QUIN'S POV
"Megs, matanong ko lang, bakit wala ka pa ring jowa hanggang ngayon?" Biglang tanong ni Luc sa kalagitnaan ng aking pag-babasa.
Anyway, nandito nga pala kami ngayon sa library ng lungsod, nag-aaral daw pero puro mga pictures lang naman ng libro ang tinitingnan.
Ang iba nag-babasa nga, pero mga children books naman na pang nursery.
"Ikaw na bako-bako ang daan, tinanong ko ba kong bat ganyan ka?" I boredly asked, tang*na talaga wala akong gana.
Di ko tuloy maintindihan yong binabasa kong libro na may titulong Post Traumatic Slave Disorder.
"Pakyu ka talaga." Irap na sagot niya sa akin.
"But seriously, Quin. Bakit wala ka pang jowa?" Sabat naman ni Maki.
Mga p*ste talaga, bakit ba gusto nilang malaman ha?!
Di ba nila alam na high blood ako?!
"Ikaw Maki na wala ding jowa since birth, tinanong ba kita?" Again, I boredly asked, dahilan para ma pakyuhan niya rin ako na sinagutan ko lang ng irap.
"Pag-ako Quin sinagot mo ng ganyan, pakyu ka talaga! So ngayon sagutin mo ako, bakit nga ba wala kang jowa?" Baling sa akin ni Mie.
Habang si Maria naman ay tawa-tawa lang sa tabi ko dahil alam niya naman ang mga rason.
"First, wala akong jowa dahil bawal, sabi ng pamilya ko aral daw muna, lalo na't napaka conservative ng parents ko especially papa." Pag-ku-kwento ko nalang sa kanila.
Tsk, parang di kasi ata sila titigil hanggat walang mga nakukuhang sagot eh.
"Pero pwede namang tago-tago diba?" Tanong naman ni Luc, p*ste bad influence talaga ang lalaking yan.
"Well Luc, para sabihin ko sa inyo, walang natatagong sekreto sa pamilya namin. Dahil una, napakaraming mga mata ng mga magulang ko, pangalawa marami kaming mga cctv'ng kapit-bahay at mga kamag-anak kaya wala talagang takas." I said.
"Edi mag-chatting lang kayo." Suggest naman ni Maki na para bang napakadaling gawin non.
"FYI you all, open account kaming lahat ng pamilya ko, so kong sinong mga ka chats ko ay alam nila. At di ko pa nga nababasa basta alam nilang about courting, love, like or whatsoever ay block kaagad ang labas, and yes ganyan sila ka over protective sa akin." Again, I answered.
"Overprotective bayan? Di ba parang nakakasakal?" Singit naman Maria.
"Yup, for us and for me that is protection. Alam ko din naman kasing ginagawa lang nila yan para sa akin, and honestly natutuwa nga ako dahil don. Dahil maybe kong walang nag-babawal na pamilya ko sa akin ngayon ay daig ko pa yong si Lexi Lore." I said sabay joked sa last dahilan para mahampas pa ako ni Luc, p*ste talaga ang bigat pa naman ng kamay.
"Kong ako siguro masasakal na ako non." Wika naman ni Maki.
"Well, we have our own perspective and different beliefs. We have our own minds to decide and hearts to judge, we have a different mechanisms to cope in those kinds of situations. So for me, we all have a different decisions if those things happened on us." I explained.
Ganon kasi talaga, may mga sarili kasi talaga tayong paniniwala, desisyon at opinyon sa buhay.
"Tama ka nga naman." Tumatango-tango pang saad ni Mie.
"Si Quin pa, eh future motivational speaker yan eh." Joked naman ni Luc dahilan para matawa nalang kami, mabuti nalang nasa may bandang sulok kami ng library naka pwesto kaya di kami napagalitan ng nag-babantay.
"Napapansin ko nga pala, nakumpleto na ba ni Nox ang lahat ng order niya sayo?" Tanong ulit ni Mie dahilan upang maibaba ko ang librong binabasa ko.
"Si Nox?" Parang may amnesia kong tanong, p*ta para lang akong tanga!
"Oo! Ano ba naman yan Quin, wag mong sabihing nakalimutan mo na kaagad ang gwapong yun ng mga taga Houdon!" Kinikilig niya pang sabi dahilan upang matawa kami.
P*ste, alam ko namang gwapo si Nox pero di niyo naman kailangang ipahalata kong gaano kayo ka patay-na-patay sa kanya guys.
"Hindi niya na complete, binalik ko kasi yong sobrang pera sa kanya." I said sabay sandal sa kinauupuan ko.
"Bakit naman?" Chismosang tanong pa ni Maria.
Anyway, di kasi nila alam na may crush ako noon kay Nox, wala lang. Di ko kasi sinasabi sa kanila lahat ng mga important crushes ko like Nox and Xer, dahil ang lakas talagang mang-asar ng mga yan. Tapos baka malaman pa ng buong school dahil sa sobrang dal-dal nila, lalo na si Maria.
"Wala lang, ayaw ko lang na makita pa ulit ang mukha niya." Saad ko na lang, atsaka totoo naman eh, ayaw ko nang makita pang muli ang mukha niya! Kahit gaano pa siya ka gwapo!
Pakyu siya to the highest level!
"Wow, ngayon palang ako nakarinig na may ayaw makakita sa mukha ng isang gwapong tulad ni Nox." Wika ni Mie. " Lakas mo ah!" Saad niya pa sabay hampas sa braso ko habang patawa-tawa pa.
"Pero bakit parang bad mood ka ata lately Quin? May nangyari ba?" Tanong naman ni Maki sabay baba ng librong binabasa niya na The Surgeons Book.
"Oo nga, lagi pang high blood at nakasimangot." Dag-dag pa ni Luc sabay baba din ng pang Nursing na libro na kanyang binabasa, ganon din ang ginawa ni Maria sa librong hawak niya na The History of Mathematics para lang talaga makinig ng mabuti, tsk, bakit ko ba nakalimutan na mga chismosa pala talaga tong mga kaibigan ko?
"Wala lang, trip ko lang." Tanging sagot ko sabay simangot, tsk. Di ba pwedeng wala lang talaga ako sa mood? Kailangan bang may rason?
Tsk.
Kinagabihan naman ay ganon parin ang ganap sa bahay, kung di kami nag-aasaran ng mga kapatid ko ay nanunuod naman kaming tatlo ng Naruto.
Kinabukasan tuloy na sabado ay late na naman kaming nagising, ngunit mabuti nalang at di kami binatu ni mama ng tabo.
"Ma, may delivery ba tayo ngayon?" I asked mama habang nag-liligpit ng mesa, habang ang kapatid ko namang si Grey ay nag-huhugas ng mga hugasin, si Jey naman ay nag-lilinis ng bahay.
"Di muna tayo mag-de-deliver ngayon, may lakad kasi ako na kailangan kong puntahan." Sagot naman ni mama sa akin.
So I just shrugged at di na muli pang umimik, linabhan ko nalang lahat ng mga labahin namin ng araw na yun saka tinulungan ang kapatid kong si Jey na mag-general cleaning, kaya naman naging busy talaga ako whole weekend.
!!!!!!!!!!!!!!
@CRISPR7
💙🦂💙
BINABASA MO ANG
CHASING DESIRES
Teen FictionMeet Quin Avis Garcia, the girl with a straight mindset. She prioritizes all the things that are more important than the things that she likes. Her goals and desires are more important to her than anything else, and she's more willing to be single f...