******CHAPTER 37******
Hindi ko akalain na makikita ko siya sa lugar na ito. Akala ko, sa lungga nya lang siya makikita forever. Pero mali pala ako. At narealize ko, na base sa suot niyang all-black, siya nga yung kanina ko pa nakikita sa mga madilim na sulok ng isla na ito.
Si Dria.
Mukha siyang ahas na binalutan ng itim na tela dahil sa all-black na suot niya. Charot. Baka feeling black widow lang si ate. Well, hindi pala widow, black window pala.
Base sa mukha niyang nakatingin sa akin, galit na galit siya. Yung mga mata niya, umaapoy at puno ng galit at poot everywhere. Parang akala mo ay malaking kasalanan ang ginawa ko sa kanya.
Bakit? Ginusto ko ba na mapunta sa akin yung Princess Anna role sa Frozen Movie?
Bakit? Ginusto ko ba na napunta sa akin ang mahal niya na hindi na siya mahal?
At Bakit? Ginusto ko ba na bitter siya at hindi maka-move on?
"Hey Bitch! Do you even listening to what I said?!" Napatigil ako sa daydreams dahil sa pagsigaw nito. Akala mo ikinagaganda niya yung pagsigaw. Well, advantage naman yun sakin kasi kapag sumigaw pa siya ng mas malakas, malalaman ng mga tao sa paligid na may tao sa isla na ito at maliligtas na kami. Yay, pasisigawin ko na ang babaitang ito.
"Im not listening to what you are saying. 'Cause its all nonsense. Foolish words coming from your big stupid mouth doesn't deserve my hearing sense." Inirapan ko pa ang Demonyita Jr. habang nag-flips hair. Demonyita Jr. ba? Kasi ang Demonyita Sr. ay si Haliparot. Wala lang. I just want to share.
"How dare you!!" Akmang sasampalin nya ako pero pinigilan ko ang kamay niya at siya ang sinampiga ko ng malakas. Umalingawngaw ang tunog ng sampal sa paligid. At nang tinignan ko ang mukha niya, namumula iyon ng super. Huh, bagay iyan sayo.
Sinampal ko pa yung kabilang part ng pisngi niya. "Ayan. Para fair naman sa kabila. Wag ka mag-alala. Hindi halata na nasampal ka. Parang kinapalan mo lang ang mukha mo este makeup mo."
"How dare you!!" At hinila ng kabilang kamay niya ang buhok ko at biglang isinubsob sa buhangin. At natapilok pa ako sa hindi ako makatayo. Patuloy pa ang pagsusob sa akin sa lupa. Nakakain ko n ng yung buhangin. Shet, lagot ka sakin.
Hinawakan ko yung paa niya at hinila. Narinig ko yung pagtumba niya habang nasigaw. Chance ko na ito para tumayo at huminga dahil hindi na ako makahinga sa dami ng buhangin sa mukha ko.
"Tengene ka ng babae ka. Ito ang bagay sayo." Kumuha ako ng isang dakot ng basang buhangin at ibinagsak sa mukha niya.
"AHHHH!!!! WHAT THE FCK!!!" inaalis pa niya yung buhangin sa mukha niya. Bigla ko siyang hinila sa paa papunta sa dagat. Now, pareho na kami na may buhangin sa katawan. Pero mukha pa rin siyang ahas. Version 2.0 nga lang kasi may buhangin na.
"HOW COULD YOU FCKING BITCH!! YOU WILL GONNA PAY FOR THIS!!" Tumayo na siya sa tubig at may kinuhang bagay sa likod niya.
Now, natatakot na ako.
Biglang bumalot ang kilabot at kaba sa buong katawan ko. Punagpapawisan na ako ng malamig, lalo na at dumidilim na talaga at malapit na gumabi. Shetness, may baril siya. At shotgun pa. Pero hindi ko alam kung paano iyun nagkasya sa likod niya.
"How did that fit into your flat back?"
"Its called magic bitch. What a brainless creature." Umirap pa siya at bigkang itinutok sa akin ang baril. "Now here's the real business."
Naliligo na ako sa pawis. Kinakabahan na talaga ako at hindi ako makagalaw dahil baka barilin niya ako. Mahirap na, baka ma-tegi ako ng maaga. Gusto ko pang makasama si Eros forever. And speaking of Eros, nasan na ba yun? Nangangati na kong ipalunok sa demonyitang ito yung hawak niyang baril.
BINABASA MO ANG
AKO'Y DYOSA! (COMPLETED)*Editing*
Novela JuvenilMay mga babaeng magaganda. May mga babaeng katawan lang ang maganda. Meron rin na mga babaeng panget. As in PANGET, with capital letters pa. Wala pang melon boobs. At matatawag mong Model ng Isang Totoong Panget. At iyan si Philexander Christopher...