QUIN'S POV
Can we talk? Chat ko sa lalaki pag-katapos ng ilang araw na-pag-iisip.
Namamaga ang mga mata ko kakaiyak kaya di na ako pumasok ngayon.
Nandito lang ako ngayon sa seawall kong saan hinihintay ang lalaki na dumating.
Umagang-umaga palang pero heto, umiiyak na naman ako. Di ko alam kong dahil ba to sa problema ng pamilya namin o sa disisyon na napag-pasyahan kong gawin.
Alam kong nangako ako, pero di ko alam kong tama pa ba to.
Masyado nang nadadamay ang buong pamilya ko, halos kaming lahat ay umiiyak na sa hirap araw-araw.
Halos di na nga kami makaulam ng mabuti dahil sa nangyayari.
At alam kong masyado itong selfish para sa lalaki, pero ayaw ko namang mas unahin ang kasiyahan ko kaysa sa pamilya ko.
Ang kapal ng mukha kong mag-hanap ng lalaking worth it ipag-laban, pero ako pala tong worthless.
Napaka walang kwenta ko, nangako pa akong gagawin ko lahat ng makakaya ko para maipag-laban siya....pero wala eh, ubos na ubos na ako. Pagod na pagod na ako.
Gustohin ko mang mag-trabaho para sa pamilya ko ay di ko naman magawa dahil masyadong busy ang grade 12 life. Kulang nalang ay bitayin na kami sa mga projects and activities.
Di na nga ako nakakapasa minsan dahil walang pera, binabawi ko nalang sa exams lagi.
"Mi Riena..." At kasabay ng pag-karinig ko ng boses na yun ay ang muling pag-bagsak ng aking mga luha.
Kahit siguro wala na siya sa tabi ko ay kabisado ko parin lahat sa kanya, lalo na ang himig ng boses niya.
Ngunit imbis na yakapin siya tulad ng gusto kong gawin ay di nalang ako umimik.
Pinahid ko nalang ang aking mga luha bago humarap sa lalaki, na ngayon ay malamlam ang mga matang nakatingin sa akin.
Napaiwas tuloy ako ng tingin dahil don, napabaling nalang ako sa himpapawid kong saan ko nakikita ang madilim na langit.
Tulad ko ay parang malungkot din ito, para bang nag-dadalamhati din ito.
"W-why were you crying? Hmm?" He stuttered at lalapit na sana sa akin para pahiran ang mga luha ko ng bigla akong umatras papalyo sa kanya.
"A-avis...w-what's wrong?" He asked.
I could see pain and sadness in his marble eyes.
Honestly, I could always see the beauty every time I look at it, but now all I could see is sorrow and pain.
"L-lets stop this..." I almost whispered as I said those words.
Napayuko pa ako pag-katapos non para itago ang emosyon ko at kasabay ng muling pag-buhos ng mga luha ko ay ang pag-bagsak ng ulan mula sa langit.
"D-don't say that p-please..." Iling niya, namumula na din ngayon ang kanyang mga mata.
Gusto ko mang lumapit sa kanya at punasan ang mga luhang bumagsak sa kanyang pisngi ay di ko magawa.
Parang naistatwa lang ako sa aking kinatatayuan habang tinitingnan siyang nag-pupunas ng kanyang mga luha.
I'm so selfish aren't I? Maski ang lalaking mahal ko ay nasasaktan ko.
"Di na tama to, Nox." Pinipilit kong sabi, alam ko namang di na talaga tama to, masyado nang maraming nadadamay sa ginagawa ko.
Masyado nang maraming nag-durusa sa mga maling disisyon ko.
BINABASA MO ANG
CHASING DESIRES
Dla nastolatkówMeet Quin Avis Garcia, the girl with a straight mindset. She prioritizes all the things that are more important than the things that she likes. Her goals and desires are more important to her than anything else, and she's more willing to be single f...