Ikalawang Yugto

430 13 2
                                    

*****CHAPTER TWO*****

"Ahhh, ehhh, he. He. He" Huhuhu! Somebody help me in this embarassing situation! Hiyang hiya na ako. Wew lang.

"Panget na nga, di pa responsable. Kapal ng tigyawat. Iwwier." Sabi ng isang maarteng STUPIDENT na classmate ko. Ang malanding si Haily Parot. Anak sya ni Madam Auntie. Pareho silang mukhang Parrot. Kaya ako nakapasok sa Regal University kasi sabi ni Madam Auntie ay bantayan ko daw si haily sa kung ano-anong mga echos dito sa academy. Baka daw masira ang napakaganda niyang body figure at ang pang-Avon o Ever Bilena Model niyang face. Iww. Mukhang model ng Pampers. Yung mukha niyang parang puno ng naipon na wiwi at poopoo.

"Oo nga, tss. Di na natuto."Sabi ng classmate ko na model ng bench, si Jefferson Perez. Ampogi talaga nya, kaso mean lang ang ugali. Hindi ko na pala siya crush. Panget niya pati.

Lahat naman ng tao dito ay mean. Masama ang ugali. Masyadong perfect. Mapang-api sa mga tulad kong magaganda. Pero kiber, inggit lang siya sa beauty ko.

As in, di talaga ako bagay dito. Halos lahat ng tao dito ay masyadong masama ang ugali, tapos ako, mabait. Mas gugustuhin ko pa sa isang Public University na kapag may nam-bully sa akin ay isang sumbong lang sa guidance office ay suspended na yung nam-bully. Eh dito, kahit isang libong beses pa kong magsumbong sa guidance office ay hindi ako pinapansin na parang Isa lang akong magandang hangin sa paligid. Ang dami nilang excuses, like "Wala yung guidance counselor, namatay yung alaga niyang langaw." or "Sorry. Di kasi tumatanggap yung counselor ng panget, Allergic kasi sya.". Oh, di ba? Allergic sa panget? Oh, come on! Ano ako? Hipon (kain katawan ,tapon ulo) para ka-allergikan?

Tung Unu pati sila. Kainin na nila yung excuses nilang malupet. Pusang enerns sila.

Dito, isa lang akong dakilang loner na pagala-gala sa isang napakalaking Unibersidad at walang pumapansin sa akin. Kumbaga kaluluwa lang. Pero magandang klaseng kaluluwa. Ano kayo? Hilo?

Teka, back to reality. Masyado na akong nalulubog sa mga kakatwang mga bagay sa aking isipan na wala namang katootohanan. Woot woot! Humuhugot si ate!

"Ano na? Any reactions regarding of our argument?" Sabi ni Maam Drag sa akin with stabbing and suiciding Looks. Wew, scary. Actually, lagi naman siyang scary. Tumingin sa lang sa mga wrinkles niya at kulubot niya sa mukha ay matatakot ka na. Wala ng bago dun.

"Kasi po maam, kaya po ako nalate dahil may inutos pa po si auntie sa akin na something extraordinary, and also very confidential. Syempre po mahirap yung gawain. Tsaka po alam nyo ba, sasakay na po dapat ako ng tricycle pero you know what po?! Ayaw akong pasakayin nung driver ng tricycle! Kasi daw po... Kasi... Huhuhu! Panget daw po ako! You know po! It really hurts my feelings from the bottom to the top! Huhuhu!" Nag-drama na ko sa harap ng echoserang guro na ito para hayaan na ako at maka-upo na ng matiwasay.

"Baket? Di ba true na ugly ka? Ahahahahah! It means na tama yung driver! May point si kuya Driver! " Sigaw ng isa sa aking walangya at Lady Gago na Classmates na ang sarap saksakin ng Middle Finger ko sa Bunbunan. Pusang Inamers. Nagtawanan na lahat. Nakikita ko pa yung iba na super makatawa, minsan tumatalsik pa yung mga kayamanan sa ngipin at yung iba ay napapatulo pa ang sipon from the nose to the mouth sa sobrang kagalakan. Napapadasal na lang ako sa Dyosa ng mga May Pinagpalang Mukha sa sobrang kahihiyan. Please save me! Somebody?! Anybody!? My Sexy Body!?

Ttakbo na sana ako sa labas at magpapaka-Runaway Beauty dahil sa sobrang kahihiyan kaso may taong biglang dumating. Napatingin kami sa dako nung nagsalita at napanganga ako sa nakita ko. Wieee! Ang pogi nung dumating. Umikot yung panty ko pati yung bra sa sobrang kilig. muntik pa akong mapasukan ng butiki sa bibig sa sobrang pag-nganga ko. ( '*0*)

AKO'Y DYOSA! (COMPLETED)*Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon