Ikatatlumpo't limang Yugto

72 4 0
                                    

******CHAPTER 35******

HEADCOUNT NA TAYO. Hanggang mga Chapter 40-45 na lang po ang story na ito ok? Maybe lima or seven chaps na lang ang Ako'y Dyosa. Yoohoo! Ansaya. Finally matatapos na rin ito after 1 year and 3 months.

VoMments??~

(@CallidusVioLavander: Oy bessy! Peram muna ng 'VoMment' line mo ha? Tenkyu!)

---------
"Bestie!! Si Sehun-bebe!! Nasa rooftop ng condominium na itech!! At mukang tatalon at magpapaka-superman!!! Este, mukhang magpapaka-tegi yata!!"

Nawala ako sa sarili nung sinabi ni Andy ang mga katagang iyan. Parang yung kaluluwa ko ay tumakbo na agad sa rooftop para pigilan si Sehun sa balak niyang kabulastugan.

"Hoy bestie!! Wala ka bang gagawin??" Sabi ni Andy kaya nabalik ulit ang kaluluwa ko.

"WHAT?! ANONG SABI MO?! TAYO NA SA ROOFTOP AT ILIGTAS SI SEHUN!!" Tumakbo na agad ako palabas ng condo kahit naka-sleep robe lang ang suot ko. Mas mahalaga ang buhay ng isang tao kaysa sa makikita nila sa akin.

Ano ba kasi ang pumasok sa utak ni Sehun? Shunga ba sya? Adik ba siya? Nakasinghot ba siya ng baking soda? Pakyu sya ah. Lagi na lang niyaakong pinag-aalala at panapatibok ang puso ko ng sobra na parang lalabas na ito sa dibdib ko. Hoy, ibang tibok ng puso ang sinasabi ko. Tibok ng puso dahil sa kaba at pag-aalala, at hindi sa kilig at love-love na yan. Baka sabihin nyo na niloloko ko si Eros eh. Oy ikaw! Alam ko ang iniisip mo wag kang ano dyan. Sakalin kita nitong tali sa sleeping robe ko eh. Charot.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa paroroonan, ang rooftop at hindi ang kabilang buhay. May nakita akong lalakeng naka american suit na nakatapak sa dangerous zone ng railings. Nakatingin ito sa baba at parang nag-iisip.

Nang mamukhaan ko kung sino ang hinayupak na ito ay bigla akong sumigaw.

"Tung unu! Wag kang tatalon!! Malilintikan ka sakin!" Napatakbo na ko papunta sa kanya kahit nadulas-dulas na ako dahil sa madulas ang sahig. Bigla ko siyang hinila paalis dun at dahil napalakas ang hila ko, sabayan mo pa ng nadulas ako sa sahig ay natumba kami. Feeling ko umikot-ikot yung paligid na parang nasa carousel ako, siguro dahil tumama ang ulo ko sa matigas na sahig. Pero mas nahilo ako dahil sa lalakeng nakapatong sa akin.

Nang marealize ko kung sino ito ay napatayo ako agad at pineltukan siya sa ulo." Tengene. Why are you there, in that dangerous zone? Are you in the influence of drugs?" Pineltukan ko pa siya ng isa.

"What? Im just taking a look at how beautiful down there. But now, I can see the true beautiful. And that is the one im talking to right now." Ngumisi pa siya sabay hawak sa kamay ko. Feeling ko namumulaang mukha ko ng super. Shet.

"Sus. Nambola pa si koya." Medyo nilakasan ko pa dahil hindi naman niya maiintindihan.

Tumayo na siya sa sahig at naglakad na palampas sa akin. Pero bago yun may sinabi pa siya.

"Hindi kita binobola. Maganda ka talaga, pati ang kalooban mo. Totoo yun. At yun ang nagpapatibay pa sa pagmamahal ko sayo." Naglalakad na siya papunta sa likod na part ng rooftop. "Follow me."

Napanganga ako. Hindi lang basta nganga. Kundi parang ganito: ( °0°)<-----ako ( =_=)<----Sehun

Shet. Pack. Tengene. Petengene. Ano pa bang mga mura ang masasabi ko? Parang naloka ako sa sinabi ni Sehun. Hindi sa nais niyang iparating ako naloka, kundi dun sa kung paano niya inimik iyon. Fck. All this time marunong pala siyang umimik ng tagalog. Sht. All this time pwede naman pala ako umimik ng tagalogat hindi ma-nose-bleed ang ilong. Fcksht.

Naglalakad na ako patungo sa kung nasaan si Sehun. Ang weird lang niya ngayong araw. Kung ano-anong pinagsasabing intimate words. Pero kinikilig ako ng konti. KONTI. Kase ang sobrang nagpapakilig sa akin ay si Eros pa rin.

AKO'Y DYOSA! (COMPLETED)*Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon