ang tanong niya.

"When you judge the behavior and beliefs of other people who are different from you." I answered.

"Another example." She said, hays. Parang gusto ko na atang bawiin yong sinabi ko kaninang mabait si ma'am, terror pala siya guys, terror.

"When you believe that there are primitive cultures, especially if their way of life is different from you." Again, I answered.

"Very good." She said saka ngumiti.

Sa wakas, natapos din ang interview ko, di nga lang with Tito Boy.

Pag-katapos non ay umupo na ulit ako, ngunit tulad kanina ay parang lutang parin ako.

"So now our topic for today is all about Culture Relativism." Pag-di-discuss ni ma'am sa harap, "So Culture Relativism means that the function and meaning of a trait are relative to its cultural setting." She said, habang ako naman ay mabilis na nag-susulat habang nakatingin sa PowerPoint niyang nasa TV screen, ang labas tuloy ng handwriting ko dahil sa pag-mamadali na e-next page na ni ma'am ay parang dinaanan ng kalabaw.

"A trait is neither good nor bad in itself." Ma'am continued, at tulad ng sinabi ko with physical expressions talaga siya habang nag-sasalita, di tuloy namin alam kong matatawa ba kami o ano dahil minsan nag-ku-kwento pa siya ng example about true experiences kaya with emotion talaga. " It is good or bad only with reference to the culture in which it is to functions." She added.

Nag-patuloy pa sa pag-discuss si ma'am, kaya pag-katapos tuloy ng klase ay para na kaming mga lantang gulay na lumabas ng mga kaklase ko sa classroom niya, lalo na't nag-pagawa muna siya ng essay bago kami pinalabas.

Hays, wala na talagang laman ang utak ko, gusto ko nang matulog.

!!!!!!!!!!!!!!

@CRISPR7

💙🦂💙

CHASING DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon