******CHAPTER 8******
I'm so tired yet hindi pa din ako makatulog. Ang init kasi sa lugar na ito. Parang impyerno. Tamang tama may kasama ako ditong demonyo, na hindi din makatulog habang nagpapaypay ng isang cardboard na nakuha lang niya kung saan.
After we ate, we decided to sleep already pero heto nga kami, hindi makatulog. Ikaw ba naman, makulong ka sa isang kwarto na sobrang init tapos may kasama ka pang hot na nilalang (hot na parang demonyo, like eww) na nandito sa tabi mo.
"Hey, do you have a phone?" Tanong nito sa akin.
"Meron. Kaso kung balak mong tumawag, wala akong load. Poorita ako kaya what can you expect?"
"Everything about you is useless. You, your stuffs."
"Nagsalita ang sobrang valuable. Sige nga, itanong natin diyan sa pinakalatest at never-have-been-released iPhone XIII mo kung may load din?"
"Yes, may load 'to." Hinawakan niya niya ang phone niya at itinapat sa mukha ko. "But it's already dead. Battery drained."
"See? Useless. Hindi ka man lang nag-charge."
He just ignored me and continue to sleep habang nagpapaypay. Me too, tried to sleep because it was getting already too late in the evening. Pero hindi pa ako nakakatulog ng matiwasay nang bigla akong maalimpungatan ng may liwanag na tumama sa mukha ko. Agad akong gumising.
Shet, na-highlight yung mg pimples ko sa liwanag.
Huh? Umaga na agad? Ba't parang katutulog ko lang kani-kanina?!
Inamoy ko muna ang hininga ko at thanks God, hindi sya amoy-septic tank. Tinanggal ko din ang mga marks ng tumulo kong laway bago ko ginising si Eros. Syempre, sa damit ni Eros ko ipinunas ang kamay kong pinang-punas sa laway ko para makaganti naman ako sa ka-demonyohan nito.
"Eros, gumising ka na. May tao na at besides, umaga na."
"Hmmm..." Ungol nya at pota, mukhang nakatulog siya ng matiwasay at napasarap pa.
"May tao pa dito! Mayroon pa!" Napabalikwas si Eros ng tayo at muntik pa kong mapasigaw kasi out of the blue, biglang may sumigaw na isang nilalang ng sonrang lakas na akala mo nasa gubat lang. Hayup ka, Kuya. Lalabas ata yung left Atrium at right ventricle ko sa gulat.
Lumapit si Kuya sa amin at nakita kong nakasuot ito ng uniform ng mga janitors dito sa school, kaya probably janitor siya.Tiinulungan niya akong tumayo mula sa aking kinauupuan at si Eros at deadma lang at mukhang iiwan na yata ako. Walang puso talaga itong hayup na master kong ito. Iba, eh. " Okay lang ba kayo? Bakit dito kasi kayo natulog? Binalak ninyo pa talagang mag-sleepover dito sa school?"
"Kuya, gustong samain ka sa akin? Like, Hello? Sino ba kasing nilalang ang may ganang mag-lock pa ng pinto sa gitna ng sunog? Ano iyon? May magnanakaw pa din?"
"Oh, yes. About the fire..." Pota umeenglish si Kuya Janitor. " Ganito kasi ang nangyari...."
"Oh, yes, kuya. Was the fire that enormous? I'm in deep shock yesterday when I became trapped inside this goddamn room. I think this crazy woman is just okay to be trapped inside this room and be burned alive, but me? I don't think so." Si eros. Excuse me? Okay lang na masunog ako ng buhay tapos siya hindi? Tinaasan ko nga siya ng faded kong kilay.
"Excuse me? Ako? Okay lang na masunog?" I smirked. "Sabagay, hindi ka nga naman masusunog. Galing ka nga pala sa impyerno. Immuned na nga sa apoy."
"SAY THAT AGAIN AND I WILL ---"
"Ikukwento ko ba yung nangyari o gusto ninyong kainin itong mop na hawak ko?" Natahimik kami dahil biglang nagsalita si Kuya Janitor.
"Ehehe, sorry kuya. Sige continue." nginitian ki na lang si kuya at inirapan ko na lang si Eros. Ka-imbyerna siya kahit kailan, in fairness.

BINABASA MO ANG
AKO'Y DYOSA! (COMPLETED)*Editing*
Teen FictionMay mga babaeng magaganda. May mga babaeng katawan lang ang maganda. Meron rin na mga babaeng panget. As in PANGET, with capital letters pa. Wala pang melon boobs. At matatawag mong Model ng Isang Totoong Panget. At iyan si Philexander Christopher...