Ika-Apatnapung Yugto Pt.2

94 4 3
                                    

ALEX

I just want want to cry right now. Gusto ko ng lumubog ulit dun sa moving platform na nilitawan ko kanina. Gusto ko ng pasabugin ang buong arena dahil naiinis ako sa mga taong tumatawa sa larawang ipinapakita sa harapan. Parang sasabog na ako, sa totoo lang.

No. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ako mahihiya, eh iyan naman yung mukhang ipinapakita ko dati? Yung mukhang inayawan at iniwasan ng lahat? Yung mukhang puro pang-aapi at alispusta ang nakuha? Yung mukhang makikita ninyo sa akin dati?

Huminga ako ng malalim at pinigilan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. Kiber lang kahit pagtawanan nila ako. At least tinanggap ko kung ano ako dati.

"Umm, can I have your attention please?" Tumingin ako sa lahat ng maunuod at pati na rin sa backstage kung saan nakita ko si Andy na nag-aalala. Nginitian ko lang siya at nagsalita ako ng 'Ok lang ako'.

Hinintay kong humupa ang tawanan at nung dumating na ang puntong iyon ay napapikit na lang ako at humugot ng lakas ng loob para magpatuloy.

"Ladies and Gentlemen. May I have your attention please? Thank you." Tuluyan na silang tumahimik kaya nagsimula na akong magsalita." Sorry for the interruption of the fun of this concert and sorry for this. Gusto ko lang malaman ninyo na....." Lumunok ako."Ang nasa larawan, ay ako. Ako po ang nasa larawan."

Nagbubulungan na ang mga tao na parang mga bubuyog sa isang Arena. Masakit pala yung pinagbubulungan ka. Parang yung bawat salita nila, kahit hindi maintindihan ay sinasaksak ka ng ilang beses, sa puso. "Tama po kayo ng naririnig. I am that ugly, and monsterous woman you are now looking to. Iyan ang mukha kong ipinagmamalaki DATI, kahit na hindi dapat ipagmalaki. That was me, before this face that everyone is fighting for."

"Sorry for not telling about this. Sorry. Sorry for not telling the truth. But I believe that the Truth Will Set You Free. And now, I am. I am free. Magalit man kayo sa akin dahil sa looks ko dati, at least you witnessed what I am before. Nakita nyo na yung dating Alex na inapi-api, inalipusta, pinagtulungan, pero ngayon, bumabangon at lumalaban. Kaya kung gusto ninyong umalis, go now. I'm not angry or else." Tumingin ako sa mga tao. Walang kahit isa sa kanila ang gumalaw. Lahat ay tahimik. Lahat nakatingin lang sa akin. Walang umalis at iniwanan ako.

Hanggang sa makarinig ako ng palakpak. Isa, dalawa, tatlo, hanggang sa lahat ng tao. Lahat ng tao nagpapalakpakan. Lahat ng tao nagsisigawan at ihinihiyaw ang pangalan ko. Ope, Ope. Sinisigaw nila ang TOTOONG nickname ko. Hindi ko alam kung saan nila nalaman yun pero, sobrang nakaka-overwhelmed. Naiiyak na ako. "Salamat. Salamat po at sinuportahan ninyo ako." Pagpapasalamat ko at lalo silang nagsigawan at nagpalakpakan.

"Hindi nyo alam kung paano nyo ko napasaya dahil hindi kayo umalis at iniwan ako. Salama--"

"NO!!!!!" Napatingin at napatigil sa pasisigawan ang lahat dahil sa lumitaw na napakalakas na boses sa buong arena. Kumulo ang dugo ko. Parang gusto kong ipukpok sa ulo niya yung mike na hawak niya na pag-mamay ari ko.

"Can't you see everyone?! That freakin' girl is a liar! She's a nobody! An ugly, stupid, bitchy Girl!" Dinuro-duro niya pa ako. Pinigilan ko ang sarili ko na ihampas ang buong stage sa mukha niyang minake-up ng embalsamador." Sinulot ng malanding ito ang aking boyfriend. Isa siyang mang-aagaw! Mang-aagaw si Ope! Malandi si Ope. Pabebe si Ope! Huwag natin gayahin si Ope!"

"Wala kang karapatan para sabihin sa akin ang ganyang mga bagay dahil ikaw ang nag-iwan sa kanya. At sino ka po para maki-epal here in my concert? Epal si Dria! Desperada si Dria! Paasa si Dria! Mang-aagaw si Dria! Huwag gayahin si Dria!" Sigaw ko sa kanya with all my might dahil napuno sa ang temperate meter ko. Gusto kong mas punitin pa yung suot niyang palda na may design na punit sa tabi hanggang sa may hips niya. Kapal naman niya para magsuot ng ganung damit.

AKO'Y DYOSA! (COMPLETED)*Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon