Ikatatlumpu't tatlong Yugto

60 3 0
                                    

******CHAPTER 33******

------------
"Andy! Ok na ba ang make-up ko? Blush-on, eyeliner? Hindi ba kumalat? Eh yung boses ko? Mukhang nasa kondisyon ba? Maganda ba ang suot ko? Ehhh!! Sagutin mo naman ako!!" Hindi ko na alam ang gagawin ko talaga. 2 hours lang ako natulog, at puro rehearsals lang ang ginawa ko. Buti na lang nandito ang aking butihing beki friend na si Andy, tinulungan nya ako sa lahat, at tulad ko, 2 hours lang rin ang beauty sleep nya. Siya pa ang pumili ng gown na susuotin ko, at salamat sa diyos ay bumagay sa akin. Pero kahit na! Kinakabahan pa rin ako, kung kanina simpleng pagkabog lang ng dibdib ko, ngayon with shaking hands na. Para akong pasmadong palaka. Ewan ko na lang kung ano na mamaya ang mangyayari. Mabuti pa ay kumain na lang ako nitong marshmallow na pinabili ko. Yum yum! Ang sharap shete!!

"Kalma bestie! Masyado mong ini-stress ang sarili mo! Huminga ka kaya muna! Oh, sige sabayan mo ko, inhale...." at huminga ako ng malalim. Syempre nilunok ko muna yung marshmallow no? Mahirap na, baka mamatay ako ng wala sa oras dahil nabarahan ang daluyan ko ng hangin. Matapos pa agad itong story na to.

"Hoy babaita, pwede tigilan mo muna iyang marshmallow mo? Bahala ka, baka ma-tsugi ka ng wala sa oras--"

"Ayy talagang matsu-tsugi ng wala sa oras! Hindi na ko m-makahinga dahil occupied na lahat ng air sacs ko! K-Kaya p-please, e-exhale na" Pact. Yung lungs ko, pwede ng baloon sa kid's party sa dami ng hangin.

"Ay ang tanga ni ati. Pwede naman siyang huminga na. Oh ito na, exhale..." at inilabas ko ang lahat sa pagbuga ng hangin na yun. Medyo nakaramdam ako ng kaginhawahan sa paghinga na yun. Nawala ng konti yung tension na nabubuo sa katawan ko. Pero syempre. Kumain ulit ako marshmallow.

"Ok na ba? Nawala na yung ispirito ng stress sa katawan mo? Mukhang nawala na eh, sana mabilaukan ka. Papainumin kita ng ketchup."

"Oo bestie, para akong nakahinga ng maluwag. Hindi mo na kailangan pa ako painumin ng ketchup. Sheteng to."

"Buti ka pa nakahinga ng maluwag. Ako hindi eh, ang bagsik kasi ng hininga mo eh."

"Bestie!!!" At sinabunutan ko siya ng kunwari sa buhok niya. Oops! Nataggal ang buhok niya sa pagkaka-fix. Hindi ko ba nasabi na gustong-gusto niyang nagsusuot ng wig at yun ang suot niya ngayon? Dahil dun napasigaw sya kaya pinasakan ko siya sa bibig ng 5 malalaking marshmallow. Huh! Nabilaukan ang beki. "Painom akorrrkkk!! Arkk*" daglian akong pumunta sa kusina at namili ng papainom sa kanya.  Ketchup kaya or vinegar or chili sauce? Distilled water na nga lang. Ngek, wala sa choices.

"Ang sama mong kaibigan. Pinapatay mo na ako ng unti-unti? Takteng ito. At ayy nako ka. Ginulo mo yung wig ko eh. Feel ko pa si Destiny Rose eh..." Sinabi nya yun after niyang maubos yung isang pitsel na tubig. Tawang-tawa ako pero syempre yung tawang may poise. Pabebe laugh pa more. Inayos niya ang buhok niya at nagsalitang parang si Destiny Rose. Infairness, gaya niya ang boses. Tapos hawak pa sa buhok, ay feel na feel nga ni ati."Ayan okay na. Light makeup at yung gown mo pa ay kulay seductive. Black at Red ba naman? Bagay kaya sa pinkish skin mo! Ewan ko na lang kung di ka pagnasaan ng mga boyzz dun sa ball no?"

"Ikaw talaga kung ano-anong iniisip mo. Ikaw kaya ang pumili ng gown ko! Saludo talaga ako sayo bestie. Ang galing mo basta sa fashion. Thumbs up!"

"Enebe! Dont I makes flatter by you!!"

Juice ko po. Yung english na naman. Panira ng moment eh.

Biglang may nag-doorbell sa pinto ng condo na tinutuluyan ko kaya nagitla ako at nalunok ko ng buo yung kinakain ko kanina pa na marshmallows. Karma is faster than EDSA talaga.

"Oh? Anyare? Karma?"

"Pleeaassee..*ark! Ark*!! T-Tubig" nagmamakaawa na ako. Mukhng katapusan ko na. Sino ba kasi yung nag-doorbell? Mapapatay ko talaga.

AKO'Y DYOSA! (COMPLETED)*Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon