QUIN'S POV
Minsan talaga satwing masaya ang pamilya namin ay naiisip ko kaagad na kami yong tinatawag na perfect family, parang kami yong best example.
Pero satwing nag-aaway naman kami ay naiisip ko ding kami yong worse, tulad ngayon.
"Mga anak, pag-naka-uwi na kayo at wala parin ako dito sa bahay ay wag niyo na akong hintayin ah?" Wika ni mama, umagang-umaga pero yan na kaagad ang bungad niya sa amin. Di ko alam kong anong nang-yari pero halata namang nag-aaway na naman sila ni papa, and I'm sure pera na naman yang dahilan.
"Ano pong ibig sabihin niyo ma?" Malungkot na tanong ng kapatid kong si Grey, pinigilan ko namang maiyak dahil don. Kinagat ko pa ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang mga luha ko na tumulo, maybe kong sarili ko lang yong iniisip ko ay wala talaga akong pakialam kong mag-hiwalay sina mama at papa. Ngunit hindi eh, may mga kapatid ako at masyado pa silang mga bata para maranasan ang wasak na pamilya kong sakili.
Lint*k talaga, ito yong dahilan kong bakit ayaw kong mag-asawa eh.
"Sa City na muna ako." Mama said, "Don na muna ako sa ate niyo." Dag-dag niya pa.
Napatiim bagang naman ako dahil don, naiintindihan ko naman yong reason ni mama, pero di ba pwedeng mag-usap muna sila bago mag-desisyon?
Para tuloy kaming mga lantang gulay na pumasok sa paaralan ng mga kapatid ko ng araw na yun.
Ayaw ko mang sabihin pero alam kong mga balisa din yong mga kapatid ko, alam kong ngingiti-ngiti lang ang dalawang yun araw-araw at pag-pinapagalitan ko pero alam kong may mga dinadala din silang kanya-kanyang problema.
Pag-karating ko tuloy sa school ay di man lang ako naka-ngiti, kahit pilit ay di ko man lang nagawa.
Mas lalo pang nadag-dagan ang problema ko ng tumawag si papa at nag-tanong kong nasaan daw si mama, dahil nasa bahay daw siya.
Gustong-gusto kong umiyak dahil sa nangyayari sa pamilya ko, gusto kong sumigaw at mag-wala pero at the end ang tanging nagawa ko lang ay umiyak sa loob ng cubicle habang nasa labas si Maria.
Ayaw ko pa sanang makita niya ako, ngunit halata parin naman ito ng makita niyang namumula ang mga mata ko.
Gusto kong mag-sumbong at mag-share tulad ng ginagawa nila satwing may mga problema sila sa bahay, gusto kong mag-payakap tulad ng ginagawa ko sa kanila satwing kailangan nila, gusto ko sanang humingi ng advice tulad ng palaging binibigay ko sa kanila satwing nag-susumbong sila, pero lahat ng gusto ko ng araw na yun ay di nang-yari.
Di na ako pumasok ng hapon, at imbis na umuwi sa bahay ay natagpuan ko nalang ang sarili kong nag-lalakad papuntang seawall.
Ayaw ko munang umuwi, problema lang naman ang dadatnan ko don.
Pero sana di umalis si mama, sana nag-kausap at nag-kabati na sina papa.
Ang mga luhang pinipigilan ko tuloy mula pa kanina ay sunod-sunod nalang bumagsak ng maka-upo na ako sa dulo ng seawall.
Ako lang kasi yong tao, kaya malaya akong umiyak dahil wala namang makakita sa akin.
Nakatingin lang ako sa malalim na dagat habang patuloy pa rin sa pag-bagsak ang aking mga luha, ang totoo ay minsan lang talaga ako umiyak, di kasi ako sanay na ipakita yong kahinaan ko.
Palagi ko kasing pinapakita na kaya ko, lalo na sa pamilya ko. Ngunit minsan ay nag-sisi din ako kong bakit ako ganitong tao, napaka-dali kong umintindi ng sitwasyon, napaka-dali kong makaintindi ng mga rason, kaya tuloy akala nila ay kaya ko na lahat.
Minsan tuloy naiisip ko kong iniisip din ba nila ako, minsan naiisip ko kong gusto din ba nilang itanong yong mga bagay na gusto ko.
