QUIN'S POV
"Okay, nakita niyo na ba ang mga scores niyo sa exam this quarter?" Ma'am Escarro asked, she is also our class adviser and Gen Biology teacher.
"Ma'am wala na bang take two lahat ng to?" Biro pa ni Maria dahilan para mag-tawanan ang klase.
Marami pa akong narinig na mga biro patungkol sa scores nila hanggang sa matapos ang klase and at the end sinabi nalang namin sa mga sarili namin na kita-kita nalang tayo sa Card day.
Shota, mangangamoy tanggal with honors tayo ah.
"Shota tol, 11 lang ako sa Basic Cal! Cancel na talaga yong pagiging Math teacher ko nito!" Saad kaagad ni Maria ng mag-lunch na kami.
Anyway, sa classroom lang kami namin nag-la-lunch palagi, tas minsan kong marami kaming pera ay pumupunta kaming lungsod para don kumain at mag-ulam ng fried chicken.
Pero ngayon tipid-tipid lang muna, mahina pa ang kalaban eh.
"Pwede bang mag-taong grasa nalang muna ako?" Birong tanong naman ni Luc, "Pero ang gwapo ko naman ata para maging taong grasa." Bawi niya din kaagad.
"Tsk, san banda Luc?" Birong tanong ko din dahilan para ma-irapan niya ako.
"Tsk, hambog ha porket halos napassing mo lahat?!" Birong wika niya sabay hampas sakin.
"Gaga! Hinampas ko ba sa mukha mo yong mga answer sheets ko ha?! Kung makasabing hambog to." Sagot ko naman sabay hampas din sa kanya, para quits noh.
Nag-patuloy lang kami sa pag-kain ng lunch habang nag-aasaran parin, and you know what? Table lang ata namin yong nagawa pang tumawa kahit mga mababa yong scores namin sa ibang subjects.
Halos napassing ko nga lahat pero puro naman yun mga core subjects, tsk. Yong mga specialized kasi di ko man lang natongtong ng 30!
Gaga talaga, ito ba yong utak ng future doctor ha?!
Parang mas gusto ko nalang ata ngayong maging pasyente eh.
"Oy Anne at Dre! Kayo pala yong pambato ng school natin this coming math tournament?" Biglang baling ni Mie sa mga kakapasok lang ng classroom namin na sina Anne and Dre.
"Oo." Tango naman nilang dalawa.
"Congrats guys." Bati namin sa kanila.
Anyway, Anne is our Valedictorian during High School, habang si Dre naman ay ang pinakamatalinong kaklase namin sa math, kaya may-tiwala talaga kami sa kanila.
"Sa Houdon High sinong pambato?" Singit naman ni Iza.
"Yong bagong transfer daw galing Manila at ang SSG President nila." Singit na sagot ni Josef, ang kaklase naming bakla na palaging updated sa mga chismis tulad ng mga kaibigan niya.
"Si Nox at Yzi ata." Pag-lilinaw naman ni Maki.
"Sh*t, alam niyo bang napaka-gwapo ng dalawang yan?!" Kinikilig na ani ni Josef sabay palakpak pa.
"Alam namin." Pabalang na sagot naman sa kanya ni Iza.
"Di wow." Wika niya sabay irap kay Iza bago tumalikod at pakinding-kinding na nag-lakad.
Anyway, alam ko naman na maraming galit at naiirita kay Josef dahil sa pagiging bida-bida niya sa klase pero parang iba talaga yong kay Iza, ito naman kasing si Iza ay ayaw ko mang sabihin pero gusto niya talaga na nasa kanya yong attention ng lahat, lalo na ng mga lalaki.
Pero, I know her reason din naman kahit di niya sinabi, wala lang. Malakas at magaling lang talaga akong mag-observed ng tao kaya alam ko yun.
"Kinakabahan nga kami eh." Biglang sabi ni Anne sabay upo sa tabi namin, habang si Dre naman ay pumunta na sa mga barkada niya.
"Bakit naman?" I asked.
"Alam naman kasi nating lahat kong gaano ka competitive at katalino ang mga taga Houdon High noh." She said.
Hmm, may point nga naman siya pero, "Wag mo nalang silang isipin, basta just go with the flow at enjoyin niyo lang yong tournament." Wika ko.
Di naman important kong sinong mga panalo o mananalo eh, ang most important diyan ay yong experience.
If you'll lose, then let it be.
Di mo naman ikakamatay yan, at least nag-enjoy at nag-karoon ka ng mga bagong experience sa buhay na maari mong pag-kuhaan ng aral.
"But by the way, Quin may tanong ako." Bigla niyang sabi.
"Ano naman yun?" Natatawang tanong ko, paano ba naman kasi parang napakaseryuso talaga ng itatanong niya.
"Boyfriend mo ba si Nox?" She directly asked dahilan para di kaagad mag-process sa utak ko yong sinabi niya.
Ano daw boyfriend?
"Sinong Nox?" Naguguluhang tanong ko.
"Yong transferee na galing Manila at isa sa mga pambato ngayon ng Houdon High sa math tournament." She explained.
"Ah...yong lalaking may blue eyes?" I asked dahilan para tumango naman siya.
"At saan mo naman napulot ang balitang yan?" I curiously asked.
Mabuti pa sa chismis may jowa ako, at pag-yan naka-abot sa parents ko pyesta talaga ang labas.
Sisipain ko talaga ang mga nag-pakalat ng fake news na yan
The truth is, except kasi sa mataray ako kaya wala akong jowa ay bawal din talaga kami sa mga ganyan ng mga kapatid ko.
Sabi kasi nina mama at papa, mag-aral daw muna.
"Sabi nila." She shrugged.
"Tsk, di ko nga kilala kong sino man yang lalaking yan." Sagot ko nalang para tumigil na siya.
"Gulat ako don ha." Biglang bulalas ni Maria na di ko alam ay nakikinig din pala sa usapan namin ni Anne, akala ko ba busy sa kaka-chat ang babaeng to sa ex niya?
"Anong gulat?" Anne curiously asked.
"Yong si Quin may jowa." Tawa-tawang sagot niya naman.
Tsk, bwesit talaga ang babaeng to.
"Pakyu ka Maria, pag-ako talaga nag-ka-boyfriend who you ka sakin!" Sagot ko dahilan para mag-tawanan sila, tsk. Mga p*ste talaga.
Actually, in our group din kasi ako yong tipong maraming crush ngunit pang isang araw lang naman, in short madali akong ma-bored kaya naman wala talagang nag-tatagal.
At kaya para sa kanila parang napaka-imposible daw na mag-karoon ako ng jowa lalo na't idag-dag niyo pa yong pagiging mataray ko at pagiging walang interes kong klase ng tao sa mga lalaki.
Mga judgemental ang p*ta, pag ako talaga nag-karoon ng boyfriend papakyuhan ko talaga sila isa-isa.
!!!!!!!!!!!!!!
@CRISPR7
💙🦂💙
BINABASA MO ANG
CHASING DESIRES
Teen FictionMeet Quin Avis Garcia, the girl with a straight mindset. She prioritizes all the things that are more important than the things that she likes. Her goals and desires are more important to her than anything else, and she's more willing to be single f...