******CHAPTER 7******
"Pabili!" Sigaw ko dito ngayon sa tindahan ni Aling Puking. Actually, 10th time ko na ito sa pagsigaw, at hanggang ngayon wala pa rin na tumutugon.
"PABILI NGA PO!"
"Sandali!" Hayy potek, finally may sumagot rin!
"Ano iyon?" Tanong nito sa akin.
"Siopao nga po. Dalawa, Asado ang flavor."
"Oh sige, weit ka lang dyan bes."
"Anong weit? Batukan kita dyan eh. Kanina pa nga ako weit ng weit dito eh." Bulong ko sa sarili ko. Pero medyo nilakasan ko para marinig niya.
"Anong sabi mo?"
Nginitian ko lang siya. "Wala. Sabi ko mukha kang bibe. Ang kapal ng labi mo eh. Haha!"
----
Dahil maaga pa at hindi pa ako time, rumampa muna ako dito sa mahabang hallway para naman mapansin ang beauty ko. Kaso ang masama ay puro langaw at insekto lang ang pumansin sa akin. Parang feeling ko pa nga, napilitan lang sila na pansinin ako eh.
Lumuhod ako at tiningnan ko ang mga langgam sa sahig. Nakatigil sila at mukhang starstrucked sa kagandahan ko. "Dahil kayo na lang ang friends ko at nakaka-intindi ng mga saloobin ko, hindi na kayo papatayin. Saranghae!" Sabi ko nagfinger heart ako. Feel na feel ko pa ang pagpapa-kyot at-----
"Ayy potchang maenet! Sino ba yun?!" Aish! Potek na lalakeng ito na bumangga sa akin. Nalaglag tuloy ang mga precious gamits ko! Sino ba ito? Hayy nakakainis talaga! Nakakalaglag ng beauty eh!
"Ano ba 'yan!? Hindi mo ba alam kung ano ang mga pinagdaanan ko habang binibili ang mga gamit na itey?! My gawd!"
*flashback*
KAMALASAN NO. 1
"Miss, pumayag ka na. Wag ka ng magpakipot pa kasi hindi naman bagay sayo. Alam ko naman na gusto mo rin ang macho at gwapong katulad ko. At ikaw, pwede ka na rin pagtyagaan. Sexy ka naman. Panget nga lang."
"What? Potcha ka ah. Totoong sexy ako pero pangit?! Hindi mi ba dini-describe ang self mo?! Potek 'to. At excuse me, Hindi kita type! Kapal nito."
Ang babastos talaga ng mga tao nowadays. Tingnan nyo ngayon, hina-harass ako! Kadiri! Ang sarap ipa-lamon sa kanila yung bote ng hawak nilang alak!
Ganito kasi ang nangyari. Habang naglalakad ako palabas ng subdivision, nakasalubong ko ang mga hitad na ito na nag-iinom sa gitna ng kalsada. Lasing na sila, for sure. Para na silang tanga eh. Magsayaw ba naman ng budots sa gitna ng kalsada.
Then pagdaan ko sa tapat nila, bigla akong hinarang ng isa sa mga goons. Then ito na nga, hina-harass na ako.
"Miss, pumayag ka na!"
"Ayoko potek ka!"
"Ayaw mo pa ha?" Hahawakan na sana ako ng loko pero agad ko siyang hinampas ng bag kong galing pa sa imitation clothing line ng divisoria. At ginamit ko rin itong sandata sa iba pang mga kasama niyang goons. Kaya ang ending, ayun! Sira ang strap ng bag!
Potek! Kaloka naman! Nasira pa ang bag ko. Aishhhh!😑😑
KAMALASAN NO. 2
"Sorry na Miss! Aksidente lang naman ang lahat eh. At tska don't blame for a thing na ikaw naman ang may kasalanan. Ikaw kaya ang unang bumangga sa akin habang pa-liko ako. Pero ako yung nag-aapologize?"
"So kapal naman ng face mo! Ako pa talaga ang may kasalanan?! Kung hindi ka sana nakaharang sa dinaraanan ko, edi sana hindi na nabangga!!" Mataray nitong sabi sa akin. Psh, ang kapal naman talaga ng tabas ng eyeshadow nito. Ako pa ang may kasalanan? Eh siya nga itong unang naka-bangga sa akin habang pa-liko ako dito sa hallway papuntang CR?! Potaena. Kalbuhin ko kaya ang kilay nitong drawing lang?! Kaimbyerna eh.
BINABASA MO ANG
AKO'Y DYOSA! (COMPLETED)*Editing*
Teen FictionMay mga babaeng magaganda. May mga babaeng katawan lang ang maganda. Meron rin na mga babaeng panget. As in PANGET, with capital letters pa. Wala pang melon boobs. At matatawag mong Model ng Isang Totoong Panget. At iyan si Philexander Christopher...