******CHAPTER 39******
ALEX
TUESDAY, 2nd Day of Concert Rehearsal
"1 2 3 4 and 5 6 7 8 and 1 2 3 4, ok, 5 6 7 8, stop." Tumigil ang music at tumigil na rin kami sa pagsayaw." Good job guys. Water break, 10 minutes." Nagpunas yung choreographer namin ng pawis at umalis na papunta dun sa upuan kung nasaan ang bag niya. Pumunta na rin kami sa kanya-kanyang pwesto, at ako, syempre sa tabi ng boyfriend kong napaka-supportive.
"Ang pangit ng pagkakasayaw mo Labss. Hindi man lang nagalaw yung bewang mo. Para kang tuod o kaya ay kawayan sa lambot ng katawan mo eh. Tapos di ka pa nakakasunod dun sa mga mabibilis na steps. Mag-aral ka nga." Oh di ba? Napaka-supportive.
"Sorry Eros ha. Masyadong lang kasing maka-dalagang Pilipina itong girlfriend mo kaya mahinhin ang galaw. Kung ayaw mo sa style of dancing ko na pang-XB GenSan, edi wag kang manood. Saya mo din eh."
"Syempre kahit anong mangyari kailangan kitang i-support. Kailangan mong maramdaman na nandito lang ako at laging karamay mo everytime na nahihirapan ka. Pinupuna ko yang mga imperfections mo so you can look up to them and make them better. Kaya wag kang ma-iinis sa akin, ok?" Masaya niyang sabi sabay hawak na kamay ko. Somehow, may point siya ha.
"Ok, ok. Tama ka na." Tumaas pa ako ng dalawang kamay to show I surrender." Pero salamat. Salamat sa lahat ng effort mo in supporting me everytime." Ngumiti ako sa kanya ay biglang niyakap siya.
"Alam mo ba, kahit nasa America ka, sinu-suportahan pa rin kita. Nagpakabit pa kami ng international cable channels para mapanood ka. At sa bawat lyrics ng kanta na kakantahin mo, labis na tuwa at pagmamahal ang nadarama ko. Kahit magkalayo tayo, I can feel your presence roaming to my wholesome."
"I know. And I'm so much proud for that." Hinalikan ko siya sa noo na ikinapula niya. I find that gesture a cute one.
After 10 minutes ng paglalampungan este paglalambingan namin ni Eros ay nagsimula ulit kami ng rehearsals. Mga sayaw muna ng bawat kanta ang practice namin. Sa next month pa ang simula ng song rehearsals. At ang dami kong kakantahin. Ubusan na ng boses ito.
Dumating ang 3rd day, 4th day, 5th day, 6th day hanggang 21st day ng practice. At aaminin ko, para na akong lantang gulay pero di ko lang pinahahalata. Grabe ang practice, nakakamatay. Mas masakit ito sa iwanan ng minamahal, eh. Parang pinapatay ako a little bit. Isang malaking pakshet pala ang concert rehearsals. Mas masarap palang pangarapin na lang ang mga ganitong bagay. Tapos tuwing weekends, diretso ako sa taping ng Frozen Movie. Busy apple boom boom Fuck. Hirap mag-showbiz. Nakakaloka.
Pero may isang nagpapalakas sa akin everyday I ended up so tired and teary-eyed. Si Eros. Ngiti lang niya at mga korni niyang jokes, lumalakas na ako. Ang korni ng dating pero, masaya ako in expressing these side of him. I reached happiness when I always see him laugh, or even if I take a look at his perfect face.
Tulad ng ginagawa ko ngayon. Magkatapat ang mat namin at tinitingnan ang bawat ekspresyong makikita dito. People said that the eyes of a person are the windows of his soul. But now, I can see that his eyes are the living proof that God created a perfect human. Which is, him.
"Let's go." Sabi niya at bigla akong napabalik sa realidad.. I ended up realizing na hinihila na niya ako paalis sa dance studio ng hindi man lang napapansin ng dance instructor ko. I hope hindi siya magalit kapag nakita na niya ako. Jejeje.
"Saan tayo?"
"Sa forever." Sabi niya at binuksan na niya ang pinto ng kaniyang kotseng sinakyan rin namin kanin nung hinatid niya ako. "So, please, come in. Milady."
BINABASA MO ANG
AKO'Y DYOSA! (COMPLETED)*Editing*
Teen FictionMay mga babaeng magaganda. May mga babaeng katawan lang ang maganda. Meron rin na mga babaeng panget. As in PANGET, with capital letters pa. Wala pang melon boobs. At matatawag mong Model ng Isang Totoong Panget. At iyan si Philexander Christopher...