Ikatatlumpo't walong Yugto

53 5 6
                                    

******CHAPTER 38******

Last chapter was a joke. Walang pang The End 'no. Keme lang yun ng walangyang author na gumawa nito.( Hindi ako yun. Haha)

EROS

(Play "STAY" by RIHANNA starting in this part.)

Those memories with her. The happy memories that we both share for almost four years after I met her.

I still remember the first time that I met her. Noong nabangga ko siya sa loob ng mansyon namin because of her idiocy. At first I saw her, I didn't feel the slow motion or the sparks they always said when you met your 'The One'. What I thought is, ugh. Another ordinary, stupid ,brainless Personal Assistant again. But scratch that ORDINARY. Im telling you, she's different.

Days had passed, I began to know her. And the next thing I knew, I love her. That ugly creature that always kept on boggling me around.

The girl that I love. My life. Ang babaeng nakahiga sa kama na nasa tapat ko ngayon.

Hinang-hina siya dahil sa mg sugat niya. At sobrang sakit nun para sa akin. Hindi lang ako ang hihiling nito pero, sana ako na lang yung nasaktan at hindi siya. Sana ako na lang yung nasa sitwasyon niya nang hindi siya nahihirapan. Sana ako na lang.

Wala pa rin siyang malay hanggang ngayon. Apat na araw na ang lumilipas. Maayos na siya pero wala pa ring malay  due to tiredness. Pero kahit na ganun ay nagpapasalamat pa rin ako. She was saved from a sheer danger. And I thanked God so much for that.

Tiningnan ko ang mukha niya at marahang hinaplos ito. Parang siyang anghel na natutulog. Hindi mo iisipin na panget siya noon.

Panget. Naalala ko pa noong tinatawag ko siya ng ganyan. Kasi totoo naman talaga. Panget talaga siya. Well, noon. I chuckled. Tumungo ako dahil hindi ko mapigilang tumawa dahil sa mga memories namin ni Labss. Ang saya-saya ko lang.

"A-Anong tinatawa-tawa mo dyan?"

Napatingin ako sa nagsalita at biglang bumuhos ang luha ko. Si Labss, gising na siya. Bigla akong napayakap sa kanya sa sobrang saya.

"Graba ka naman makayakap. Na-miss mo ba ang kaingayan ko for-- teka, ilang oras b ko naka-beauty sleep?" Natatawa pa siya pero nanatili pa rin akong nakayakap sa kanya. I feel comfortable from her.

"Hindi oras. Kundi araw. Alam mo bang halos apat na araw ka nang tulog?" Umirap pa ako sa kanya sabay talikod."Buti hindi kita hinalikan dyan para magising ka eh. Swrete ka pag nagkataon. Na-galawang Sleeping Beauty kita. Mwahahaha" bulong ko sa isipang pumasok sa isip ko. Testing ko kaya minsan yung "isipang pumasok sa kidney" para masaya.

"Anong binubulong mo dyan? May binalak kang masama nung tulog ako ano?!"

"Huh, wala no. Mabuti yata ang puso nito. Kyahaha"

"Tungu unu ka." Umirap na lang siya at pumikit ulit. At habang pikit siya, nagsasalita siya.

"Alam mo, akala ko hindi na ako mabubuhay."

"OA ka Labss. Patay agad? Hindi ba pwedeng 50/50 muna?" Natatawa pa ako dshil sa pagiging OA nito.

"Gusto mo ikaw ang maunang mamatay ngayon? Ready na ko, may kutsilyo pa nga dito eh. Pwede rin itong injection na ipangsaksak ko sayo
para masaya."

"Joke lang talaga Labss. Ito naman di na mabiro." Napakamot na lang ako sa ulo ko habang natatawa. Brutal talaga ito minsan eh.

"Pero seryoso. Feeling ko talaga mamamatay na ako. Noong natutulog ako, parang feeling ko hindi ako makawala sa isang sobrang dilim na lugar. Takbo ako ng takbo, hanggang sa maabot ko ang isang sobrang liwanag naman na lugar. Ang tanga ng eh, wala bang katamtaman lang ang brightness? Keme." Natawa siya pero ako seryoso lang na nakikinig. Ano kaya ng pakiramdam na wala kang malay? Makapag-baril pala sa sarili sometime.

AKO'Y DYOSA! (COMPLETED)*Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon