Epilogue

175 5 2
                                    

EPILOGUE NG ISANG DYOSA

"Ano pa bang gusto mong kainin? Sabihin mo na ng hindi ako pabalik-balik sa Convenience Store. Limang beses na kong bumabalik sa 7-Eleven at close na kami nung Cashier."

"Eh hindi ko nga alam kung ano pang susunod kong kakainin eh! Bigla na lang lumalabas sa dila ko yung gusto kong kainin! At ngayon at gusto ko ng Black Forest Cake na may madaming Ketchup!"

"Yuck ang mga kinakain mo Labss. Mga weird na combinations ng pagkain. Kung ang kinakain mo na lang ay---"

"Ehh! Gusto ko nga ng Black Forest Cake with Ketchup Topping! Pakialam mo ba Labss?"

"Juice ko Labss. Kapag iyang Tiyan mo, sumakit. Good luck sayo."

"Nanakot ka pa. Ibili mo na lang ako."

Padabog akong lumabas ng kwarto namin ng nakasimangot habang hawak ang wallet ko. Sarap lang niya ihampas sa puso ko ng magtigil at tumahimik na. Matapos niya akong gisingin ng 2:30 AM ngayong Madaling Araw, sisigawan niya pa ko. Shete, ang hirap magbuntis.

Este, magkaroon ng asawang buntis.

Ika-lima ko na itong punta sa Convinience Store simula kanina. At ngayon, 4:15 AM na. May pasok pa ako ng 8:00 AM. Kaya paano na ang tulog ko? Haggard na ang Kuya ninyong pogi.

Naglakad na ako patungo sa kotse at pumasok na ako sa loob nito. Pinaandar ko na at tumakbo na ito papunta sa pinakamalapit na Convenience Store.

Haayyy. Three Years na ang nakalipas simula nung Epic na concert ng Labss ko na nauwi sa Barilan. Simula noon ay nagsimula na ang magandang takbo ng buhay namin ni Alex, pati na rin ang mga taong nakapaligid sa amin. Nahuli si Dria at kinulong sa Rehabilitation Center dahil nasiraan ng bait sa sobrang lungkot at sakit na naramdaman. Si Haily nakulong, pero agad din na pinakawalan dahil na-damay lang naman siya sa kahibangan ni Dria. Si Andy, kinasal na kay Mark sa Las Vegas Last Month. Nagkapatawaran na rin si Alex pati yung Auntie niya. At ako, mas lalo kong minahal si Alex. At dahil sa pagmamahal na iyon, manganganak na si Alex. Twins. At ngayon na ang kabuwanan niya.

Pagkatapos rin ng isang taon, nagsumpaan na kami ni Alex sa harap ng Altar. Napuno ng pagmamahalan at kasiyahan ang buong simbahan nung kasal namin dahil sa mga pinag-sasasabi ni Alex. Ang init daw ng suot niya, tapos muntik na daw siyang ma-dulas dahil natapakan daw niya yung gown dahil sa sobrang haba. Kaya ayun. Tawang-tawa kami.

So ngayon ay nandito na ako sa Convenience Store at bibili ng isang maliit na Black Forest Cake at isang Gallon ng ketchup. Pagkapasok ko pa lang ng Store ay nakangiti na naman yung Cashier at hinawi pa yung buhok sabay ipit sa tenga. Nagpapa-cute na naman si Ate. Paano iyan? May Labss na ko? Wala ng pag-asa ang babaeng ito sa akin.

Nginitian ko na lang yung Cashier at dumiretso na ako sa lugar kung nasaan yung cake. Hinanap ko yung Black Forest flavor doon at kumuha na rin ako ng Ketchup. Ano kayang lasa nito? Parang hindi ko maatim kainin. Iww.

"Hi again Sir. Hihi" Sabi nung Cashier at sinimulan na ang pagse-sensor nung mga binili ko. "Mukhang naglilihi po talaga ang asawa ninyo ah? Or baka kayo po ang naglilihi? Wihihi."

"Oo nga eh. Naglilihi si Misis. Minsan nga nasabi niya sa akin na gusto niya kumain ng mga nagpapa-cute na babae." Sabi ko at nawala ang ngiti ni Ate at napaltan ito ng namumutlang mukha. Muntik na ako mapahagalpak ng tawa. Saya nito ni Ate. Magaling ma-uto.

"Umm, S-Sir. Php 632.75 lang po." Binigay ko na sa kanya yung buong 1,000 Pesos." Wala pong smaller bills?"

"Wala. At kailan man ay hindi magkakaroon. Gaya ng kilay mo, hindi na tutubo pa. Lagi mong in-ahit eh."

AKO'Y DYOSA! (COMPLETED)*Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon