Ikalimang Yugto

209 11 3
                                    

******CHAPTER 5******

Ilang oras na rin ang nakalipas ng lumayas ako sa tahanan ni Mada'am Auntie kasama ang hipokrita niyang anak na si Haily. Namimiss na kaya nila ako? Pwes ako hindi. Pakain sa kanila yung eyeliner ni Haily eh.
At alam nyo ba? Attitude talaga ang mga loka. Ni hindi man lang binigay sa akin yung monthly kong sweldo. Aish, buti na lang may ipon akong 500 pesos, juice ko. Kundi wala akong pangkain for the following days. Pero sabagay, I'm on a diet naman (diet daw? Baka naman pag-aayuno? Sacrifice eh?)

Pero kiber lang. Keri ko itey. At ngayon, iintindihin ko muna ay yung trabaho ko. Kailangan ko rin ng mapagkakabuhayan no? Ano yun, kayo lang ang may karapatan mabuhay? Aish, beri wrong.

----

So ito na nga ako, naghahanap ng trabaho, at for the record, wala pa kong nakikita. Kaiyak nga eh, hindi ko na alam ang gagawin. Sumama pa yung pa-eber na hangin na humahampas sa mukha ko. Haayy juice ko.

"Trabaho? Job? Hanap-buhay? Work work work? Please magpakita ka na! Huwag ka na mahiya, promise welcome na welcome ka. Maganda ako kaya magpakita ka, you know!" Parang shunga lang ako dito habang nagsisisigaw, buti na lang at walang tao sa paligid.

Trust the one

Who's been where you are wishing all it was

Was sticks and stones

Those words cut deep but they don't mean your all alone

And you're not invisible

"Hear me o---- Ayy! Dafuq!?" Potchams naman ang papel na ito. Bigla na lang lumipad sa mukha ko. Tsk tsk, kung di lang ito papel, naku. Sasaksakin ko na ito ng beri light. Wahhhhh.

"Ano ba itey?" Ahh, poster naman pala dyos ko. Actually flier siya. At binasa ko yung nakasulat.

Wanted:
Personal Assistant / Alilang Saguiguigilid

Call:
09876543210

Or go directly to this address for interview and Evaluation:

Block 21, No. 2112, Johny St., Seoul City.

Monthly income:
Php 50, 000

-------------------------

Teng ene. 50,000 Php per month?! Takte, gorabels na. Wag nang magpatumpik-tumpik pa!

----

Johny St.

Shemays. Kanina pa ako naghahanap dito ng Block 21 pero grabe lungs. Hindi ko talaga makita. Labas na yung dila ko taois tuyot na talaga yung bibig ko kasi nakalimutan ko pala magdala ng tubig. Hindi ko naman kasi inaakala na maglalakabay ako ng very far. Ilang kilometro na ang nalalakad ko, juice ko. At dehydrated na ko yata. Kulang na lang matuyo na rin ang dugo at sipon ko eh.

"Block 21, hmn. Nasan ka na ba?! Block 21---" Poset nakita ko na!

Juice colored. Ang laki ng bahay. Actually hindi na siya bahay. Para na siyang Philippine Arena sa sobrang laki. Parang kapag pumasok ako sa loob ay maliligaw na ako at hindi na muli pang makakalabas. Grabe, may mga mansyon palang ganito kalaki? Tengena.

AKO'Y DYOSA! (COMPLETED)*Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon