******CHAPTER THREE******
(Haily at the media)
Habang naglalakad ako pauwi, napagisip- isip ko na dapat gawin ko ang sinabi ni Xander. Dapat akong maging matapang. Maging malakas. Maging dauntless. Maging Divergent. Wiee, fan talaga ako ng Divergent. Wihihi, pogi kasi ni Four-Mylabidabsss.
Hmmm. I believe in myself. Kaya ko to dahil maganda ako. akte anong konek? Eh basta maganda ako. Pake mo ba? Mataray na kung mataray, maganda naman. Ang sapatos.
Basta, di ako papatalo sa kanila. Yung mga bashers ko? Sa Facebook? Twitter? Instagram? At Wattpad? Potcha mainggit sila dyan sa tabi. Wala akong pake at kailanman ay hindi ko na sila iintindihin. gaya nga ng sabi ni Xander, maganda ako. ika akong magandang swan sa River ng Kalinisan ng kalooban. ano kaya na swan yun? Silver Swan? Wihihi, joker na ako.
Basta! Keribels ko to! Kapag kaya mo Ope-slash-Alex, kaya mo! Kapag hindi, edi wow. Pakamatay ka na.
MAGANDA AKO! NO MATTER WHAT!
"AKO ANG NAG-IISA AT WALANG LALAMANG PANG DYOSA! BWAHAHAHAHA."
.
.
.
.
.
.
.
"Ayy. Grabe siya oh. Hallucinate pa more."
"Baka naman baliw na nakatakas? Nabaliw sa sobrang kapangitan."
"Layo na tayo, Bes. Baka habulin pa tayo."
"Baliw ba talaga or sabog lang dahil sa Shabu-pa-more? eh basta ang chaka niya. Tayo na nga, alis na tayo. Mukhang lalapain pa tayo eh. Masyado akong maganda para mamatay. "
FACT SHEET. Nasabi ko ba ng malakas? Ampotcha. Nakakahiya talaga ako kahit kailan.
---------------------
TOMORROW AT SCHOOL.
"Haaayyy. Nakarating rin ng buhay." Sabi ko sa medyo-maganda kong sarili sabay tingin sa alarm clock na nasa wrist ko. 15 minutes before ng first subject namin, which is the Terror Calculus. Buti na lang di ako na-late ng gising, kundi award na naman ako kay Maam Drakula este Drakulla. Baka magkaroon pa ng Oscar's sa Room namin kapag nagkataon. at ako at tatanggap lahat ng award from Maam Drakulla.
Habang nagmumuni-muni ako at fini-feel ko pa ang rampa ko sa hallway na wala pang masyadong tao dahil maagap pa, ay biglang may narinig akong sumigaw. Yung mahinang sigaw, Like Whistle Register ni Ariana Grande sa Emotions. Ganern. And I think galing iyon sa room na nasa tagiliran ko, ang room na tambakan ng mga lumang books at computers ng school.
"Please.. T-tama na!! Di ko na u-uulitin. Pramis. Aray! Masaket yun ha, potcha--- AWWWW! Huhuhu!" Pati ba naman dito sa campus ay may torturing na nagaganap? Tung Unu akala ko ba responsible and bully-free tong school na to? Full of "Good Manners and Bitchiful Conducts? Eh sinungaling pala ito eh! Sungalngalin ko kaya sila ng GMRC nila?
At syempre dahil natural na ma-intriga ako, tiningnan ko kung ano ang nangyayari. Malay mo baka close friend ko yun? Char. Si Xander nga lang pala ang best friend ko. Ahehe. Or baka malay mo ay may Rape na nagaganap? Salvage? Hazing? Suicide? Edi nakatulong pa ako? At instant Bayani ang lola ninyong maganda?
Pa-lakad na ko dun sa may bintana para tingnan kung sino yung tinutorture nang marinig kong sumigaw ulit yung-- Bakla? Babae? di ko ma-Recognize eh. Recognize. Wews, big word.
Habang palapit ako ng palapit, palakas ng palakas at naririnig ko ang usapan nila. Para silang mga echoserang bubuyog.
"Gora-bels na asdkfgh! Lubus-lubusin mo na yung chance na makaganti ka dyan sa mahaderang baklang yan!" Di ko naintindihan yung pangalan ng babae. Basta ang sureness ako ay bakla yung kinekeme nila. At kailangan niya ng tulong.

BINABASA MO ANG
AKO'Y DYOSA! (COMPLETED)*Editing*
Teen FictionMay mga babaeng magaganda. May mga babaeng katawan lang ang maganda. Meron rin na mga babaeng panget. As in PANGET, with capital letters pa. Wala pang melon boobs. At matatawag mong Model ng Isang Totoong Panget. At iyan si Philexander Christopher...