Hays, kung marunong lang sana akong lumangoy sa malalim ay matagal na akong tumalon ngayon dito sa berdeng dagat, everytime kasi na may mga problema ako kong di sariwang hangin ang gusto ko ay gusto ko namang maligo ng dagat, kaso malayo yong mga beach sa amin kaya di ko afford mag-moment don, sariwang hangin palang ngayon ang afford ko dahil probinsya tong amin.
Patuloy pa ako sa pag-iyak, parang nag-tipon ata lahat ng sama ng loob ko at ngayon lang lumabas.
Kalaunan ay medyo tumigil na din sa pag-bagsak ang mga luha ko, buti nalang at may dala akong panyo para pampunas.
Huminga muna ako ng malalim bago muling pinag-masdan ang ganda ng karagatan, siguro kong may mga paborito man akong lugar sa mundo yun ay ang gubat, himpapawid, at karagatan.
Para sa akin kasi ito yong mga comfort zone at safe place ko.
Makita at masilayan ko lang ang isa sa kanilang tatlo ay napapangiti na kaagad ako kahit gaano pa kabigat ang mga problemang dinadala ko.
"I wish matupad lahat ng mga wishes ng pamilya ko." I closed my eyes as I said those words like I always do satwing nagiging payapa na yong kaluuban ko, and yes kahit gaano pa kagulo minsan ang pamilya ko ay yun parin ang paulit-ulit na hihilingin ko.
Napamulat nalang ako ulit ng maramdaman kong may tumabi sa gilid ko, and in all people, I don't expect him to be here.
"Anong ginagawa mo dito?" Di ko mapigilang tanong, ngunit di ako bumaling sa kanya baka kasi makita niya pa ang mga namumula kong mata, alam ko pa naman na ang tagal mawala ng mga pamumulang to, kaya ayaw ko ring umiyak eh, masyado kasi akong halata palagi!
"Of course, you're here." He answered, naramdaman ko pang bumaling siya sa akin ng kaunti. Habang ako naman ay deretsong nakatingin lang sa karagatan.
"Kumain kana ba?" He gently asked.
At doon ko naman naalalang di pala ako nananghalian, 2:37 na tapos di pa ako pumasok sa klase.
Ng dahil sa di ko pag-sagot ay nilabas ng lalaki ang mga dala niyang pag-kain mula sa isang supot.
"Please don't tell me mga gulay na naman yan." Saad ko ng makita ko ulit ang tupperware na pinag-lagyan niya ng mga gulay na binigay niya sa akin noon, may nakikita din akong fresh juice at bottled water sa gilid.
"It's healthy." Tanging sagot lang ng lalaki at binuksan ang tupperware, sisimangot na sana ako ngunit ng makita ko ang laman nito ay bigla nalang akong napangiti ng malaki.
Pakshet yong paburito ko at halatang masarap ang pag-kakaluto! Fried chicken!
"Alam mo namang nag-mo-moment ako kaya dapat alak ang dinala mo." Kunyaring simangot ko pa dahilan para mairapan ako ng lalaki, tsk, andiyan na naman siya sa irap niya. At kong di ko lang alam kong gaano siya kalandi ay mapag-kakamalan ko talaga siyang bakla.
"No alcoholic drinks, Avis. It's not good for your health." Napangaralan pa tuloy ako ngayon, eh joked lang naman yun saka di din naman talaga ako umiinom noh, good girl kaya to.
"Yes, kuya." Nakangiting sagot ko saka ngumiti ng matamis sa kanya.
Napalalim naman ang tingin niya sa akin dahil don, okay lang ba siya? Nag-mukha kasi siyang gutom na bampira dahil don.
"I told you, don't call me like that." He said na para bang nang-wa-warning.
"Ang alin?" I curiously asked, "Yung Kuya?" Tanong ko pa.
"Avis." He warned, at mas lalong sumeryuso.
"Oo na." Natatawang saad ko, "Di mabiro." Irap ko pa sa kanya habang tumatawa parin.
Hays, napakasarap talagang asarin ng lalaking.
Dahil tuloy don ay parang nakalimutan ko sandali ang mga problema ko.
!!!!!!!!!!!!!!
@CRISPR7
💙🦂💙
BINABASA MO ANG
CHASING DESIRES
Teen FictionMeet Quin Avis Garcia, the girl with a straight mindset. She prioritizes all the things that are more important than the things that she likes. Her goals and desires are more important to her than anything else, and she's more willing to be single f...