******CHAPTER 23******
"Bakit??bakit ka aalis??ayaw mo na ba sa akin kahit di pa tayo??"malungkot na sabi niya...ewan ko pero parang dinurog ang puso ko sa ganung kalagayan niya...
Hindi ko talaga kakayanin ito..ang sakit pala kahit di pa ako naalis...
"Umm..hindi naman na ibig sabihin na aalis ako ay ayaw ko na sayo,,para lang sa career ko ito na makakatulong sa situation natin...."sabi ko sa kanya...medyo malungkot pa rin ang mukha niya..
"Bakit??kaya naman kita buhayin ah??"sabi niya sabay hawak sa kamay ko..
"Umm..eh gusto ko rin naman na maging independent eh..gusto kong patunayan na kaya ko ang sarili ko,na kaya kong sumabak sa anumang problema..ayoko ng umaasa lang ng kung anong ibinibigay mo,gusto ko rin paghirapan ang para sa kaginhawahan natin..."seryoso kong sabi sa kanya sabay hawak ng mahigpit sa kamay niya...pero,,binitawan nya,,ang kamay ko..
"Gusto mo ng kalayaan??sige,,pinapakawalan na kita..simula ngayon,,isipin mo na ako ay tulad pa rin ng dati..yung masama ang ugali,,yung kaaway mo...sabi niya sabay alis...
Sinundan ko siya ng sinundan hanggang makarating kami sa pinag-parkingan ng kotse niya..tahimik lang kami habang papalapit sa kotse..
Nang bubuksan na niya ang pinto,,bigla ko siyang hinabol at pinigilan siya..lumingon siya at tingnan ko siya sa mata...walang emosyon,,ang lamig ng aura..
"Ganun na lang ba tayo??ganun mo na lang itatapon ang atin??"
"Bakit??aalis ka na rin naman ah??so wala nang halaga ang relasyon natin na bago pa lang magsisimula!!"namumula na ang mata niya at nagbabadyang tumulo na ang luha niya...
"Sorry.."sabi ko...napaiyak na ako...masakit na makita siyang ganyan..pumasok na ako sa kotse ng biglaan at sumunod na din siya..pagkapasok niya,,bigla siyang nagsalita..
"Kung mahalaga ako sayo,,isasakripisyo mo iyan..pero kung hindi,,bahala ka na..."sabi niya sabay paandar na ng kotse...
Ang hirap lang mamili..bakit pa naimbento ang choice at lalo na ang hard choice??dahil sa kanya ay namomroblema ako ngayon...shet ka choice!!
------------------
Ilang linggo na ang nakakalipas at isang linggo na lang ang natitira na palugit para sa akin sa pamimili ko kung tutuloy ba ako sa america o hindi....
This time,,desidido na ako sa choice ko..tutuloy ako no matter what..haharapin ko ang mga consequences ng matapang at kahit ito man ay mauuwi sa masakit na desisyon...pangarap ko ito..and no one can't stop me for reaching that ambition...
Hinanda ko na yung mga gamit ko na dadalhin ko..nagbili rin kami ni andy kahapon ng mga bagong damit na babagay sa paganda ng pagandang ako..
Oo,buti na lang at tumatalab ang mga binigay nung secretary na beauty products..unti-unti ng natatanggal yung mga pimples ko at natututo na rin akong tumesting ng mga bagong fashion..at salamat sa mga bathala ng mga panget,,bumabagay sa akin ang mga iyon..
Nakakuha ako ng pambayad sa mga naipon ko sa pagtatrabaho ko dito..yung mga sweldo ko,,iniipon ko..at malaki-laki rin ang naipon ko para may panggastos ako sa america pag nagkataon..
Oo nga pala,,hindi pa rin ako pinapansin ng eros..kapag nagkikita kami sa bahay,,parang di namin kilala ang isa't-isa at kapag nagkakatitigan kami ay bigla siyang iiwas...para sa akin,,masakit iyon talaga...pero kailangan eh,,mas madali na yung ganun na mapalayo na agad yung loob nya sa akin para madali na siyang mag-let go,,para di na siya masaktan kapag umalis na ako...
Nang matapos ako sa pag i-impake ay nahiga muna ako sa kama para magpahinga..ano pa kayang gagawin ko??
~~brrrrrrrr**
BINABASA MO ANG
AKO'Y DYOSA! (COMPLETED)*Editing*
Teen FictionMay mga babaeng magaganda. May mga babaeng katawan lang ang maganda. Meron rin na mga babaeng panget. As in PANGET, with capital letters pa. Wala pang melon boobs. At matatawag mong Model ng Isang Totoong Panget. At iyan si Philexander Christopher...