CHAPTER 31

1.1K 43 8
                                    

QUIN'S POV

How are you?

Are you busy?

Why aren't you replying?

I'm in your classroom.

Where are you?

Are you with your friends?

Enjoy your bonds with them, and take care.

Sunod-sunod na pop-up ng messenger ko ng mag-online na ako kinagabihan, dahil sa sobrang enjoy kasi namin kanina dahil half day lang kami ay di ko na na-open pa ang cellphone ko.

Still awake?

Pop-up ulit ng messenger ko.

Hmm.

I just replied.

Ang hilig talagang mag-chat ng lalaking to noh? Ako kasi tamad mag-type eh, lalo na pag-walang topic at boring yong conversation.

Mabuti nalang gwapo tong ka-chat ko ngayon, kaya naman nakaka-inspire mag-reply.

How's your day? He asked.

Good, yours? I replied.

Can I call? Chat niya imbis na sagutin yong tanong ko.

Pero paano naman siya makakatawag sa akin eh wala naman siyang number sa akin, maski kami ngang mag-kakaibigan ay walang number sa isat-isa kahit pa matagal na kaming mag-kakakilala.

Pero baka video-call ang ibig sabihin niya? Hays, iwan.

Ngunit bago pa ako makapag-reply ulit ay bigla nalang may unknown number na tumawag sa cellphone ko, ito din yong unknown number na nag-text sa akin noon, so siya pala yun? At saan niya naman kaya nakuha ang number ko?

Mabuti nalang at naka-silent mode ang cellphone ko kaya di alam nila mama ng mag-ring ito.

Nandito na din kasi ako ngayon sa kwarto, at di naman siguro nila malalaman kong sasagutin ko to diba?

Hays, bahala na si Batman.

"Hello?" Mahina kong sagot sa tawag, binalot ko pa ng kumot ang buo kong katawan para di marinig sa labas ng kwarto yong boses ko.

At mabuti nalang din medyo maingay yong electric fan kaya natatabunan yong boses ko.

"Why are you whispering?" At talagang nag-tanong pa ang gago.

"Wala lang." Mahina paring sagot ko, 9:47 palang kaya I'm sure gising pa si mama at nag-ce-cellphone habang ang mga kapatid ko naman ay naririnig ko pang nag-kakarate sa labas.

Tsk, kulang nalang ay balian nila ng buto ang isat-isa, tumigil lang ang dalawa ng sermonan na sila ni mama.

Mas lalo tuloy'ng tumahimik ang bahay dahil don, lint*k baka marinig pa nilang may katawagan ako.

"What are you doing?" He suddenly asked.

"Nag-handa ng matulog." Mahina ko paring sagot, kulang nalang ay idikit ko na talaga yong bibig ko sa cellphone para masiguro lang talaga na walang makarinig. "Ikaw kumusta? Anong ginagawa mo?" Tanong ko naman pag-katapos.

"I'm not fine." He answered dahilan para ma-curious ako.

"Bakit?" I asked.

"I'm whole day missing you." Ang landi talaga!

"Pakyu ka." At kahit wala siya sa harap ko ay napa-irap parin ako sa hangin na para bang nasa tabi ko lang siya.

At ang gago, tawa lang ang isinagot sa akin.

CHASING DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon