******CHAPTER 13******
-------------------------------------
"Ummm tita.....kaya nya po iyan...matapang po si xander...."sabi ko kay tita amanda,,mommy ni xander...di pa namin alam kung ano talaga ang nangyari kay xander..pero sabi ni tita,,,m-may lung cancer daw sya....
Ang sakit sa kalooban ko na mahirapan yung taong naging mahalaga sa buhay ko..yung tipong papasok sya sa school araw-araw para lang mapasaya ka,para lang maipagtanggol ka sa mga nang-aapi sayo...
Bakit si xander pa??bakit kailangang sya pa ang dumanas ng sakit na yun!??marami pa naman n iba dyan ah!!tulad nung chakang katulong nina eros(you are so bad)??!!
Habang hinihintay nila yung results ni xander,napagpasyahan ko muna ba pumunta sa chapel..magdadasal ako..para sa paggaling nya...ayokong nakikita syang nasasaktan...ayoko.
Naglakad na ko...then nangakarating na ko sa chapel,,nagpunta ako dun sa pinakaunahang mga upuan..pumun ta ko dun at lumuhod na ako...
Nanalangin ako para sa kanya...
"Umm,,lord,,god..sana po,kahit bad po ako sa mga nang-aapi sa akin,,ay pakinggan nyo yung prayer ko...sana po mapagaling nyo si xander..mabait po siya..at di ko po kayang makita syang ganyan....idinadalangin ko po na pagalingin nyo siya..sana po ay,di na sya mahirapan...promise po!!di na po ako mang-aaway!!"napapaluha na ko..pakshet naman ang buhay!!parang life!!
Habang nakaub-ob ako ay biglang may tumapik sa balikat ko..i suddenly felt comfort when this person touched me..
Nilingon ko sya...
"Eros??anong ginagawa mo dito??"
"Aba!!nandito ang girlfriend ko!!kailangan nandito rin ako!!"
"Huy!!anong girlfriend??di pa kita sinasagot ah!!"
"Alam ko na man na di mo na matitiis na maging syota itong gwapong ito!!kaya nagsasanay na kong tawagin kang babe..ano nga,,bbaaabbee??"
Dahil sa kabaliwan nya ay tumawa na lang ako..adik kasi to eh!!nageemote nga ako tapos bigla naman susulpot ito at bubulabugin ako..hhaayy..
"Umiyak ka ba??"tanong nya sa akin na may halong pag-aalala sa mga mata nya...
"Ay hindi!!napuwing ako!!natuluan ng kandila yung mata ko!!"
"Hindi nga!!seryoso!!bakit ka umiyak??"sabi nya sa akin..ayy. seryoso nga.....
Bigla na lang nya akong niyakap..at dahil dun ay napaiyak na ko..ulit.
"Huhuhu!!bakit pa kasi si xander pa!!Bakit sya pa yung nahihirapan??marami pa naman dyan na available ah!!worth it pa!"pagsusumbong ko na parang bata habang nakayakap kay eros...
"Okay lang yan...gagaling rin sya...malay mo,,sa isang linggo...magaling na sya!!wag maging nega!!think positive!!"pagpapalakas niya sa loob ko...
Saglit muna akong kumalas sa pagkakayakap nya at tumingin sa mga mata nya...ang ganda ng mata nya...kumukintab,,
"Salamat..eros...sa lahat.."sabi ko sabay yakap ulit sa kanya ng mahigpit...
"You welcome...anytime..di kita iiwan at lagi lang akong nandito..asahan mo yan..para saan pa at girlfriend kita di ba??"
Naku eros..konti na lang...at sasagutin na kita..•^_^•
---------------
"Tita,,umm,,kumusta daw po..??gagaling po ba si xande??"sabi ko habang nakatingin kay tita...kita mo ang lungkot sa kanilang mga mata...
"A-alex......late stage na daw...wala na tayong magagawa.....may taning na ang buhay nya....huhuhu!!!!bakit anak!!!??"
Ano daw??

BINABASA MO ANG
AKO'Y DYOSA! (COMPLETED)*Editing*
Teen FictionMay mga babaeng magaganda. May mga babaeng katawan lang ang maganda. Meron rin na mga babaeng panget. As in PANGET, with capital letters pa. Wala pang melon boobs. At matatawag mong Model ng Isang Totoong Panget. At iyan si Philexander Christopher...