Ikadalawampu't-dalawang Yugto

92 4 0
                                    


******CHAPTER 22******

----

"Ano kayang susuotin ko??hmmm.."sabi ko bang tinitignan ang mga nakabalandrang mga damit at nag-iisip ng magandang suotin..

Nandito na ako ngayon sa bahay at hindi pa rin nawala sa isip ko ang sinabi nung secretary sa akin tungkol sa career  thingy na offer sa akin..haayyy,,tatanggapin ko kaya??nakakainis,,parang sasabog yung utak ko kaiisip...

Pareho kasi na may impact ang pagpipilian ko kaya di ko matimbang kung sino or ano ang dapat piliin..kapag tinanggap ko,may maiiwan ako na di ko gustong mapahiwalay,,at kapag hindi ko tinanggap,sayang talaga...aahhhh!!ang gulo-gulo!!

Wag na nga muna ako mag-isip!!nai-stress ako!!

And again,,namimili ulit ako,,at napagpasyahan ko na yung dress na sinuot ko na lang sa singing contest na binili namin ni andy ang gagamitin ko..para naman,,MEDYO formal ang dating..

Papunta na sana ako sa banyo at magpapalit na ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si eros..

"Panget,eto nga pala yung susuotin m--ahhmmm,,,"sabi nya sabay natulala pa..anyare dito??may sakit ba na bigla na lang natutulala???.

At nang mapagtanto ko kung bakit nakatulala ang hinayupak ay napa-"shhheettttt!!!!"na lang ako...putsang panutsa!!nakabra at panty nga lang pala ako!!kyaaaaa!!!!shet ng kalabaw naman talaga...

"Do you even know how to knock??at tumalikod ka!!hubad ako oh??"sabi ko sabay takip nung dress na hawak ko...sana lang ay lamunin na ako ng kalupaan at kunin na ako ng dyosa ng mga panget para mawala na ako sa mundo ng kahihiyan..

"O-oo na!!t-tataliko na ko oh??wala ka na naman na kailangang itago sa akin kasi mahahawakan ko din ang bawat parte niyan someday..haha!!"sabi nya sabay talikod na..ang berde ng utak nya!!nakakahiya talaga!!tumawa pa sya ng wagas at ng matapos na sya ay may inaabot siyang damit sa akin...

"Oh??ano ito??"sabi ko habang kinukuha yung damit sa nakatalikod na si eros..

"Malamang damit iyan..haha,,joke..iyan ang gusto kong isuot mo ngayon,,wag ka mag-alala,,bagay iyan sayo,,iniimagin ko pa na isinusot mo iyan sa harap ko..haha!!"ang daming alam talaga nito basta sa mga makamundong bagay..

"Akin na nga iyan at susuotin ko na!!baka makita mo pa ulit ang katawan ko at pagsamantalahan mo!!hmp.."sabi ko sabay walk-out papuntang banyo para isuot ang damit na bigay niya..narinig ko pa siyang tumawa bago ako pumasok sa banyo..

Sinuot ko na ang damit..in the fair of ness,,bumagay sa akin..ang powerful pala ng fashion sense nun ni eros,,kinabog pa ako sa pagpili ng damit..

Ng maisuot ko na ng mabuti ay nag-make up na ako ng konti..pero bago iyun ay ginamit ko muna yung mga binigay nung secretary sa akin na mga beauty products...nilagay ko yung pimple-removing ointments at marami pang iba..pati yung make-up na binigay rin niya ang ginamit ko..dayang naman kasi kung di ko gagamitin,,at malay mo,ito pa ang daan para sa tuluyan kong pagganda..haha..

-------
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako sa banyo..wala na si eros and it means na nasa labas na sya at hinihintay na lang ako..

Kinuha ko lang yung mga personal belongings ko at lumabas na din..nahiya naman ako kung paghihintayin ko pa si eros sa labas..

Pagkalabas ko ng bahay ay ako naman ang napanganga...

Wahhh!!!ang gwapo at ang cool ni eros sa ayos niya!!!

Paano ba naman,,nakasandal sya sa red na ferrari niya habang dahan-dahan niyang inaalis ang shades niya sa kanyang mata!!tapos nakapolo-shirt siyang blue at red jeans!!tapos nung maialis na niya ang shades niya ay may kasama pang kindat sa akin...edi wow,,kilig na ko nito!!ehhhhh!!!

AKO'Y DYOSA! (COMPLETED)*Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon