CHAPTER 21

1.4K 56 10
                                    

QUIN'S POV

"Baka mahulog ka." He said sabay kuha ng mga kamay ko at niyapos ito sa bewang niya dahilan para maramdaman ko ang kanyang tiyan na may abs, p*ta halatang may v-line din ang gago.

Mariin nalang tuloy akong napapikit dahil sa iniisip ko, lint*k bakit ba kasi ako sumakay dito?!

Argh! Ayaw ko na!

Napakagaling ba naman kasing mambanta ng lalaking to! Isusumbong niya daw ako kay mama, and knowing mama pag-nalaman niyang ganito na naman ako ka-arte ay sermon na naman ang labas sa akin.

Tsk, wala na tuloy akong nagawa kundi sundin nalang ang utos ng lalaki, lalo na't pina-andar niya na kaagad ang Ducati niya pag-katapos kong sumakay.

So ganito pala yong feeling? Honestly, first-time ko talagang makaangkas sa motor ng isang lalaki na medyo ka-edad ko lang din, minsan naman nakakasakay ako sa iba, like my cousins and other relatives pero kadalasan talaga ay ang kapatid kong lalaki, si mama at papa ang nag-hahatid palagi sa akin pag-may time sila at pag-may importanting mga lakad ako.

Kaya naman bago talaga sa akin ang ganitong bagay, at ngayon ko lang din naisip na ganito pala ang pakiramdam ng nakayakap sa isang lalaking di ko naman close.

Hays, malayo pa ba? Bakit parang ang tagal naman ata naming makarating?

"Matagal pa ba?!" I asked at dumikit ng kaunti sa lalaki para marinig niya.

"M-malapit na." He stutteredly answered.

Di ko nalang siya tinanong ulit para makapag-focus lang siya sa pag-da-drive at para na rin makarating na kaagad kami sa aming distinasyon.

Di ko alam kong gusto niya lang ba talagang mag-drive safely dahil sa hina ng pag-papatakbo niya, pero bakit satwing nakikita ko siya di naman siya ganito kabagal.

Ilang minuto pa ang lumipas at sa wakas, nakarating din kami.

"Wag kang lumayo sa tabi ko." He said pag-katapos niyang tanggalin ang helmet sa ulo ko na para bang isa akong baldado.

Inirapan ko muna siya bago sumagot, "Anong akala mo sa akin, bata?" Mataray na tanong ko, lint*k feeling kuya ang gago.

"Just listen to me, Avis." He sighed na para bang stress pa talaga sa akin, eh sino ba kasing nag-sabi na mag-volunteer ako ha?! Lint*k talaga kaya mag-tiis siya! Tsk, saka may pa Avis-Avis pa siyang nalalaman, ano kami close? Family ko lang kaya ang pwedeng tumawag sa akin ng ganon.

"Tsk, opo kuya." Sagot ko nalang sabay irap ulit sa kanya.

"Avis." He seriously said as his face darken na para bang galit na.

"Okay po, di na po ako mag-bibiro." I smiled innocently, and continued "Kuya." Pang-aasar ko pa bago tumakbo palayo sa kanya at iniwan siyang nakatulala.

Eh tama naman ako ah, kuya kasi mas matanda naman siya sa akin ng isang taon.

So ano bang nakakagalit non? Ano ha? Feeling niya bata pa siya? Eh di pakyu siya.

"Maraming salamat po ate." Nakangiting wika ng mga bata pag-katapos ko silang bigyan lahat ng nilusak at turon.

"You're welcome." I said and smiled at them sweetly.

"You should always smile." Biglang sulpot ng lalaki sa tabi ko, tsk. Pala desisyon talaga ang isang to.

"Pakialam mo ba?" I glared.

"You look fierce in serious mood, but I prefer when you're smiling, you look more pretty in that way." He said dahilan para mapabaling ako sa kanya ng mag-kadikit ang kilay, ngunit kaagad din namang napatigil ng makita ko ang mukha niya, tsk. Ang gwapo talaga ng gago, his hands are both in his pockets while his staring at me intently na para bang mawawala ako anytime.

"Ang dami mong alam." Tanging nasabi ko nalang sabay irap at tumalikod sa kanya saka nag-lakad ulit papalayo.

"Where are you going?" Habol niya sa akin saka sinabayan ako sa pag-lalakad.

"Sa simbahan lang." I answered at di man lang siya binalingan ng tingin, nag-patuloy lang ako sa pag-lalakad papunta sa pinto ng simbahan.

Di ko nalang siya pinansin nang sumabay parin siya papasok, baka mag-dadasal din siya, Man of God pa naman to.

Ako kasi naisipan kong mag-dasal ngayon sa loob dahil gusto ko lang mag-pasalamat sa Diyos, at para na rin humingi ng kapatawaran sa lahat ng katayarang ginawa ko.

Kaya naman ng makapasok at maka-upo na kami sa loob ay pareho kaagad kaming lumuhod.

Pinikit ng lalaki ang kanyang mga mata sabay taklop ng kanyang mga palad, at ganon din ang ginawa ko.

Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na din ako, kaya naman umayos muna ako sa pag-upo at tiningnan muli ang lalaki na ngayon ay nakaluhod parin at seryusong nag-dadasal.

Parang ang dami ata ng dinasal niya ah, ang tagal matapos eh. Siguro humihingi siya ng kapatawaran sa lahat ng irap na ginawa niya sa akin noon, buti nalang di niya na ako iniirapan ngayon, kundi tutusukin ko na talaga ang mga asul niyang mata, tsk. Pasalamat siya maganda ang mga mata niya.

"Anong dinasal mo?" Di ko mapigilang tanong ng umayos din siya ng upo sa tabi ko pag-katapos.

"I'll tell you someday." He just said.

"Bakit hindi nalang ngayon?" I curiously asked, tsk. Someday pa eh baka di na nga kami mag-kakilala non.

"It's a secret for now." He smiled, inferness ang gwapo niya talaga pag-nakangiti.

"Di wow." Tanging sagot ko nalang.

Ilang minuto pa ang tinambay namin sa loob ng simbahan at nag-usap lang kami ng mga kong ano-anong bagay.

And for the first time parang hindi ata uminit yong ulo ko sa kanya, dahil maybe nasa loob kami ng simbahan? Siguro ganon nanga.

"Kuya, Ate! Sumali po kayo sa games!" Tawag kaagad sa amin ng mga bata pag-kalabas palang namin ng simbahan.

"Anong pong meron?" I asked Mrs.Zamora, ang head ng charity program.

"May pa games ng paper dance, sumali kayo." She smiled.

"Nako hindi na po." Natatawa kong saad, gagi kaylan man ay di ako nahilig sumali sa games, kahit gaano pa siguro kalaki yong premyo ay di ko talaga trip, parang nakakahiya kasi.

"Come on." Biglang hila sa akin ng lalaking katabi ko sa gitna dahilan para mag-hiyawan ang mga nanunuod.

"Oy Nox! Nababaliw kana ba?! Ayaw ko nga diba?!" Bulong ko sa lalaki, nakakahiya naman kasi kong mag-wawala ako dito sa gitna. "Kong gusto mo ikaw lang ang sumali, mag-hanap ka ng partner." I said saka sinusubukang tanggalin ang pag-kakahawak niya sa pulso ko, lint*k talaga bakit ba hawak ng hawak ang isang to na para akong isang bata ha?!

Naliliitan ba siya sa akin?! Hello, matangkad lang talaga siya, p*ste!

!!!!!!!!!!!!!!

@CRISPR7

💙🦂💙

CHASING DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon